Mitsuki's P.O.V
Habang naglalakad papasok sa school ay napapa-buntong hininga ako kada maiisip kong malapit na ako sa paaralan. Actually late na ako sa opening ceremony ng festival kaya didiretso nalang ako sa Classroom.
Tinignan ko ang kamay kong naka-benda, medyo makirot kirot pa ito kaya hindi ko muna magagamit.
Kaya ko naman gamitin ang kanang kamay ko pero mas sanay ako gumuhit gamit ang kaliwang kamay.
"Mitsuki!!!" nagulantang ako ng mayroong sumigaw, nilingon ko ito at nakita ko sa Nishinoya.
"Good morning!" masiglang bati nito ng makalapit.
"Morning" tipid na sagot ko habang sinasabayan siyang maglakad.
"Kumusta na pala yang kamay mo?" tanong nito.
"Ah, eh. Medyo makirot pa rin pero hindi na ganoon kasakit" sagot ko.
"Woah, ang daming tao!" bulalas nito nang makita ang maraming tao sa entrance ng school. At dahil sa lakas ng boses nito ay may mga taong nagsitinginginan sa amin.
"Hay, ngayon ka lang ba nakakita ng ganto karaming tao?" tanong ko rito ngunit imbis na sumagot ay hinila lang ako nito papasok ng campus.
"Gala muna tayo bago pumunta ng booth" saad nito.
"U-uh, Noya may trabaho pa ako sa booth" sabi ko sa kanya. But out of amusement, he ignored what I've said.
Hindi ko alam pero natutuwa akong panoorin siya, para siyang bata. Kaya naman hinayaan ko lang siya at sinundan lang ito kung saan 'man ito pumunta.
Medyo nakakahiya nga lang dahil kada booth na madadaanan namin ay sisigaw ito at ituturo ang mga iyon para matignan ko.
Pinagtitinginan kami ng ibang tao kaya naman pilit kong tinatakpan ang mukha ko, para naman kasing bata si Noya.
Tumigil kami sa isang refreshment booth at inilibre ako ni Noya ng ice cream, hindi ako mahilig sa sorbetes pero mapilit ito.
"Eh, ayoko nga niyan" saad ko at akmang iiwan siya.
Hinila ako nito papalapit sa kanya, at sa hindi inaasahang pagkakataon. Na out of balance ako pero dahil hawak ni Noya ang kamay ko ay hindi ako napa-upo sa sahig o kahit natumba manlang.
"Kahit kailan ang lampa mo, paano na lang kaya kung wala ako?" saad nito.
"Kahit kailan walang preno 'yang bunganga mo" I retorted.
"Kunin mo na kasi 'to! Masarap 'yan, promise!" pangungulit nito.
At dahil pagod na ako kaka-tanggi ay tinanggap ko na lang ito. Bakas sa mukha nito ang sobrang pagka-tuwa, lalo na noong kinain ko ang maliit na parte ng ice cream.
Mukhang hindi talaga ako tatantanan nito hanggat hindi ko kinakain 'to.
"Masarap diba? diba? diba?" paulit ulit na sabi nito.
Surprisingly, this is the best ice cream that I have eaten. Kaya naman napangiti ako. "Mm! Thank you sa libre!" sagot ko.

BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...