*A month later...
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Isang buwan na ang nakakalipas mula noong nag-simula akong pumasok sa St. Valentine, samu't-saring kamalasan na ang naranasan namin ni AL dahil sa mga Hari ng eskwelahang ito. Buong akala siguro ng mga kapwa namin na nag-aaral din sa St. Valentine ay gusto namin na pinapansin ng mga pasa way na iyon, hindi nila alam na baliktad.
Hindi kami nag-papa-pansin sa mga iyon kaya nakukuha namin ang atensyon nila, to be exact? Unwanted attention ang natatanggap namin dahil sila lang naman 'tong kusang pumapansin sa'min. Ginagawa talaga ni West ang sinabi niya sa'kin noong gabing iyon, tinutukoy ko yung gabi na linait-lait ako nung soon-to-be fiance niya.
Araw-araw akong pinapatawag ni West tuwing nasa Villa Amore kaming dalawa, iniisa-isa niya lahat ng gusto niya para lang makita ako. Ayoko namang mag-isip ng kung ano dahil baka mali iyon, ayoko namang mapahiya o matawag na assumera. Hanggang hindi ko pa rin nakakalimutan ang mga sinabi ni Ms. Summer, gusto kong kalimutan pero hindi ko naman magawa.
Sa lawak at laki ng St. Valentine, akala namin ay malabo na hindi namin makakasalubong ang apat na pasaway na iyon pero mali pala kami. Nakakasalubong pa rin namin sila, iyon ang nagiging dahilan ng araw-araw na kalbaryo sa buhay namin ni AL pero hindi nila alam ang bagay na iyon.
Palagi kaming binubully, kaya palagi rin kaming umuuwi na puro pasa at galos sa buong katawan. Tulad nga nang sinabi ko, walang ideya si West o si Jared tungkol sa bagay na iyon dahil una hindi naman namin sinasabi. I mean, what for? May magagawa ba sila? Ano? Tatakutin yung mga babae?
Kahit naman gawin nila iyon, titigil lang sila sandali tapos pag-lipas ng ilang araw o linggo? Babalik din naman sila sa dati nilang gawain kaya para saan pa't tatakutin nila yung mga nambu-bully sa'min ni AL?
Gwapo naman talaga sina Thor, Eros, Jared at West pero papaano nila napag-sasabay ang pagiging gwapo at clueless?
Isa lang naman ang gusto ko eh, ang makatapos ng pag-aaral ko pero hanggang kailan ba namin titiisin ang pambu-bully ng mga babaeng may gusto sa kanila?
Kayang protektahan ni AL ang sarili niya pero paano naman ako na hindi marunong lumaban?
Hindi lang naman isa ang may problema sa'min eh, marami sila at pakiramdam ko ay galing lang sila sa iisang grupo. Kung ano-ano ang ginagawa nila sa'min, pero maski si AL ay hindi makalaban dahil ako naman ang pag-didiskitahan ng iba kapag ginawa niya ang bagay na iyon.
Ngayon? Hindi na kami nagugulat sa tuwing dinadala nila kami sa paradahan para pag-tripan, palagi naman nilang ginagawa iyon. Para ngang naging hobby na nila, hindi man nakakatuwa pero para sa kanila? Ayos lang dahil hindi naman sila ang nakakaramdam ng sakit.
Sana bago nila kami sinasaktan, iniisip din muna sana nila ang katotohanang hindi naman kami magugustuhan ng kahit na isa sa mga iyon. Kung ikaw man ang pinag-palang babae, siguradong magiging maganda ang kinabukasan mo pero kung hindi naman? Sana huwag mong ipilit lalo na kung alam kong hindi pwede.
Kung gusto mo ang isang tao, gustuhin mo lang siya. Kung mahal mo siya, mahalin mo lang. Huwag mong obligahin yung tao na ibalik sa'yo yung nararamdaman mo kase una sa lahat, Ikaw naman 'tong nahulog sa kaniya at hindi siya.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...