Wide Awake

30 3 0
                                    





**************************



Gabriella Cecelia Rios




Kinuha nila ang lahat ng mga dala namin, wala kaming kahit na ano'ng dala ngayon maliban na lang sa mga alahas katulad ng hikaw at kwintas. Masaya ako dahil hindi nila iyon kinuha sa'min, Oo maaaring hindi ako ang bumili ng mga suot kong alahas ngayon pero mahalaga ang mga ito para sa'kin dahil si West ang nag-bigay nito.





Pero dahil nga maski ang telepono ay kinuha rin nila, wala kaming ideya kung ano'ng oras na o kung mayroon pa bang araw sa labas. Sobrang dilim dito, kulob at walang sinag ng araw na tumatama sa kahit saang sulok ng silid. Mabuti na nga lang at mayroon pang maliit na ikaw kaya kahit papaano ay nakikita pa namin ang isa't-isa.





Sa laki at lawak ng nasasakupan ng bansang ito, bakit kaya dito kami dinala ni Skylar pati na ng mga kasamahaan niya? Gusto kong malaman ang pakay niya, hindi ako naniniwala na may galit siya kay Psyche o sa kahit na sinong tao lalong-lalo na sa'min ni Lauren dahil hindi naman namin masyadong kilala ang isa't-isa mula pa noon.






Maaaring nag-kasalubong na kami pero wala akong maalala na nag-kausap kami ng matagal na oras, maski na tuwing nag-kakaroon ng event sa St. Valentine dahil palaging abala ang section namin dahil palaging sa'min napupunta ang mga komplikadong gawain na dapat sana ay para talaga sa iba pero wala na kaming nagagawa dahil sila ang unang namimili.






Isa pa, matagal na siyang naka-tapos sa St. Valentine. Six years ago, ang huli kong balita tungkol sa kaniya noon ay ma-e-expel siya dahil sa kaso niya pero dahil napawalang sala siya kaya hindi rin 'yon natuloy. Dahil sa nang yari na iyan, nakapag-tapos siya ng pag-aaral pero palagi na siyang iniiwasan ng mga kapwa niya estudyante.





Wala akong sinasabi na naniniwala ako sa kaniya at sa mga sinasabi niya pero bilang matinong mamamayan, hinding-hindi ko siya huhusgahan at hindi ako basta na lang maniniwala sa mga sabi-sabi ng mga tao dahil wala rin naman silang sapat na kaalaman tungkol sa nang yari noon.





Maaaring mali ang mga narinig nila dahil binalita ang tungkol sa kaniya, hanggang ngayon ay nasa iba't ibang social media platform pa rin ang mga litrato at video niya habang hinuhuli siya ng mga pulis. Ganon din ang mga panahon na nasa kulungan siya, may mga reporter na sinubukan siyang kuhanan ng salaysay pero tumatanggi siya.






Si West ata ang nanonood ng balita noon habang nasa loob siya ng opisina niya tapos aksidente kong narinig iyon kaya sa huli ay naki-nood na rin ako, hindi niya naman ako pinagalitan o pinag-bawalan at sa halip ay pinakain niya pa ako.





Seryoso ang ekspresyon niya, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon dahil iyon ata ang unang beses na nakita kong may pinag-halong lungkot at galit sa mga mata niya. Iyon ang pang-yayari na kahit kailan ay hindi ko na gustong maulit.





Kung sakali mang may mang-yayari sa'kin ngayon, hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag nakita ko siyang nag-ka ganon ulit. Gusto ko pang mag-karoon ng mga anak at tumanda kasama ang una at huli kong naging kasintahan pero kung hindi ko na magagawa 'yon, sana pag-bigyan ng Diyos ang kahilingan ko na huwag niyang hahayaang maging malungkot si West ng matagal na panahon.





Kung mag-mamahal man siya ng ibang babae, mas mabuti na siguro iyon para unti-unti na niya akong makalimutan. Kapag lumipas ang matagal na panahon, sigurado akong makakalimutan niya rin ako. Masakit man para sa'kin na makita siyang masaya pero hindi na ako ang kasama niya, kahit na ganon ay hindi ako magiging makasarili.





Finding my way back (KOV #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon