A Hole In My Heart

31 1 0
                                    



A/N: Short chapter ahead!!



**************************



Gabriella Cecelia Rios





Nang makarating ako sa dorm, agad akong nag-tungo sa kwarto para mag-pahinga. Wala ang mga tao dito ngayon, marahil ang iba sa kanila ay tulog o may pinag-kakaabalahan sa loob ng kwarto nila. Dala-dala ko ang mga nabili ko sa mall kasama si Lauren kanina, hindi naman ito masyadong marami pero parang nakakamatay 'yung presyo. Kapag pinag-sama-sama ang lahat ng ito ay halos nasa fifty thousand pesos!!





Dalawang bistida, tatlong t-shirts, isang high-waisted denim shorts, dalawang pleated mini skirts, sapatos, mga makeup products tapos 'yung libro. Lahat-lahat ng mga iyan ay fifty thousand ang halaga kaya kung  dalawa kami ni Lauren,  tumatagingting na one hundred thousand ang nagastos niya sa mga pinamili namin kanina!!!





Pwede naman akong gumastos dahil may pera naman ako saka malaki na rin naman ang naipon ko habang nag-ta-trabaho sa Villa Amore pati na sa iba pang part-time jobs na pinasok ko dati, hindi ko lang magawang gumastos dahil nilalaan ko ang perang 'yon para makapag-patayo ng bahay na maaari kong tawagin na pag-aari namin ng mga kapatid ko.





Medyo malaki naman na si Tophen kaya ibig sabihin 'non ay hindi na siya masyadong alagaain, maaari na rin bumalik si Ate Cornellia sa pag-aaral kahit na nag-ta-trabaho siya, fourth year na lang naman ang kailangan niyang tapusin tapos makakakuha siya ng mas matinong trabaho. Kapag natupad na niya ang pangarap niyang makatapos, makakatulong na rin siya para makapag-patayo na kami ng magandang bahay!!




May part-time job ako sa gabi, isa akong Call Center Agent.





Medyo malaki ang sahod ko kahit baguhan lang ako pero may dahilan kung bakit ganon, sandali lang kase ang kontrata ko sa kumpanyang pinapasukan ko ngayon dahil ginawa lang naman akong substitute. Kukulangin daw kase sila sa tao kung mawawala ang isa sa kanila kaya nag-karoon ng hiring. Ako ang swerte sa lahat, napunta sa'kin ang trabaho.





Nasa maternity leave lang naman ang isang nawala na tinutukoy nilang lahat, nakapanganak na siya noong nakaraang buwan kaya nag-pa-pahinga na lang siya ngayon.






Isang malusog na batang babae ang anak niya, ipinakita na niya sa'min ang anak niya sa chat dahil nag-tanong ang isa sa'min kung maaari ba daw namin makita ang anak niya.





Kasalukuyan akong nag-a-ayos ng mga pinamili ko ngayon dahil mayroon akong schedule mamayang gabi, hindi ko na 'to magagawa mamayang gabi o kinabukasan dahil siguradong pagod ako kaya dapat ay ngayon ko na gawin.





Sa loob ng napaka-iksing panahon, parang madami na kaagad ang nag-bago sa buhay ko pati na sa buhay ni Lauren. Natuklasan namin ang mga bagay na hindi namin inaasahan tungkol sa mga sarili namin, masayang-masaya talaga ako para sa kaibigan ko dahil nakabalik na siya sa tunay niyang pamilya.






Masaya ako para sa kaniya kase unti-unti na niyang natutupad ang mga pangarap niya, at mas lalo pa akong sumasaya dahil naging parte ako ng buhay niya.






Nakikita ko kung papaano niya pag-hirapan ang lahat kaya deserve niyang maging successful sa future, palagi ko siyang ipinag-darasal dahil gusto ko siyang maging ligtas at masaya. Ganon din ang ginagawa ko sa ibang taong nakapaligid sa'kin.






Busog naman na ako ngayon kaya hindi ko na kailangang kumain pa, matapos kong mag-ayos ay nag-pasya na akong mag-bihis ng pang opisinang damit.






Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon