City Of Lies (PT. 2)

46 2 0
                                    




**************************



Gabriella Cecelia Rios




Makalipas ang halos isang oras na byahe, nakarating na kami sa tapat ng gate ng mansyon ng mga Valiente. Medyo traffic din sa dinaanan ng sinasakyan namin kaya medyo natagalan kami, hindi naman masyadong malala 'yung traffic kaya ayos lang. Inutusan na lang ni Psyche 'yung driver niya na sabihin ang pangalan namin. Kilala naman ako ni Luther saka ni Landon, nag-kita na ata kami noon habang kasama ko si Lauren.





Nang makapasok ang sasakyan sa loob ay agad itong dumiretso sa tapat ng mansyon, matapos tumigil ng sinasakyan namin ay kapwa kami bumaba ni Psyche at dala-dala pa rin namin 'yung mga gamit namin dahil iniisip ni Psyche na baka hindi maniwala si Lauren. Mas maganda daw kung dala namin 'yung mga bag at maleta namin para mag-silbing props.





Sa totoo lang ay wala akong ideya kung ano'ng iniisip niya ngayon pero, may punto rin naman siya. Kilala ko 'yon si Lauren lalo na pag-dating sa mga ganitong bagay, matagal ko na siyang kasama at alam kong hindi siya basta-basta naniniwala. Maliban na lang kung may ipapakita kang proweba sa kaniya.





Si Psyche na ang kumatok sa pintuan, nang pag-buksan kami ng isang katulong ay agad naman kaming nakilala dahil pinsan ni Psyche si North habang malapit na kaibigan ko naman si Lauren mula pa noong nag-aaral kaming dalawa sa St. Valentine kaya pinatuloy kami ni Psyche sa loob.





Makalipas ang ilang minuto, biglang dumaan sa harapan namin si Luther. Agad niya kaming napansin, at ganon din kami sa kaniya dahil hindi pa kami umuupo ni Psyche sa sofa. Nakaka hiya naman kase na basta na lang kami uupo, wala namang nag-sasabi na maaari namin gawin ang bagay na iyon.






"Hi, Luther! Nasaan si Lauren?". Masayang tanong ni Psyche sa kaniya. He furrowed his right eyebrow then he stared at us from head to toe, ano'ng meron?





"In her room, upstairs". Maiksing sagot ni Luther sa kaniya.






"What brings the two of you all the way here?". He added.





"Oh, don't mind us. We're just going somewhere far, but we're taking Lauren with us". Psyche informed him. I don't think it's a good idea to tell him that we're going somewhere "far" because he might think that we're gonna run away but we're taking his sister with us and involve her with our business.






"Somewhere far? Where exactly?". He asked again.





"Certainly not in the outer space, dito lang naman sa loob ng earth kaya huwag kang mag-alala". Tugon ni Psyche.






"So where's Lauren? Can we go upstairs?". Muli namang tanong ni Psyche kay Luther.






Hindi ako makapag-salita dahil nahihiya ako sa kapatid ni Lauren, although mag-kaibigan kaming dalawa ay hindi naman ako masyadong malapit sa mga kapatid niya lalo na kay Luther.





Pakiramdam ko kase, Si Luther ay mas malalang version ni West lalo na noong una kaming nag-kakilala. Ganito rin kaya 'yung ugali at pakikitungo ni West sa'kin noon, masyadong malamig saka tipid lang siya kung sumagot pero ngayon? Nako, mas madaldal pa pala siya kaysa sa'kin.






West is a sweet person, he's like a cupcake.






"Go ahead, do your thing". Malamig na sagot ni Luther.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon