Her Saviour

40 1 0
                                    





**************************



Gabriella Cecelia Rios



Matapos namin kumain, ako na rin ang nag-ligpit pati nag-hugas ng mga plato, baso saka mga kutsara at tinidor kahit nag-volunteer naman sina Jared pati West na sila na lang ang gagawa 'non. Wala kase akong tiwala sa kanilang lahat lalo na pag-dating sa gawain sa kusina.






Kasalukuyan na kaming nasa sala ngayon, nanonood nanaman kami ng cartoons na palabas. Cartoon collections 'to ni West, nandito kami sa condo niya kaya siya ang masusunod sa kung ano ang gusto niyang panoorin.






Hindi naman ako nag-sasawa o naalibadbaran dahil sanay na sanay na ako. Ayos lang naman sa'kin dahil kapag nasa Agoncillio ako ay ganito rin ang sistema namin sa bahay dahil si Tophen na ang nanonood.






Wala kaming magagawa dahil iiyak siya nang malakas kapag hindi siya pinag-bigyan, madalas namin siya pag-bigyan o hayaan pero may panahon din na hindi iyon maaari dahil ayaw naman namin siyang masanay na siya ang laging nasusunod. Kami pa rin ang mas nakaka-tanda kaysa sa kaniya, kami ang dapat niyang sundin at hindi kami ang susunod sa kaniya.







Anak siya ni Ate Cornellia habang pamangkin namin siya ni Candice, at hangga't maaari ay ayaw din namin siyang pag-buhatan ng kamay pero hindi rin naman iyon maiiwasan lalo na kapag ubod na siya ng pasaway at hindi na siya gumagalang sa'min.






Bata pa si Tophen, malaki pa ang pag-asa niyang mag-bago. Ayaw namin siyang matuto na maging spoiled brat, hindi marunong gumalang at ang pinaka-importante na ayaw namin ay maging bastos sa mga mas nakaka-tanda dahil hindi naman iyon ang turi ni Mama sa'min bago siya sumakabilang buhay.






Habang bata pa si Tophen, mas maganda kung tinuturuan na kaagad siya ng tamang pag-uugali saka pati magandang asal. Pag-dating ng panahon, si Ate Cornellia pa rin naman ang maapektuhan dahil anak niya si Tophen. Pag-dating ng tamang ng tamang oras, sa kaniya pa rin mag-rerepleksyon ang magiging ugali ng bata.






Wala kaming magagawa tungkol sa mga bibig ng mga tao sa paligid namin, ang magagawa na lang namin sa ngayon ay huwag silang pansinin at mag-panggap na lang na hindi kami naapektuhan dahil wala rin naman kaming mapapala o makukuha kapag pinatulan pa namin sila.






Isa pa, masunuring bata si Tophen. Hindi naman siya mahirap paki-usapan kaya siguro naman ay wala na silang masamang masasabi. Sa totoo lang, mas madali pa ngang kausapin si Tophen kaysa sa mga kasama ko ngayon eh.






"West, manoodnamam tayo ng ibang palabas". Walang ganang sinabi ni Jared ang mga salitang iyon. Mukhang nag-sasawa na siyang manood ng mga cartoons dahil 'yung ugali pa lang nilang lahat ay sobrang-sobra na mula pa noon.






"Let's watch some horror movies! May bagong palabas sa Netflix ngayon!!". I delightedly suggested.






Bigla akong nag-taka dahil nag-bago ang kulay ng labi ni West, namumutla ito at mukha siyang tinakasan ng kulay. Ano'ng nang yari sa kaniya?






Naisipan ko lang naman iyon dahil matagal na rin akong hindi nakakapanood ng mga horror movies, palagi kaseng romance saka comedy ang napapanood kong palabas lalo na kapag nandoon ako sa dorm tapos sina Ate Tintin, Ate Charlie, Ate Pearl saka Ate Ynez ang mga kasama kong manood at mag-puyat kakanood ng mga palabas.







"Uh Cece, huwag horror movies. Matatakutin kase ako eh, tipong mga action na lang o comedy". Tugon naman ni Jared sa suhestiyon ko.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon