**************************
Gabriella Cecelia Rios
Kasalukuyan na kaming nandito sa isang Spa and Salon na pag-aari ng kakilala ni Ate Tintin, mamahalin din ang lugar na ito at dito nag-papaayos ang mga kilalang artista. Nakita ko kanina ang presyo kung mag-kano ang mag-paayos sa kanila, agad nalaglag ang panga ko dahil 'yung mag-palagay lang ng makeup ay five thousand and five hundred pesos na ang halaga tapos hindi pa kasama doon 'yung ayos sa buhok.
Akala ko pag-dating namin dito kanina ay agad akong aayusan sa buhok o mukha ko pero mali pala ako, kakatapos ko lang mag-pa footspa at ngayon ay nililinis na nila ang mga daliri ko sa paa habang ang iba naman ay nasa kamay ko. Sa madaling salita ay hindi ako maaaring mag-likot o kung ano pa man dahil masisira lang ang pinag-hirapan ng mga empleyadong nag-papakahirap na pag-silbihan ako.
"Cece? Are you okay? Bakit tahimik ka?". Tanong ni Ate Tintin.
"Wala naman po akong problema, hindi lang po ako sanay sa mga ganitong bagay. Alam niyo naman pong wala rin akong panahon pag-dating sa pag-aayos". Malumanay kong sagot sa kaniya habang sinusubukan
"Well, masanay ka na. Cece, being a Flight Attendant it not just about taking care of the people and making sure that they are comfortable during their flights. It's also about taking care, pampering and putting yourself first". Halatang-halata sa boses niya na masaya siya habang sinasambit niya ang mga salitang iyon sa'kin.
May punto naman siya at naiintindihan ko iyon, kaya ko namang alagaan ang sarili ko pero minsan ay hindi ko naiiwasang mag-pabaya dahil abala ako sa maraming bagay katulad na lamang sa pag-aaral. Hindi ko matutupad ang mga pangarap ko kung hindi ako mag-sisipag at mag-titiis.
Saka idagdag pa 'yung part-time job ko na siyang dahilan kung bakit mayroon akong sobrang pang gastos sa araw-araw o hindi naman kaya ay pambayad namin ng mga kapatid ko sa tubig pati kuryente.
Hindi ako palaging tumutuloy sa bahay namin sa Agoncillio pero nag-aambag pa rin ako ng pambayad minsan dahil kailangan rin ni Candice ng pera para sa pag-aaral niya. Lalo ngayon, malapit na siyang tumungtong sa kolehiyo.
Halos limang oras ang inabot bago natapos ang pag-aayos sa buhok, sa paa, sa kamay pati na sa mismong mukha ko. Parang si Ate Tintin saka ang mga empleyado ng Salon na ito ang naging Fairy godmother ko ngayon, silang lahat ang tumupad sa hiling ko na maging maganda kahit isang gabi lang.
"Ma'am, ang ganda niyo naman po!! Pwede ko po ba kayong kuhanan ng litrato?? Mukha po kayong prinsesa!!". Natutuwang papuri ng isang empleyado sa'kin. Of course, how can I refuse to take a picture with her?
Agad akong pumayag dahil alam kong nag-hihintay rin ang ibang empleyado na humahanga sa itsura ko ngayon kabilang na ang mga babaeng nag-ayos sa mukha ko, natutuwa sila dahil maganda ang kinalabasan ng gawa nila at nag-papasalamat naman ako dahil nagustuhan ko ang ginawa nila.
Photographs are one of the most important things that we should consider as a treasure. If you're gonna ask me why I say so, it is because it always stays with us. When we're in a photograph, our eyes are never closing, our hearts are never broken and our time's forever frozen. We can keep it inside the pocket of our ripped jeans or even wallets.
Loving West was the most exquisite form of self destruction.
But even if my heart was already torn into millions of pieces, I wonder why I never stopped loving him. Some people say that it it's destroying you then it's not love, then what is it? What's this feeling inside me that keep on bombarding me over and over and over again whenever I thought of him??
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Ficção CientíficaThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...