A/N: Semi short chapter ahead! Happy reading!!
**************************
Gabriella Cecelia Rios
Kasalukuyan akong nag-susuklay ng buhok habang pinatutuyo ito sa harapan ng electric fan, wala kase akong hair dryer o blower kaya tiis na lang muna sa ganitong pamamaraan ngayon.
May nakita naman na akong mumurahin, pag-iipunan ko na lang kahit paunti-unti. Pwede ko namang bihilin kaagad pero kapag ginawa ko yon, baka naman kailanganin ko yung pera sa ibang bagay kaya huwag na lang muna.
"Cece? Gusto mo bang gamitin tong hair blower ko? Ayos lang naman para hindi ka mahirapan". Boluntaryong sambit ni Ate Pearl.
Inabot niya sa'kin ang isang kulay pink na hair blower, agad ko naman iyong tinanggap mula sa kamay niya. Alam ko naman kung papaano 'to gamitin dahil minsan na rin akong nag-trabaho sa isang salon sa Agoncillio, pansamantala lang naman iyon. Hindi rin ako nag-tagal dahil bumalik rin naman ang orihinal na empleyado.
"Hindi ka naman halatang excited sa trabaho mo?". Muli siyang nag-salita at tila may nais sabihin sa'kin.
"Mas maganda po siguro kung maaga akong mag-sisimula saka wala rin naman po akong gagawin, mas sanay po ako na kumikilos ako kaya wala naman pong problema kung maaga akong mag-sisimula sa trabaho". Paliwanag ko sa kaniya.
"Be careful Cece, baka nahulog ka sa maling tao". Natutuwa niyang paalala sa'kin.
"Ate Pearl, sino naman pong sasalo sa isang katulad ko? Wala naman po akong ipag-mamalaki". Nahihiya kong sagot sa kaniya habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko.
"Bakit naman wala? Yung babae nga sa palabas na Princess and the Frog diba?? Hindi naman mayaman si Tiana pero naka-bingwit siya ng Prinsepe!". May punto naman siya pero iba naman ang sitwasyon ko, una? Hindi ako Disney Princess, pangalawa? Wala akong Prinsepe at pang huli, eto na ang realidad ko mula pa noon.
Hindi naman mahirap tumanggap ng katotohanan, sa totoo lang? Kung mas maaga mong tatanggapin, mas maaga kang magiging malaya. Hindi ka na aasa na may sasagip sa'yo, mas lalo kang mag-sisipag para sa sarili mo at para sa mga taong umaasa sa'yo. Higit sa lahat? Hindi ka masasaktan, ligtas ang puso mo mula sa sakit.
"Malay mo, nasa hotel pala na iyon ang taong sasagip sa'yo mula sa sitwasyon mo ngayon. Hindi ko naman sinasabi na humanap ka ng 4Ms okay? Ang akin lang, baka doon mo mahanap yung taong mag-papasaya sa'yo". Dagdag niya pa.
"Ano po yung 4Ms?". Nalilito kong tanong sa kaniya.
Bahagya niya naman akong tinawanan. "Matandang Mayaman na Mabilis Mamatay, yan ang ibig sabihin ng 4Ms". Natatawa niyang sagot sa katanungan ko.
"May mga kapwa tayo na sa sobrang desperada, kumakapit sa patalim para lang suportahan yung pamilya niya at may isa akong kaibigan noon na hindi na kinayanan yung sobrang hirap kaya ayun". Malungkot niyang kwento.
"Ate Pearl, hindi naman po ako lumaki sa layaw. Alam ko rin po ang pakiramdam na walang-wala pero kahit ganon? Hindi ko po nagagawang subukan ang sinasabi ninyo kase dignidad na lang po ang mayroon ako". Sambit ko.
"Kung may kailangan ka, huwag kang mahiyang mag-sabi sa'kin kahit tungkol pa yan sa pera". Naalala ko sa kaniya si Aemie at Gio na ganiyan din ang sinasabi sa'kin palagi.
BINABASA MO ANG
Finding my way back (KOV #4)
Science FictionThis is King's Of Valentine #4 - Finding My Way Back. (Final Story of KOV series) Never let your memories be greater than your dreams and wherever you go, go with all your heart but how can I leave if my heart was taken by a stranger? We barely kn...