Nishinoya's P.O.V
"Akala mo kung sino! Sino ba siya para paalisin tayo? Tumutulong lang naman tayo eh!" maktol ni Tanaka habang naglalakad.
Maski ako ay nainis doon sa lalaking iyon "Pag nakita ko ulit 'yon babangasan ko mukha non" inis na sabi ko. Aga aga, nangiinis.
Habang naglalakad kami ay kung ano anong salita ang ibinubulong ni Tanaka habang ako ay tahimik lang. At dahil medyo maaga pa ay kakaunti paang ang estudyanteng makikita mo sa hallway.
Nakasalubong pa namin ang Student Council President at noong makalapit na ito saamin ay nagtanong ito "Class 2-C kayo diba?"
Sabay kaming tumango ni Tanaka bago sumagot "Opo".
Ngumiti ito bago muling nagsalita "Nagche-check kasi ako ng mga classroom para tignan 'yung mga natapos na mga booths at nakakapagtaka lang dahil sainyong classroom lang ang wala pang nasimulan."
Natigilan kami dahil doon at mukhang napansin iyon ng babaeng kausap namin "May problema ba?" tanong nito.
"Ah, ano po kasi. Busy po kasi 'yong inatasan para sa pagdidisenyo ng booth namin." Kinakabahang sagot ko.
Pansin mo ang pagkunot ng noo nito "Bakit? Iisa lang ba ang inatasan, kaya nga kayo may mga kaklase kayo para tumulong. Kayo ba? Anong ginagawa niyo?" tanong nito. Hindi kami makasagot ni Tanaka.
Bakit ba kami ang pinapagalitan?
"Oh siya, I'll be talking to your Class President. Sabihin niyo sa kanyang pumunta siya ng SC Office mamayang 3pm. Sige alis na ako" pagkasabi niya noon ay nagbow kami sakanya.
Nang makaalis na siya ay biglang nagsalita si Tanaka "Grabe, di ko talaga kayang harapin ang babaeng 'yon. Maganda siya pero nakakatakot" yakap yakap pa nito ang sarili habang sinasabi 'yon.
"Mas maganda naman si Kiyoko-san" sagot ko at ipinagpatuloy ang paglalakad. "Siyempre noh! Walang makakatalo sa ganda niya" dagdag nito at sumunod sa akin.
Pagkarating namin ng classroom ay bukas na ito, pumasok kami para tignan kung sinong nasa loob.
"Magandang umaga, Ennoshita! Ang aga mo ngayon ah!" bati ko.
"Lagi naman akong maaga ah!" sagot nito.
"Nga pala, andito na din ba si Pres?" pag-iiba ko ng usapan.
"Wala pa" sagot ni Ennoshita.
"Oo nga pala, sabi ni Daichi-san kailangan daw ang Volleyball team bukas. Kailangan nila tayo sa Auditorium, magbubuhat ng mga upuan para"
Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Ennoshita "HA?"
"Bakit Volleyball team? Meron naman yung Basketball team ah o kaya Baseball team" tanong ni Tanaka at sumang-ayon ako dito.
"Yung Basketball team ay nag-eerrand ng mga kinakailangan ng mga First years and second years tapos Baseball team naman ay sa third years at Student Council. Wala na rin tayong magagawa doon dahil pumayag na si Daichi-san" paliwanag ni Ennoshita.
"Kahit kailan talaga kayong dalawa" dagdag pa nito
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Tanaka at agad namang umiling si Ennoshita.

BINABASA MO ANG
Her Liberator
Fiksi PenggemarI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...