*6 months later...
**************************
Gabriella Cecelia Rios
It's Thursday in the afternoon, nandito ako ngayon sa library para mag-review ulit dahil mayroon kaming short quiz sa Monday. During these past few months, hindi ko alam kung bakit tinatadtad kami ng mga ganon pero ang iba doon ay hindi naman recorded. Maayos naman mag-turo ang mga guro dito sa St. Valentine pero minsan hindi sila maintindihan.
My relationship with West remained unchanged, he and I are still not talking to each other. Sa tuwing nakikita ko siya, ako naman 'tong nag-tatago sa isang gilid dahil sa hindi malamang kadahilanan. Wala rin akong ideya kung bakit ako umiiwas sa kaniya, eh gusto ko na nga siyang makausap, isn't that weird?
Zach and I are still best friends, kahit na masyado talagang marami ang mga taong walang magawang tama at ang kanilang hilig ay gumawa ng issue tungkol sa'min. May mga nakikita pa nga akong post, picture namin ni Zach tapos may caption na "Once a cheater, always a cheater" pero nag-tataka ako dahil ni hindi man lang nag-re-react si West o kahit si North..
Nasa bulletin board pa nga ng St. Valentine ang ibang post na related namin ni Zach pero kahit si Psyche at Kuya Reidly ay tila walang reaksyon tungkol sa bagay na iyon, sigurado naman akong alam na nilang hiwalay na kami ni West pero maaari rin namang wala silang pakealam tungkol doon dahil hindi naman sila si West, hindi rin naman sila ako.
Kung anuman ang problema namin ni West, mas mabuti kung mananatili lang iyon sa'min dahil relasyon namin ang nakasalalay doon. Isa pa, hindi na kami mga bata para mag-hanap pa ng kakampi namin. That one painful night changed everything including our relationship, everyone saw the same thing that happened.
We saw how West kissed Katlaine back passionately, hindi ako bulag at mas lalong hindi rin malabo ang mga mata ko kaya kitang-kita ko kung ano'ng nang yari. And that night, North had certainly beaten West to his death because of what he did in front of us. North is not trying to be righteous, he's just trying to discipline his younger twin brother.
Kilalang-kilala si North bilang isang dakilang manloloko at gwapong babaero sa St. Valentine pero kahit na ganon, marami pa rin ang babaeng nababaliw at nahuhumaling sa kaniya. Well, he's dangerously handsome and he has a lot of talents but he barely saw it to anyone.
He can actually do some magic tricks, he showed me some of his orinal magic tricks to cheer me up when West and I had a misunderstanding before we became a couple. I can no longer recall what happened during that time but I'm sure that West and I had an arguement and North was there to make sure that the smile on my lips would never fade away.
North is a good friend, palagi siyang maasahan sa lahat ng bagay kahit kuripot at malakas siyang mang asar. But I guess, teasing and making fun of other people is his way of cheering them up and spreading positivity instead. Siguro hindi niya lang alam kung papaano damayan ng maayos 'yung taong may problema na nasa paligid niya kaya inaasar niya na lang.
Habang abala akong nag-aaral ng mga past saka recent lessons namin ay bigla na lang tumunog ang telepono ko, mahina lang naman ang tunog nito kaya ako lang talaga ang mag-isang nakarinig. Agad kong tiningnan kung sino ang nag-padala ng mensahe sa'kin, ngingiti na sana ako kaso bigla kong nakita kung kanino galing ang natanggap kong text message.
Galing lang pala sa NDRRMC...
Nag-papaalala lang naman ang NDRRMC na mag-dala ako ng payong dahil uulan daw mamaya pero parang scam lang naman ata 'to o pwede din namang spam message dahil sobrang linawag kaya ng sikat ng araw sa labas, kahit nga dito sa pwesto ko ay sobrang init. May aircon dito sa loob ng library pero ramdam ko pa rin ang sobrang init, o baka dahil masyadong makapal ang uniporme namin kaya ganon ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...