*A year later...
**************************
Gabriella Cecelia Rios
A year had passed now, tomorrow is a big day because it's Theo's and Thea's first birthday. Everyone are feeling thrilled and excited because they are adorable and smart!
Siguro nag-mana silang dalawa kay Dawn, pero maaari rin naman nilang nakuha iyon kay Thor dahil matalino din naman siya. Ang kaso nga lang, isa siyang Kutong Lupa and to be exact, siya ang Hari!
Sa loob ng isang taon, marami pala talagang pwedeng mang yari pero wala namang masyadong ganap. Wala pa rin kaming balita tungkol kay Thor at Eros, kaya sa madaling salita ay nawawala pa rin silang dalawa hanggang ngayon at wala kaming ideya kung papaano sila sisimulang hanapin. The helicopter was pretty much burned to ashes, wala ng natitira maliban sa mga parte na talagang gawa sa matigas at matibay na bagay.
The rest of the materials? Wala na talaga, 'yung lugar kung saan naganap ang aksidente ay puro puno at mga halaman pero kahit na ganon? Hindi naman ito mahirap halughugin. Ilang beses nang sinubukan ng mga pulis at sundalo na hanapin ang mga nawawalang katawan ni Eros saka Thor pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nakikita.
That's the most frustrating part, I'm sure that Dawn and Psyche are still in pain because of their sudden disappearances but they have to be strong enough to carry on their lives. Alam nila sa sarili nila kung ano ang mas makakabuti para sa kanila, hindi man namin kayang alisin ang sakit na nararamdaman nilang dalawa pero nandito kaming lahat para siguraduhin na hindi nila mararamdamang mag-isa lang sila.
Ang pag-dating ni Theo at Thea ang dahilan kung bakit masayang-masaya at mas pinili ni Dawn na mag-patuloy mabuhay kaysa sumuko na lang, iniligtas nila ang sarili nilang Ina mula sa kalungkutan at kung ako ang tatanungin ay talagang matatawag o maitituring silang dalawa na mga tunay na biyaya mula sa langit.
And I'm glad that I'm one of their godparents, halos lahat naman kami ay naging Ninong at Ninang ni Theo saka Thea dahil hindi lang ako ngunit lahat kami ay handa silang alagaan at ituring na sariling anak namin kung sakali man na mayroong mang yaring hindi maganda sa mga tunay nilang magulang.
Kung nasaan man si Thor ngayon, I hoped that he's happy at kung buhay man siya ay sana bumalik na siya kaagad para hindi na nalulungkot ang mag-kapatid. He doesn't have to worry about everything, nandito kaming lahat para siguraduhin na magiging maayos lang si Dawn, si Thea saka si Theo pero kung babalik siya ay mas magiging maayos ang lahat.
Ngayon, kasalukuyan kaming nasa Villa Amore ni West. Nandito rin sina Psyche, Kuya Reidly, saka North para tumulong sa pag-aayos ng venue. And since West is the owner of Villa Amore, he paid for the place itself, he rented his own property for Thea's and Theo's first birthday celebration.
Two weeks ago pa noong sinimulan ang pag-aayos sa venue kaya naman malapit na itong matapos ngayon, masyado kaseng malaki ang lugar tapos hindi sapat ang mga tao dito sa Villa Amore dahil may kani-kaniyang trabaho rin sila na kailangan nilang tapusin kaya kinailangan pa na mag-tungo dito ang ibang empleyado ni Psyche galing sa Classico Hotel para makatulong din sila kahit papaano.
Mabuti na nga lang at walang problema kay Psyche ang bagay na iyon, nanatili silang lahat dito sa loob ng halos dalawang linggo rin at kahapon ay bumalik na sa Classico Hotel ang mga empleyado ni Psyche dahil kakayanin naman na ng empleyado ni West na tapusin ang natitirang mga gawain.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...