Knives In My Heart

53 1 0
                                    



**************************


Gabriella Cecelia Rios



Hinatid ako ni Gio pauwi dahil gabi na at delekado na sa daan kung mag isa lang akong sasakay, isa pa? Iisang daan lang din naman ang tinatahak namin kapag uuwi kaya bakit pa kami mag hihiwalay?




Habang nasa daan pinag u-usapan namin ang dapat gawin dahil hindi naman pwedeng habang buhay na lang kaming ganito, para kaming nag lalaro ng tagu-taguan. Kahit hindi maliwanag ang buwan, kahit hindi na kami mag bilang ng hanggang sampu, at kahit hindi na namin mahanap ang isa ay mayroon talagang masasaktan.




Sa laro namin, si Aemie ang mag hahanap habang kami naman ni Gio ang kailangang mag tago. Pero bakit ganito? Parang hindi naman ata tama ang ginagawa namin dahil ako ang nag tatago imbis na ako ang hahanapin. Habang si Gio naman ang humahanap sa'kin imbis na parehas dapat kaming mag tatago mula kay Aemie.




Hindi ko gustong maka gulo sa kanilang dalawa, parehas silang mahalaga sa'kin dahil mga kaibigan ko sila. Mahal ko si Gio bilang isang matalik na kaibigan at ni minsan, hindi ko siya tiningnan o nakita man lang bilang kabiyak ng puso ko. Kung ano kami ngayon, hanggang doon na lang iyon.





Hindi naman mahirap mahalin si Gio dahil mabait, mapagmahal, mapagbigay, hindi madamot, magalang, may talento, matalino, walang bisyo at higit sa lahat ay ituturing ka niyang prinsesa kahit na alipin ka lang naman talaga. Ipaparamdam niya sa'yo na mahalaga ka at hindi ka niya pababayaan pero tao rin si Gio, may sarili siyang puso at isipan.




Alam naman ni Aemie na una pa lang ay wala na siyang pag asa kay Gio, kahit hindi ko sabihin ang bagay na iyon sa kaniya ay halata naman dahil kung noon pa lang ay gusto na siya ni Gio? Baka matagal na siyang niligawan, baka hanggang ngayon ay sila pa rin kung sakaling may gusto si Gio sa kaniya.





Wala akong intensyong maka gulo sa kanila, wala rin akong balak makipag agawan o makipag kumpetensya dahil alam ko sa sarili na wala akong kalaban-laban. Sa itsura pa lang ay talong-talo na ako, paano pa kaya kung ang usapan na ay estado ng buhay at yaman na mayroon ako??




Kung ako lang ang masusunod, gusto kong makitang masaya si Aemie at Gio sa piling ng isa't isa pero hindi ko kayang mangdikta ng puso at nararamdaman. Hindi ako Diyos, tao lang rin ako katulad nilang dalawa.




Balak kong kausapin si Aemie ngayon, mas maigi na rin na alam niya na hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bulag pag dating sa mga ganitong bagay.





Sapat ang prowebang hawak ko at ipaparinig ko iyon sa kaniya para naman mahimasmasan siya pati magising sa katotohanan, kung gusto niya si Gio edi kunin niya pero huwag niya akong idamay kung hindi niya makuha ang gusto niya dahil hindi ko naman hawak ang puso ni Gio.





Kasalukuyan akong nag bibihis ngayon dahil Martes pa lang naman, mayroon akong klase ngayong umaga. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, naaalala ko nanaman ang nang yari sa hotel. Bumabalik ito na para bang isang maamong tuta, hindi ko magawang makalimutan.





Si North, si Eros pati na si Mr. Medyo masungit, silang mga tumulong sa'kin? Makikita ko pa kaya ulit sila?





Mukhang malabo ata ang bagay na iyon, ni hindi ko nga nakuha yung mga numero nila atsaka kahit naman makuha ko ang mga iyon ay hindi naman ako mag lalakas ng loob na makipag kaibigan dahil una sa lahat? Marami kaming kapit-bahay na chismosa...




Dinaig pa nila ang CCTV sa kanto malapit sa barangay hall, mabuti pa sila alam ang kaganapan sa buhay ng kapatid ko samantalang ako walang ideya. Bahala na kung sasabihin niya sa'min o hahantayin niya munang kumalat bago siya mag sasalita tungkol doon.




Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon