Chapter Fifteen

78 7 2
                                        

Mitsuki's P.O.V

"Mitsuki, what's wrong?" tanong ni Miss Pres saakin na agad ding tumawag sa pansin ng mga taong kasama namin sa lamesa.

This is embarrassing, I really don't eat vegetables like this.

"It's just that-"

"Wag mo sabihing hindi ka kumakain niyan?" tanong ni Nishinoya.

Napahigpit ako ng hawak sa chopstick ko at kinagat ang ibabang labi ko.

Nagulat ako ng kutsarahin ni Nishinoya ang broccoli sa plato ko. Tinignan ko siya hanggang sa ma-isubo niya iyon ganoon din ang iba.

"What?" sagot nito sa mga titig ng mga tao sa paligid, "Paborito ko iyon eh" dagdag pa niya.

Nabilaukan si Tanaka dahil sa sinabi niyang iyon, sinuntok suntok niya iyong dibdib niya at ako naman ay agad na nag-abot ng isang baso ng tubig sa kanya.

Matapos niyang lagukin iyon ay agad itong nagsalita "Kailan mo pa naging paborito iyon? Eh halos parehas nga lang kayo nitong si Saltyshima at Hinata na hindi mapakain ng gulay eh."

"Kumakain ako ng gulay" sabay na sagot ng dalawang nabanggit. Nagkatinginan silang dalawa at nagsukatan ng tingin.

"Oh talaga? Kumakain ka? Eh bakit ang liit mo pa rin?" tanong ni Tsukishima.

Sasagot pa sana si Hinata ng biglang magsalita si Daichi-san "Magsi-tigil nga kayo, hindi na kayo nahiya sa dalawang bisita natin."

"Oo nga, porket wala si Coach at Kiyoko dito ah" dagdag pa ni Suga-san.

"Ok lang naman yun Sugawara at Daichi, atleast hindi tahimik habang kumakain. Mas masaya kasi pag may nagkukwentuhan" Pagpipigil naman ni Miss Pres sa dalawang nakatatanda.

"I know that one but, Mitsuki's not fond of this kind of meal. We need to be considerate" sagot naman ni Suga-san.

Yeah, He's right. But how the fuck did he know about that one? Hindi pa naman kami nagkakasabay kumain ha.

Napatingin si Miss Pres sakin, agad ko namang ikinaway ang kamay ko "Just don't mind me, it's fine" sagot ko.

"Sigurado ka ba?" tanong ni Daichi-san.

"Opo" sagot ko at sumubo ng pagkain.

"Mukhang hindi lang si Tsukishima ang magiging tahimik lagi sa mga kainan" napatingin ako kay Azumane-san ng may pagtataka.

"Tama, nandito din si Mitsuki" dagdag pa ni Tanaka.

"Don't worry, I don't plan to eat again with you guys" sagot ko

"Bakit hindi? You're already part of the circle. Kaya hindi malabong makakasabay ka namin sa mga small gatherings." nagulat ako sa sinabing iyon ni Ennoshita.

"Mm! That would be great, ano sa tingin niyo team? Para naman may kasama sila Manager." dagdag naman ni Suga-san.

Really? I'm part of a circle without me knowing?

Sinang-ayunan naman ng mga maiingay ang sinabi ni Suga-san, tatanggi pa sana ako kaso pinigilan ako ni Miss Pres.

"Why don't try sticking unto them? You seemed to be lonely at school" bulong niya.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon