*2 months later...
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Dalawang buwan na ang nakakalipas, normal naman ang lahat ng bagay sa paligid ko maliban sa isang tao. Si West, he's changing. Something is wrong, I can sense it and my guts are telling me that he's not okay but I just can't bring myself to ask him about his problems. Gusto kong ako naman ang pag-katiwalaan niya kahit minsan.
Kahit minsan lang... Is that too much to ask?
Hindi niya ba talaga ako kayang pag-katiwalaan pag-dating sa mga problema niya? Oo, alam ko ang kalahati ng pag-ka-tao niya at alam ko rin na bawal niyang sabihin sa'kin ang mga bagay na tungkol doon pero gusto kong malaman kung ano'ng nang yayari para maintindihan ko naman kung bakit ganiyan ang mga likos niya.
Nakalimutan niya na bang mag-asawa kami? Wala na ba akong halaga? Ano ba ako sa buhay niya? Display? Laruan? Babae niya lang? Asawa niya lang? Ano?! Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang papel ko sa buhay niya para hindi ako nag-kaka ganito!!
I'm his wife, but I don't feel like I am because of his countless secrets that he has to keep away from me. He doesn't want me to get involve then he has to tell me at least a clue about it, I want to know so I can comprehend what's going on with him most of the time.
Pakiramdam ko eh wala na akong kwenta, naiinis ako kase wala akong ideya kung ano'ng nang yayari sa kaniya. Gustong-gusto ko siyang tanungin pero hindi ko ginagawa dahil ayokong isipin niya na labis ako kung mang himasok sa personal na buhay niya kahit napag-usapan na namin na kahit mag-asawa na kami ay may mga bagay na maaari kaming itago sa isa't-isa.
At dapat namin iyong irespeto at bigyan ng halaga dahil kasama iyon sa kasunduan namin, kaya nga kami nag-titiwala sa bawat isa diba? Ano pang silbi 'non kung aarte ako na para bang wala akong tiwala sa kaniya??
They say, a real woman can handle a busy man. She's mature enough to respect his time and she's mature enough to appreciate his efforts. She loves him enough to watch him grow, and that's exactly what I'm doing despite the fact that I'm worried about him all the time because he's an Agent.
Kahit pag-bali-baliktarin ko ang mundo, o kahit maging ano pa ang relasyon namin ni West ay hindi ko na magagawang maaalis ang katotohanan na isa siyang Agent. Araw-araw ko siyang iniisip kahit nasa Flight ako, maski sa pag-kain ko ay siya pa rin laman ng isipan ko. Bakit? Kase nag-aalala 'yung utak ko at dahil doon, nasasaktan at kumikirot ang puso ko.
Palagi na nga akong wala sa tabi niya dahil palagi akong may Non-stop Fight, bihira lang akong mag-karoon ng Direct Flight o hindi naman kaya ay Layover Flight. Tapos puro malalayong bansa pa ang pinupuntahan ko, kapag sinusundo niya ako galing sa Airport? Didiretso na agad kami sa condo lalo na kapag madaling araw na ako nakakauwi.
Pag-dating namin sa condo, kakain lang kami sandali lalo na kapag parehas kaming nakaramdam ng gutom. Kapag natapos na 'yon ay mag-bibihis lang kami tapos matutulog na dahil parehas kaming pagod at kailangan nang mag-pahinga dahil may trabaho pa kami. Madalas din siyang mag-tungo sa ibang bansa dahil sa mga business meeting na kailangan niya talagang puntahan kahit ayaw niya.
Kapag ganon ang sistema namin ay inuutusan niya pa ang personal driver niya na sunduin ako at siguraduhin na maayos akong makakarating sa Airport o makaka-uwi sa condo namin.

BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...