Paper Hearts

34 1 0
                                    



A/N: Medyo maiksi lang ang chapter na 'to! Happy reading!


**************************



Gabriella Cecelia Rios




Kasalukuyan akong nasa St. Valentine dahil may klase pa rin kami ngayon kahit araw ng Sabado, dapat wala sana kaming klase kaso mayroon kaming hindi natapos kahapon at pumayag naman ang lahat na mag-karoon ng Saturday classes dahil gusto na rin nila 'tong matapos para sa Lunes ay makaka-hinga na kami ng maluwag.





Sa isang subject lang naman kami may pasok, hindi lang rin naman ako ang may klase ngayon dahil pati sina Thor, Eros, Jared at West ay mayroon din. Hindi sila naka-ligtas sa klase kahit dapat ay araw ng pahinga nilang apat, wala rin naman silang magagawa dahil kasali 'to sa attendance at kapag wala sila sa listahan edi ibig sabihin 'non ay hindi sila pumasok.






Nakita ko rin na mayroong pasok ang section ni North ngayon pero mukhang wala siyang balak pumasok, palagi naman siyang wala kapag araw ng Sabado tapos mayroong klase.






Kanina pa ako nandito sa classroom, marami na rin ang kasama kong estudyante dito pero wala pa rin ang mag-tu-turo sa'min para sa araw na 'to. Iisang subject lang naman ang kailangan namin pasukan pero mukhang aabutin pa kami ng ilang oras dito, balak ko pa naman sanang puntahan si West ngayon dahil sigurado naman akong mauuna siyang umuwi kaya agad siyang di-diretso sa Villa Amore.





Marami pa siyang hindi natatapos na mga pi-pirmahang dokumento pero mas pinili niya pa rin akong ihatid kahit madaling araw na at madilim na ang kalsada, maayos akong nakabalik sa dorm dahil sa kaniya. Nakakahiya nga dahil hinintay pa ako ni Ate Tintin, ate Pearl saka ate Charlie para masiguradong maayos ako.





Tuluyan na kaseng umalis si AL este si Lauren sa dorm dahil nahanap na niya ang tunay niyang pamilya at mayroon na siyang maituturing na sarili niya talagang tahanan ngayon. Masayang-masaya ako para sa kaniya, nakakausap ko naman siya minsan pero sandali lang naman 'yon dahil abala rin siya ngayong semester.





Lumipat na rin si Lauren ng kurso, pero ang alam ko ay tatapusin niya pa rin naman ang BSBA in Management kahit sinisimulan na niya ang panibago niyang kinuha.





Ano'ng oras na ba? Bakit wala pa rin 'yung mag-tu-turo?






Habang wala pa ang guro namin, nag-pasya muna akong mag-basa ng libro. May hiniram akong libro kay AL, naiwan niya ito sa dorm kaya nag-paalam ako sa kaniya na babasahin ko muna ang libro niya.






Ibabalik ko rin naman agad kapag natapos na ako, maaari ko naman siyang daaanan sa department niya o hindi kaya naman ay ipapadala ko na lang. Hindi naman 'to mabigat kaya sigurado akong hindi rin mahal ang shipping fee.







Maganda ang kwentong binabasa ko kaya malapit na kaagad akong matapos dito, hindi rin naman masyadong makapal ang mismong libro kaya talagang sandali lang ito para sa'kin. Sanay na sanay na akong mag-basa dahil araw-araw ko nang ginagawa ang bagay na iyon, kaya paanong hindi ako masasanay diba?






Matapos ang ilang minuto, biglang bumukas ang pintuan sa harapan kaya automatiko kaming nataranta at umayos ng upo dahil mahigpit ang guro namin sa asignaturang ito. Marami siyang ayaw, marami rin siyang ipinapagawa pero mabait naman siya kapag maayos kang estudyante. Mataas din siyang mag-bigay ng grado!






Tama nga ang hinala namin, dumating na ang kinatatakutan namin kaya dapat na kaming umayos para matapos na ang klase na 'to. Agad siyang nag-simulang mag-turo sa'min at ang mga mag-reklamo ay agad niyang pinalabas, hindi kase alam ng iba na mayroon kaming pasok ngayon. Kanina lang nila nalaman dahil nabasa nila sa group chat kaya napilitan silang pumasok tapos ngayon bigla silang mag-re-reklamo.






Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon