Between Two Choices

41 1 0
                                    



**************************


Gabriella Cecelia Rios



Tatlong araw na ang nakakalipas mula noong nag-karoon ng tampuhan sina AL saka Jared, hanggang ngayon ay sinusubukan pa rin na suyuin ni Jared ang kaibigan ko pero mukhang wala pa rin talaga eh. Ayaw pa rin makipag-usap ng maayos ni AL, umiiwas pa rin siya kaya kahit kami ni West ay walang magawa para matulungan sila.





Malapit na ang exam namin ngayon, eto ang priority namin ni AL lalo na ako dahil dito nakasalalay ang scholarship ko. Kapag bumagsak ako, mawawala ang scholarship o ka-kailanganin ko nang mag-bayad ng tuition fee. Saang kamay ng panginoon naman ako kukuha ng isang daang libo?





Malapit na akong matapos, kaunting tiis na lang talaga. Malaki ang tiwala ko sa sarili ko na kayayanin kong makatapos kahit ano'ng problema ang dumating, hindi ako pwedeng sumuko o pang hinaan ng loob dahil ako na lang ang pag-asa sa'min. Hindi ko naman sinasabing hindi na aasenso si Ate Cornellia pero kailan pa 'yon?





Malapit na siyang makatapos noon pero bigla naman siyang nabuntis, kasabay pa 'non na nawala si mama. Doble-doble 'yung gastos namin at halos hindi na ako makahinga dahil ako ang nag-ba-bayad ng malaki para lang hindi kami masyadong mabaon sa utang, malaki na ang isinakripisyo ko para sa pamilya at pag-aaral ko..





Kung bigla akong mawawalan ng gana, para ko ring binaliwala ang pangarap namin ni mama. Hindi niya man daw ako kasama ngayon pero palagi niya akong binabantayan at sana ngayon ay nakikita niya ako, miss na miss ko na kase siya eh. Hindi pa rin nawawala ang mga gabing iiyak ako dahil gusto ko siyang yakapin pero hindi ko naman magawa.




Gusto ko pa naman sana siyang patirahin sa magandang bahay na mayroong pool saka hardin, gusto ko siyang bigyan ng sariling mga katulong para hindi na siya mahihirapan sa pag-li-linis o pag-lu-luto dahil sumasakit ang likod niya sa tuwing tumatayo siya nang matagal na oras.





Gusto kong makakain si mama pati na ang mga kapatid ko sa mga masasarap na restaurant kahit hindi pasko, bagong taon o kahit na ano'ng okasyon, yung tipong kahit normal na araw lang ay masarap at kumpleto kaming lahat sa pag-kain. Gusto kong maranas naman nila na hindi namin kailangang mag-alala sa pag-kain dahil marami kami 'non.




Napaka-dami kong gustong ibigay at iparanas kay mama pero hindi ko na 'yon magagawa sa kaniya dahil maaga niya naman kaming iniwan, kung alam ko lang na iyon na ang huling araw niya ay sana hindi na ako pumasok. Sana nanatili na lang ako sa tabi niya hanggang sa huling sandali, sana nakapag-paalam man lang kami diba?





Sana niyakap ko muna siya ng mahigpit, bago siya umalis...






Tanggap ko naman na ang katotoohanang iniwan na rin kami ni mama ngayon pero hindi nawawala ang sakit at lungkot kapag naalala ko na wala na siya, normal lang naman siguro 'yon diba?




Mahal natin 'yung nawala eh.





Kasalukuyan kaming nasa classroom, oras ng pangalawang asignatura na namin ngayon at sa totoo lang ay medyo nakaka-antok ang topic namin pero pinipigilan kong matulog o kahit pumikit man lang.





Maayos naman ang relasyon namin ni West pero may kakaiba akong napapansin sa kaniya at sa pagitan ni Summer, mukhang hindi pa rin ata tumitigil ang babaeng 'yon sa kaka-dikit sa asawa ko. Base sa mga narinig ko noong nakaraan, palubog na daw talaga ang kumpanya nila at kailangan nila ang Villa Amore para muling maka-bangon ang kumpanyang pinag-hirapan ng mga magulang nila.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon