Intentions

44 1 0
                                    




**************************

West Mitchell Collins


"West, hindi na ako mag-papaligoy-ligoy pa dahil may nais akong sabihin sa'yo at gusto kong manatili muna ito sa pagitan natin hangga't hindi pa kita pinapahintulutan na sabihin ito sa kahit na sino, kahit sa kapatid mo". Sambit ni Tito Philip.


Hindi ako makapag salita, nananatili lamang akong estatwa sa posisyon ko habang diretso ang tingin sa direksyon ni Tito Philip. Sa totoo lang, hindi naman ako kinakabahan tungkol sa nais niyang sabihin pero hindi ko maiwasang mapaisip mag-isip ng kung ano-ano.



"Una, palagi mong babantayan si Psyche dahil nanganganib ang buhay ng pinsan mo". Panimula niya.



Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga binitawan niyang salita tungkol sa pinsan kong pasaway, nanganganib? Paano? Sinong nag-tatangka sa buhay niya?!!



"Pangalawa, maaaring malapit na natin mahanap ang sagot sa misteryosong pag-kamatay ng ina ni Jared o Code XLII". Pag-papatuloy niya.



"Sa mga oras na 'to, alam kong nalilito ka na kaya hayaan mo akong mag-patuloy sa pag-papaliwanag". Dagdag niya pa.



Hinarap niya ang monitor ng computer niya, lalong nanlaki ang mga mata ko at halos mahulog ang panga ko dahil sa nakikita ko ngayon. Bago namin ibinalik ang mini disk na nakuha namin mula sa misyon ay tiningnan muna namin iyon, kabisadong-kabisado ko ang laman ng mga iyon kaya hindi ako maaaring mag-kamali.



Wala itong volume pero kitang-kita ko ang isang CCTV footage kung saan nakikipag laban si Thor kay Primo, mga bata pa lamang kami dito pero naalala ko pa rin ang nang yari dahil muli ko iyong napanood.


Ang sumunod naman ay si Jared habang kinakalas ang mga parte ng baril, kami ni North ang pinaka huli kung saan kapwa namin sinusubukan na makalusot sa firewall ng Cielo.



"Tama ang iniisip mo pamangkin ko, isa akong agent katulad mo. Ako ang Assistant Director ng organisasyon o mas kilala ako bilang Code II". Napaatras ako dahil sa sinabi niya, totoo ba ang mga sinasabi niya?!


Si Tito Philip?! Assistant Director ng Cielo?!!



"Kung totoo po ang sinasabi ninyo, sino ang Code I?". Walang pag-aalinlangan kong tanong.


"Iyan ang isang bagay na hindi ko maaaring sabihin kayo West dahil hindi pa ito ang tamang panahon, darating din tayo diyan pero sa ngayon ay intindihin mo muna ang mga sasambitin kong salita dahil mahalaga ang bawat isa dito". Paalala niya sa'kin.



Nag-simula siyang mag-paliwanag tungkol sa kung bakit dapat kong bantayan si Psyche, narinig ni tito Philip na binabalak ng mga Madrigal na dukutin siya at gawing ransom. Hanggang ngayon kase ay hindi pa rin siya pumipirma sa kasunduan nila at dahil doon, nangangamba ang mga Madrigal na baka lalo silang malugi kung sakali mang hindi itutuloy ni Tito Philip ang pag-pirma doon.



Bilang ganti, dudukutin nila si Psyche at siguradong mang hihingi sila ng malaking halaga pero tatapusin pa rin nila ang buhay ng pinsan ko. Gustuhin man niyang protektahan ang sarili niyang anak ngunit hindi niya magawa, malinaw naman na hindi maayos ang relasyon nilang mag-ama kaya kailangan niya talaga ng ibang gagawa non.



Isa pa, ubod ng pasaway at sobra talaga ang katigasan ng ulo ni Psyche kaya malabo siyang makikinig kay Tito Philip. Kahit pa marunong lumaban si Psyche, hindi pa rin maaalis ang katotohanan na babae siya at mabilis siyang masaktan lalo na kung pisikal na pamamaraan ang usapan kumpara sa'ming mga lalaki na sanay sa sakit ng katawan.



Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon