Us Whom You Left Behind

53 1 0
                                    




**************************

Gabriella Cecelia Rios



Pag dating ko sa bahay, malamig na ang katawan ni mama. Puro ambulansya, pulis at mga chismosong kapit bahay ang nakapalibot sa buong bahay habang walang tigil sa pag iyak si Candice. Nandito si tita Carmine atsaka tito Solomon, kakarating lang nila galing sa trabaho. Isa rin sila sa mga tinawagan ni Candice bago niya ako tinawagan,





Araw na ng Miyerkules, ala una ng madaling araw ngayon at kasalukuyan kaming nasa morgue habang hinihintay na matapos ang pag aayos nila kay mama. Ngayon, mamomoblema kaming magka kapatid dahil unti mong pambili ng pag kain para sa mga makikiramay ay wala kami. Gusto namin siyang maiburol ng maayos pero wala kaming kapera-pera ngayon.





Naka tulog na si Candice sa binti ko habang katabi ko si ate Cornellia na kakauwi lang galing sa trabaho niya, tinatawagan rin namin siya kanina pero bawal nga pala ang telepono sa loob ng opisina niya kaya hindi niya nasagot ang tawag namin. Kanina pa siya tulala, halatang pagod at wala sa sarili.





Hindi ko na alam ang gagawin ko, parang kahapon lang ng umaga ay maayos si mama. Malawak pa ang ngiti niya, inaya niya pa akong kumain, nagpaalam pa ako sa kaniya na papasok na ako sa school at hinalikan ko pa siya sa pisngi niya. Parang ayokong maniwala na wala na siya ngayon, na hindi ko na siya muling makikita at kahit anong gawin ko ay hindi na siya babalik kahit na kailan.





Bakit ba palagi na lang kinukuha ang mga taong gusto pang mabuhay ng matagal?




I suddenly felt like a deflated balloon, they look lifeless like me.




Pakiramdam ko naubos na ang lakas ko, nakakawalang ganang kumilos, kumain o mabuhay. Ano pang silbi na makaka tapos ako kung wala na si mama? Sino ng bibigyan ko ng magandang buhay? Sino na yung ititira ko sa magandang bahay? Sino na yung bibigyan ko ng perang kinita ko? Sino na rin yung tatawagin kong 'mama' at babatiin ko tuwing umaga?





Wala na siya... Iniwan na kami ni mama katulad ni papa.





"Cece? Kumain na ba kayong tatlo?". Tanong ni tita Carmine.





Tipid lang akong napabuntong hininga, hindi ako sumagot sa tanong niya. Kanina gusto kong kumain pero ngayon? Wala talaga akong gana, hindi ako nakakaramdam ng gutom o ng kahit na ano maliban sa sakit at kirot.





Ang saya-saya siguro ng Diyos ngayon dahil kinuha na niya ang taong pinaka iingatan namin, ang saya-saya niya siguro kase nakikita niya nanaman akong nalulungkot at nagdurusa. Siguro ang saya-saya niya kase madadagdagan nanaman ang anghel sa kaharian niya...




Parang ang bilis naman masyado...





Pakiramdam ko kahapon lang noong natuto akong mag lakad, mag salita, mag bilang ng numero, at tawagin siyang 'mama' ng tuwid at nang hindi nabubulol.





"Cece, umuwi na muna kayong tatlo. Kami na ng tita mo ang bahala dito, hindi namin pababayaan ang mama mo". Sambit ni tito Solomon.





Inangat ko ang ulo ko at pinag masdan silang dalawa, nakita kong mugto ang mga mata ni tita Carmine habang malungkot pa rin ang ekspresyon ni tito Solomon. Malamang iniwan nila si Celestina mag isa dahil matatakot siya kapag isinama pa namin siya dito sa morgue, baka himatayin lang siya o kung ano man ang mang yari sa kaniya.





"Kung alam ko lang na hindi na siya magigising ulit, sana hindi ko na lang siya pinatulog". Mahinang sambit ni ate Cornellia.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon