It Ended Fast Just Like How It Started

46 1 0
                                    



**************************


Gabriella Cecelia Rios



Madaling araw akong nagising ngayon dahil agad akong naalimpungatan bago pa tumunog ang alarm ng telepono ko, hindi na ako nag-dalawang isip na maligo saka mag-bihis dahil maaga akong susunduin ni West ngayon. Nakapag-kausap kami kanina pero sandali lang 'yon dahil nag-paalam ako sa kaniya na mag-aayos na ako ng sarili ko para maka-alis agad kami.





Mukhang kalmado naman si West kanina, siguro kase kakagising niya lang kaya mukhang tinatamad siya na wala sa sarili. Nag-aalala nga siya kahapon tapos okay na agad siya ngayon? Parang may hindi tama sa kinikilos niya pero ayoko na munang isipin dahil mas mahalaga si AL ngayon.





Kasalukuyan akong nag-a-ayos ng mga kailangan kong dalhin dahil matagal daw kaming mananatili doon, critical daw kase ang kalagayan ni AL at kailangan niya talaga ng makakasama niya habang nag-papa-galing siya sa ospital. Ayaw niya rin mag-pa transfer sa bagong ospital dahil natatakot daw siya baka bigla siyang makita ng Kuya Allard niya.






Nakakapag-salita pa naman si AL pero hindi niya nai-gagalaw ang ibang parte ng katawan niya base kay West kaya si Jared ang nag-ta-type habang mag-kausap kami, si West kase ang kumakausap kay Jared mula pa kagabi, napuyat din daw si West dahil ayaw siyang tantanan ni Jared hanggang sa parehas na lang silang naka-tulog.






Halatang-halata naman kay West na puyat talaga siya dahil kaka-iba rin ang boses niya habang mag-kausap kami, maliban sa nararamdaman ni Jared ay nag-aalala rin daw siya para kay AL at sa kalagayan niya. Alam niya rin na labis akong maaapektuhan kaya kasama ako sa mga dahilan kung bakit wala siyang matinong tulog kagabi.





Ilang minuto pa ang makalipas, mayroong kumatok sa pintuan ko kaya tumayo muna ako sandali para tingnan kung sino ang nasa pintuan. Tanong ako nang tanong kung sino ang nandoon pero hindi naman siya sumasagot, paano ko malalaman kung sino yung tao sa tapat ng pinto diba?





Pag-bukas ko ng pintuan, nandoon si West. Medyo malungkot pa rin ang ekspresyon sa mukha niya habang naka-tulala sa harapan ko, agad siyang yumakap nang mahigpit sa'kin kaya yumakap din ako pabalik habang pinipigilan ko ang luha ko na tumulo dahil mababasa ang damit niya.





"Let's go Cece, we don't have much time left. We have to hurry up now so we won't arrived late". He softly whispered to my ears.





Bumitaw ako mula sa pag-kaka-yakap sa kaniya. "Hindi pa ako tapos mag-impake ng gamit West, sandali na lang naman 'to". Malumanay kong sagot sa kaniya.





"I've already taken care of your things last night cause I knew you'd be too tired to do it, it's all inside the luggage and a duffle bag that I bought along with some new clothes and toiletries, we really have to go now Cece". Sagot niya naman sa'kin.





"Edi lalo ka palang hindi naka-tulog kagabi?". Pag-aalala kong katanungan sa kaniya.





"Yes but it doesn't matter, we have to be there for AL and Jared. They need us, the others are coming too". West replied.





Wala na akong oras para makipag-talo kaya agad kong iniwan na naka-labas ang iba kong gamit, hinayaan ko na lang muna na ganon ang itsura nila dahil wala na akong sapat na oras para ayusin pa ito pabalik sa dating kinalalagyan.




Bago kami umalis ni West ay nag-paalam kaming dalawa sa mga ka-dorm ko, nakakahiya naman kase na basta na lang namin sila lalagpasan kahit nakita naman namin sila. Nag-ma-madali kami pero kailangan pa rin namin gumalang, hindi naman mahirap gawin ang bagay na 'yon.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon