Mitsuki's P.O.V
Hindi ko mapigilan ang mapatalon ng makuha ng Karasuno ang huling puntos dahilan para sila ang manalo sa game.
"Nagtataka lang ako kung bakit itinatanggi mo pang boyfriend mo siya, halatang halata naman." Napalingon ako sa gawi ni kuya.
"Bakit ba ang kulit kulit mo kuya? Sabi ngang hindi eh!" Usal ko.
"Hindi raw, eh halos buong game nga nila sakanya ka lang nakatingin eh" saad niya habang nakatingin sa court kung saan nakatayo at naka-bow ang Karasuno Volleyball team.
Natigilan ako sa sinabi ni kuya. "Oh, 'di ka makasagot noh? 'Wag ka na kasi mahiya magsabi sakin, 'di naman ako magagalit kung sasabihin mo ang totoo." Dagdag pa niya.
"Ano bang pinagsasabi mo kuya? Totoo naman kasi 'yong sinasabi ko!" Singhal ko at umalis na sa kinatatayuan namin.
Ramdam kong hinabol ako ni kuya, "Joke lang! Masyado mainit ulo mo eh." Aniya.
"P'wes hindi nakakatuwa 'yang joke mo kuya!" Tugon ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko sinyales na may mensahe akong nakuha. Nang buksan ko iyon ay pangalan kaagad ni Nishinoya ang bumungad. Agad akong napangiti.
From: Noya
Panalo kami sa prelims!
Received: 12:39 pm
Nagulat na lang ako ng biglang guluhin ni kuya ang buhok ko, "Hindi mo ba sila sasalubungin sa entrance? I mean to congratulate them?"
Natahimik ako sa sinabi niyang iyon. "H-hindi na kuya, I'll just message Suga-san or Daichi-san." Tugon ko at nagsimulang maglakad.
"Heh~ bakit? Parang kanina lang excited ka pang pumunta at manuod ng game nila eh, 'di ka pa nga pumasok para lang mapanuod mo ang huling araw ng preliminary." Saad niya dahilan para tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya ng masama. "What?" Usal niya.
"Sabi mo kasi ang pangit ng hairstyle ko,kaya iniisip ko baka pagtawanan ako ng buong team dahil sa buhok ko." Tugon ko, mukhang ntigilan naman siya sa sinabi ko at napa-isip.
Maya-maya lamang ay natawa na lang ito *insert Kuroo's laugh* bigla dahilan para mainis ako. "What's so funny kuya?" Tanong ko dahilan para matawa siya lalo.
Pinanuod ko lang siyang tumawa hangang sa matapos siya. Ewan ko rin pero natatawa ako sa pagtawa niya pero pinipigilan ko lang kasi nga badtrip ako sakanya.
Nagulat na lamang ako ng ayain niya akong umalis na sa venue. "Tara na nga, kain tayo. Ililibre na kita." Pagkasabi niya noon ay hinila na niya ako palabas.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang tuwa dahil sa pagkapanalo ng team sa preliminary. "I didn't know you would be this cute" biglang usal ni kuya kaya tumigin ako sa kanya.
"Ha?" Tanging saad ko dahil hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon.
"Wala, nevermind. I can't just imagine na hindi tayo sabay lumaki. All of those wasted years, pakiramdam ko magiging masaya ang childhood ko kapag kasama ka naming lumaki ni Kenma." Tugon niya.
Napa-isip ako. "Did you have a hard time growing up kuya?" Seryosong tanong ko.
Napa-ismid ito, "Silly! What I mean is mas magiging masaya pa." Nakangiting tugon niya. "You know what? You seemed to be smart and talented, maganda ka rin but your confidence is too low!" Pag-iiba niya ng usapan.
Napakunot ang noo ko, "What do you mean, kuya?"
"'Di ka marunong lumandi!" Saad niya at biglang pumasok sa isang restaurant.
Nakatayo lang ako dito at tinitignan ang pintong pinasukan niya habang iniisip 'yung sinabi niya. "Nani?!" Biglang bulalas ko at hinabol si kuya papasok sa restaurant."Excuse me kuya, are you saying that hindi ako nagka-boyfriend? Or are you trying to say that I'm a boring girl?!" Inis na saad ko. Natawa lang si kuya, "Excuse me, miss. Bawal po ang maingay dito." Saad niya dahilan para mapatingin ako sa paligid ko.
Halos lahat ng tao sa loob ay nakatingin sa akin.
Agad akong yumuko. "Sumimasen, please enjoy your meal." Pagpapaumahin ko.
Humanap ako ng bakanteng table at doon na lang umupo at hinintay si kuya. Nang maka-upo na siya sa harap ko ay bakas sa mukha niya na natutuwa siya sa nakikita niya. Alam kong natutuwa siyang nakikitang naiinis ako o nagaalit.
"Tingin tingin mo jan manok?" Saad ko at tumingin sa labas ng glass panel. Agad ako tumalikod ng makita ko ang Karasuno Volleyball team sa labas ng restaurant. "What the hell? Out of all restaurants, dito pa talaga?" Bulalas ko.
Mukhang napansin naman 'yon ni kuya at tumingin sa labas ng glass panel. Pansin ko ang pag ngisi ni kuya. "You never failed to amuse me, sis. Kung 'di lang talaga kita kapatid, talagang liligawan kita." Saad niya at tumawa.
Hinampas ko nga siya. "Malandi!" Saad ko.
"Atleast, hindi kagaya mong 'di marunong lumandi. Sayang ang looks, sayang lahi natin kapatid." Saad niya.
Sakto namang dumating ang order namin at sa kasamaang palad ay dito rin sa restaurant na ito kumain ang volleyball team.
Nagulat ako ng biglang tumabi sa'kin si kuya at inakbayan ako. "This is what I hate because you're too pretty." Saad niya.
Nagtaka naman ako at tumingin sa buong paligid. "Ano bang sinasabi mo jan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, nevermind. Just eat your food already." Saad niya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas ng glass panel. Igot confused kaya naman tumingin din ako doon at nakita kong may nakatingin na lalaking naka-itim sa gawi namin.
He seems to be familiar but I don't know when or where did I saw that figure.
Biglang tumunog ang phone ko, nakalapag lang naman ito sa lamesa kaya naman kaagad kong nakita kung sino ang nagtext.
From: Mommy Luna
Are you with your brother? Yuumei just texted me, she's near where you are.
Received: 1:23 pm
Napatayo ako doon sa text ni mommy at muling napatingin sa lalaking nasa labas pero wala na siya.
I knew it, that's why he looks familiar!
"Oops! Kumain ka muna."saad ni kuya at hinila ako pa-upo. "I'll help you later" dagdag pa niya. "Just eat your food first, don't worry. I got this." Saad niya at ipinakita ang phone niya which is on messenger. Nakita ko 'yong name ni Mommy at 'yong message ni mommy sa kanya.
And with that, I just ate my lunch. And I'm really really thankful na nakilala ko si kuya. I mean, nahanap ko sila. I'm feeling blessed.
----------
Author's Note:
Hello! It's been a while and I am really really happy na nakapag update ulit ako!
As what I've promised, I am back na ulit!
How was you Valentines? Hmm? Anyway, I hoped you liked this chapter! Love lots♥️
Take care and God bless to all of my readers in this story!
P.s. Sorry for typographical errors, naexcite kasi ako mag update kaya naman hindi ko na na-proof read to. ~
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanficI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
