Axis

47 1 0
                                    





**************************


Gabriella Cecelia Rios



Makalipas ang ilang minuto, nandito na kaagad kami sa parking lot ng ospital. Malapit lang kase ito mula sa condo ni West habang medyo malayo naman mula sa condo ni Psyche kaya mukhang mas matatagalan siya, nasa harapan namin ang sasakyan ni Jared at kasalukuyan na rin siyang nag-hahanap ng space para makapag-parada na siya.






Kami ni West ang unang naka-hanap, hindi ata iyon napansin ni Jared kaya hindi siya nag-tungo sa pwesto na 'yon. Mabuti na lang at mayroon pang mga space sa ibang lugar kaya mabilis na naka-hanap si Jared, agad na pinatay ni West ang makina ng sasakyan para makababa na kami.





Mula sa malayo, may nakikita akong isang pamilyar na mukha. Nang pag-masdan ko ito ng mas maayos, agad kong napag-tanto na si Psyche pala iyon. Napaka-ganda niya talaga kahit saang anggulo mo tingnan, no wonder why mahal na mahal siya ng mga tao sa paligid niya lalo na ni Eros saka ng mga pinsan niya.






"West? Naunahan tayo ni Psyche, nandito na siya". Ani ko.






Itinuro ko kung nasaan si Psyche kaya napangiti siya bago niya pinag-patuloy ang ginagawa niya, mukhang may inaayos pa si West sa loob ng sasakyan kaya hinihintay ko rin siya. Makalipas ang ilang segundo, natapos na niya ang ginagawa niya kaya tuluyan na niyang isinarado ang kotse niya.






Hindi na nakapag-palit ng damit o nakapag-ayos ng sarili si North dahil nag-mamadali na nga kaming lahat, dala-dala niya pa rin ang unan niya ngayon. Mag-simula na kaming mag-lakad papunta sa direksyon ni Psyche, nakatayo lang siya malapit sa sasakyan niya.






"Ang bagal niyo namang mag-maneho! Kanina pa ako nag-hihintay dito!! It smells nakakadiri here!!". Iritadong reklamo ni Psyche matapos niyang makita si West. Walang imik ngayon si North dahil wala pa siya sa sarili niya, magiging okay din naman siya mamaya kaya hindi kami nag-aalala sa kaniya.






Naka-suot ng isang eleganteng damit si Psyche, bagay na bagay talaga sa kaniya ang mga damit na sinusuot niya. Ang galing niya rin mamili ng kulay saka nagagawa niya rin ayusan ang sarili niya kaya hindi na ako nag-ta tama kung bakit isa siya sa mga pinaka-sikat at kilalang modelo sa buong mundo, hanggang ngayon ay hinahangaan ko pa rin siya!






"Why didn't you get in first?". West asked.





"Because I don't want to okay? C'mon! Let's hurry!!". Pag-anyaya niya sa'ming lahat.






Masaya kaming nag-lakad papasok sa loob ng ospital, alam naman na namin kung saan kami dapat mag-punta dahil nasabi na ni Primo kung saan namin sila makikita.






Kasama niya si Ate Trinity ngayon, sila pa lang ata ang nandoon ngayon para bantayan si Dawn habang nasa tapat ng delivery room siya. Pag-dating namin doon, tama nga ang nasa isip ko dahil talagang nag-hihintay silang dalawa.






"Oh? Ba't nandito kaagad si Cece? Ang bilis mo naman, eh galing ka pa sa kabilang bayan diba?". Nalilitong tanong ni Ate Trinity sa'kin. Mukhang iniisip nila ni Primo na nag-teleport o hindi naman kaya ay lumipad ako papunta dito.





"Natulog ako sa condo ni West dahil sa kasamang palad ay akala ng Lolo at Lola ko na ako ang buntis kaya panay ang alis namin ni West papunta sa ospital, iyon ang dahilan kung bakit ako pinalayas". Walang emosyon kong paliwanag sa nang yari. Wala namang masama sa sinabi ko kaya ayos lang na sabihin ko sa kanila ang totoo.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon