A/N: Dala ng magka kapatid ang surname ng nanay nila kase hindi naman legal na kasal ang nanay at tatay nilang tatlo, in short talagang Rios ang apelyido nila (^_-)
**************************
Gabriella Cecelia V. Rios
Ako si Gabriella Cecelia Rios o Cece para sa pinaiksing katawagan, isa akong tourism management student sa paaralan ng San Teodoro State University. Pangarap kong maging isang Flight attendant sa Infinity airlines, masyadong mataas ang pangarap ko pero tiwala naman ako sa sarili ko na makaka tapos ako at makakapag trabaho doon. Naka tira kami sa Agoncillio, Batangas kasama ang nanay at mga kapatid ko. Pangalawa ako sa mag kakapatid, at tres marias kami.
Hindi ako mahilig sa sports kase arts at travelling ang gusto ko kaso walang pang travel, imbis na gagastahin ko para doon ay iipunin ko nalang para sa mga bayarin namin dito sa bahay. First year college na ako habang si ate Cornellia naman ay nasa third na, malapit na siyang matapos sa pag aaral. Call center agent si ate Cornellia sa gabi habang estudyante naman siya sa araw, third year high school na ang bunso naming kapatid at kapwa may talento din siya kagaya naming mga nakaka tanda niyang kapatid.
Marami na akong nasubukang trabaho sa murang edad, simula kase noong nagka sakit si mama ay kami na ni ate Cornellia ang tumayong nanay at tatay. Lumaki kaming walang ama, nakilala daw namin siya sabi ni mama pero mga bata pa daw kami noon kaya ngayon hindi na namin siya maalala. Hindi pa ipinapanganak si Candice ay umalis na daw si papa, dati daw tumatawag siya at nag paparamdam pa pero ilang buwan lamang daw ang maka lipas ay tila bigla itong nag taho na para bang bula.
Mula non ay hindi na kami nakarinig ng kahit na anong balita tungkol sa kaniya, ni hindi nga namin alam kung sino o ano ang tunay niyang pangalan. Si mama lang talaga ang nakaka alam non ngunit ayaw niya namang sabihin saaming tatlo, hindi na daw dapat namin hinahanap ang taong matagal ng wala at umabando na saaming pamilya niya. Naiintindihan kong baka nasasaktan lang si mama kaya niya nasasabi ang mga ganong bagay pero tatay pa rin namin yon, gusto lang naman namin siyang makilala.
Nagtatrabaho ako dati bilang part time na tourist guide, nagka interest ako lalo sa turismo dahil sa trabaho kong yon kaya mula noon ay nangarap na akong maging Flight Attendant. Marami na akong nalibot at napuntahang lugar, kabisado ko na ang buong Cavite at Batangas pati naka punta na rin ako sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Sa Nabas, Aklan sa Costa Leona ang isa sa pinaka paborito kong lugar at isa rin ang Maynila sa pinaka nagustuhan ko.
Magaganda ang gusali doon, matataas kaya makikita mo ang mga tanawin pero magulo at maingay doon kaya mas gusto ko sa Costa Leona dahil tahimik pati napaka payapa ng buhay doon. Kung hindi lamang iyon malayo mula saamin ay mas gugustuhin ko pang manirahan at manatili doon, kaso hindi rin naman pupwede dahil sa iba ko pang part time job atsaka sa trabaho at eskwelahan na rin naming tatlong magka kapatid.
Marunong akong manahi kaya nagta trabaho ako bilang isang assistant sa pagawaan ng mga damit malapit sa school namin, sa tanghali ako pumapasok pag tapos ng klase ko tuwing Lunes, Miyerkules atsaka Biyernes. Tuwing Martes at Huwebes naman ay sa library ng eskwelahan namin, taga ayos ng mga libro at record ng mga humihiram ang gawain ko doon. Nakaka tulong yon para sa bayarin ko sa school, at ang huli naman ay barista sa isang café na malapit pa rin sa eskwelahan namin.
Sikat na café yon at dinarayo iyon ng mga tao mula sa ibang bansa, part timer ako sa tatlong trabaho na binggit ko. Hindi kase kakayanin kung full time, may klase ako atsaka kaylangan kong gumawa ng mga school works. Kung tatanungin niyo ang love life ko, wala ako non dahil wala akong oras para makipag laro at saktan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...