Nishinoya's P.O.V
"Nishinoya, may problema ba?" tanong ni Suga-san
Ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang paglilinis. Kakatapos lang ng training namin at naglilinis na kami.
Hindi nanood si Mitsuki ng training namin ngayon, dahil sa kung ano man ang nangyari kanina sa kanya.
"Aba, bago 'to ah. Bakit? Anong problema mo? Share naman. Nakakapanibago ang katahimikan mo Nishinoya" tanong ni Daichi-san sakin at inakbayan ako.
"Ayos lang ako, pagod lang ako noh" sagot ko sa kanya habang ikinakaway kaway ang kamay ko sa harap niya.
Ngumisi ito at tinanggal ang braso niya sa balikat ko.
"Baka dahil wala si Mitsuki?" tanong ni Suga-san.
"Oo nga, aba. May gusto ka na agad doon Nishinoya? Eh iilang araw palang kayong magkakilala ah." sabat ni Azumane-san
"Tumigil nga kayo, hindi ko siya gusto ok? Kaibigan ko lang siya." pagtatanggi ko.
"Sus! Kala mo naman di ka nasiraan ng ulo nung nakita mo siyang naka-uniform. Ang saya saya mo pang inilaborate kung anong itsura niya kapag naka uniform" dagdag ni Ennoshita.
"Kung sa bagay, hindi naman kita masisisi. Maganda naman talaga si Mitsuki-san at sexy" dagdag pa ni Hinata.
Siraulong bata 'to. Napaka-honest.
"Oo nga pala, bakit pala wala siya ngayon? Wala tuloy kakwentuhan si Yachi" tanong ni Kiyoko-san.
"Hindi ko rin alam eh, sabi niya may pupuntahan daw siya" sagot ni Tanaka.
"Ang nakakapag taka lang kung anong nangyari sa usapan nila nung SC President" dagdag ni Narita.
"Talaga? Kinausap siya ng SC? Bakit daw?" tanong ni Suga-san.
"Malay ko din, hindi maganda ang kutob ko doon. Maayos naman siyang umalis noong ipatawag sa classroom pero pagbalik niya galit na galit siya at ayaw kumausap ng ibang tao" sagot ko.
"Ay nako, kung nakita niyo lang itsura niya kanina. Mala-Kageyama, galit na galit!" dagdag ni Tanaka
Sinapak ko nga ito, aba't siraulo.
Natawa si Hinata dahil doon."Hindi ko maimagine!" Natatawang sagot ni Tsukishima.
"Magsi-ayos nanga kayo! Tara na uwi na." pagpipigil ni Daichi-san sa mga bata.
Hay ewan ko sainyo.
Pagka-uwi ko ng bahay ay hindi ako mapakali, sinubukan kong itext si Mitsuki pero sabi kasi niya ay wag ko daw siya kausapin.
Pero dahil nag-aalala ako para sa kanya ay tinext ko parin siya.
To: Mitsuki
Hoy! Ang daya mo, bakit di ka nanood ng practice kanina?
✓SentSinend ko ng dalawang beses lara dama niya, naghintay ako ng ilang minuto pero wala pa rin siyang sagot.
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanficI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...