**************************
Gabriella Cecelia Rios
Ala-singko pa lang ng umaga pero gising na gising na ako dahil susunduin nga ako ni West, kasalukuyan akong nag-aayos ng buhok ko ngayon dahil tapos na akong maligo saka mag-suot ng damit ko. Naka-ayos na rin ang mga gamit na dadalhin ko, medyo marami ito dahil baka bigla akong tawagan ni Zariah tapos kailanganin kong pumasok sa training.
Malapit na kaming matapos sa training, kaunti na lang at makukumpleto na namin ang pag-sasanay. Kapag natapos na namin iyon, maaari na kaming mag-simula bilang totoong mga Flight Attendant pero dahil nag-aaral pa ako ay mayroong posibilidad na mag-hihintay pa ako ng ilang taon bago ako mag-a-apply sa Infinity Airlines.
Habang pinag-mamasdan ko ang repleksyon ko sa salamin ay napapangiti ako dahil nakikita ko na ang sarili ko habang suot ang uniporme ko, dala ko na rin ang maleta ko tapos nag-lalakad na ako papunta sa loob ng eroplano.
Mas masaya rin kung kasama ko si Zach pati Zariah, pupunta kami sa iba't ibang bansa tapos pag-uwi ko sa Pilipinas ay si West ang una kong makikita dahil siya ang mag-susundo sa'kin. Pag-uwi namin sa bahay, siguradong nandoon ang mga kaibigan namin dahil ayaw niyang mag-isa kapag wala ako.
Ganon lang naman palagi si West, saka wala namang problema kung nandoon silang lahat sa bahay kapag wala ako o kahit nandoon ako dahil kapamilya na rin naman ang turing ko sa kanilang lahat.
Noon, iniisip ko talaga na maling desisyon ang pag-punta ko sa San Nicolas pati na rin ang pag-pasok ko sa St. Valentine pero ngayon? Hindi ko akalaing magiging ganito ang sitwasyon ko. Sa totoo lang, hindi lang saya at lungkot ang dinala ng mga taong nakilala ko dahil binigyan din nila ako ng mga bagong ala-ala at pinaka-marami doon ang mga masasaya!!
Ni wala akong ideya na marami akong makikilalang mga tao, na magiging kaibigan ko si Lauren, Psyche, Dawn, Avi, Ate Trinity, Ate Riane pati na rin ang mga kasama ako sa dorm at higit sa lahat ay wala sa plano ko ang magustuhan at maging asawa si Mr. West Mitchell Collins pero halos dalawang taon na kaming mag-asawa, ang kaso nga lang ay wala pang ideya ang mga kapamilya namin.
Sa lahat mga taong kadugo namin ni West ay si North saka si Kuya Reidly pa lang ang nakaka-alam ng tungkol sa kasal na nang yari noon, maliban sa mga kaibigan ni West ay wala ng ibang nakaka-alam ng tungkol dito. Unti mong si Psyche at Dawn ay walang ideya dahil wala naman sila noong mga panahon na iyon.
Parang masyadong mabilis ang panahon, hindi ko akalain na ang layo na pala ng narating ng mga paa ko. Kung saan-saan ko hinanap ang lugar kung saan ako babagay dahil pakiramdam ko ay wala akong lugar dito sa mundo, iyon nga ang isa sa dahilan kung bakit nag-trabaho ako bilang isang Tourist Guide noon.
Napadpad na ako sa iba't-ibang sulok ng Pilipinas, may mga lugar pa rin naman ako na hindi napupuntahan pero halos lahat ng maaaring puntahan ay napuntahan ko na at alam ko rin ang mga bagay tungkol sa lugar na pinuntahan ko dahil isa nga akong Tour Guide. Kasama sa trabaho ko ang mag-bigay ng impormasyon at siguraduhin na matutuwa sila sa mga malalaman nila tungkol sa lugar.
Makalipas ang halos isang oras, natapos na akong mag-ayos ng buhok ko kaya nag-pasya na akong lumabas sa kwarto ko. May araw na sa labas, pag-tingin ko sa relo ay alas siyete na pala ng umaga. Nag-tungo ako sa kusina at naabutan kong kumakain ng agahan sina Lolo, Lola, Candice, Ate Cornellia sa si Tophen na abala pang nanonood kaya hindi maka-kain ng maayos.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...