**************************
Gabriella Cecelia Rios
Nakalipas na muli ang isang linggo pero wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa St. Valentine, sinabihan naman kami na mag hintay dahil makakatanggap kami ng sulat kung sakali mag tanggap kami o hindi. Araw-araw pa rin naman akong umaasa na makaka pasok ako dahil makaka tulong yon sa'kin lalo na kapag nag apply na ako sa trabaho.
Bukas na muli ang karinderya namin, si ate Cornellia at tita Carmine pa rin ang nag babantay non habang inaalagaan nila si Tophen. Palit-palitan sila, pansamantala kaseng nawalan ng trabaho si tita Carmine kaya bulontaryo siyang nag presinta na tutulong siya sa pag titinda.
Pagod na pagod ako mula pa kagabi dahil sa sobrang dami kong tinapos na mga projects, thesis, at mga outputs na kailangan agad ipasa kahit na ilang araw pa lang naman ito mula noong ibinigay ng mga professor namin. Wala kaming magawa dahil talagang nambabagsak sila kahit na tolerable naman ang dahilan mo, wala silang pake doon.
Napalitan na kase ang ibang professor, kung sino pa yung mga walang konsiderasyon? Sila pa 'tong matagal nananatili habang yung mga mababait at marunong umunawa ang mabilis na umaalis sa school dahil karamihan sa kanila ay mga retired na o ang iba naman ay nais nang lumipat ng school.
Si Professor De Jesus ang hinding-hindi namin siya makakalimutan lalo ang mga sinabi niyang salita bago siya mag retired bilang professor sa unibersidad na ito.
"Ayokong magalit sainyong lahat dahil hindi naman lahat tayo ay masaya ang inuuwiang pamilya, binibigyan ko naman kayo ng sapat na oras para makapag pasa kaya sana mag pasa kayo ng maayos dahil para rin naman ito sainyo". Yan ang mga huling paalala niya sa'min bago siya nag paalam na aalis na siya.
Siyempre sinubukan namin siyang kausapin tungkol dito pero base sa school regulations, hindi na talaga siya pwedeng mag turo dahil retire na siya at oras na para mamuhay siya bilang normal na tao. May asawa si Professor De Jesus pero wala silang anak kase hindi kakayanin ng asawa niya, kahit na ganon? Hindi siya umalis...
Kapag may extra kaming time, pinakikinggan namin ang istorya nila ng asawa niya. Ang sweet nga nila eh!
Hindi ko tuloy maiwasang mainggit habang iniisip ko na sana may isa pang Professor De Jesus dito sa mundo pero yung kaedad ko lang, hindi ko naman sinasabing literal na si Prof. De Jesus talaga ang gusto ko. Wala akong balak maging kabit!
Noong kabataan daw nila, nagpapanggap na mahirap si Prof. De Jesus kase ayaw ng pamilya ng asawa niya sa mga mayayaman. Hindi naman sa ayaw nilang umangat sa buhay pero iniisip kase nila na kapag masyadong mapera ang lalaki ay baka pag isipan nila ng masama ang ngayo'y asawa na ni Prof. De Jesus, halos sixty years na silang kasal pero hanggang ngayon sweet at malambing pa rin sila sa isa't isa.
Isang araw, habang nag papanggap pa daw noon si Prof. De Jesus, nagkaroon ng isang maliit na aksidente kaya nalaman ng pamilya ng asawa niya ang sikreto niya at agad silang binalak na pag hiwalayin. Hindi naman daw sila mag tagumpay dahil bago pa mang yari ang bagay na iyon, palihim na silang nagpa kasal at legal iyon!
Kaya walang nagawa ang pamilya ng isa't isa kung hindi ang pabayaan na lang silang mamuhay ng masaya at masagana!!
Ang nakaka lungkot lang, kahit ang dami nilang pera? Hindi man lang sila biniyayaan ng anak kahit isa man lang. Namana ng asawa ni Prof. De Jesus ang isang sakit na nagiging dahilan kung bakit bawal siyang mag buntis pero kahit nga wala silang mga anak ngayon, masaya naman silang mag kasama at kasalukuyan silang nag iikot-ikot sa iba't ibang lugar dito.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...