Chapter Seventeen

72 6 7
                                    

Nishinoya's P.O.V

Hindi ko alam na ganto lang pala kalapit ang bahay nila sa school.

"Pasok ka muna" saad nito at iniwang bukas ang gate. Medyo madilim na at kailangan ko na ring umuwi.

"Hoy!" tawag nito at pumasok sa bahay nila. Sinundan ko siya hanggang sa pintuan lang.

"Mommy, I'm home!" sigaw niya at inilapag ang bag nito sa sofa.

"Pasok ka na, baka lamukin ka jan sa labas!" saad nito at lumapit sa akin at hinila ako papasok ng bahay nila.

"S-sigurado ka bang... a-ayos lang?" tanong ko.

"Oh, Selene. May bisita ka pala?" sabi nung magandang babae na lumabas sa kung saan man.

"A-ah! Ako po si Nishinoya Yuu! Kaklase po ni Mitsuki!" pagpapakilala ko.

"Wow! So you're the one Mitsuki's talking about. Pasok pasok. Selene, get some juice!" utos nito habang pinapaupo ako sa sofa.

Nakita ko namang sumunod si Mitsuki sa utos nito.

"This is great, it's the first time Mitsuki bring home a friend. Are you studying for something?" excited na tanong nito.

Sasagot pa sana ako ng biglang dumating si Mitsuki, "No, hinatid niya lang ako mom." sagot nito at inilapag ang juice sa harap ko.

"Selene, anong nangyari sa kamay mo!?" gulat na sabi ng mama ni Mitsuki nang makita ang benda nito sa kamay.

Agad itong itinago ni Mitsuki sa likod niya "N-nothing, I-I just trip over." sagot nito habang nag-iiwas ng tingin sa ina.

"Are you sure? It looks serious, does it hurt?" tanong pa ng nanay nito.

"I said I'm fine! See, I can mo--- ouch!" bulalas nito habang sinusubukang igalaw ang mga daliri niya.

"Tell me Nishinoya, anong nangyari sa kanya?" tanong niya sa akin, bago pa man ako makasagot ay sumabat ulit si Mitsuki.

"I told you, nadulas ako."

"Hay, ewan ko sayo Selene. Magbihis ka na doon, I'll cook dinner. Nishinoya just feel at home ok?" saad nito at bumalik papunta sa pinanggalingan niya kanina.

Si Mitsuki naman ay umakyat sa hagdan at pumasok sa isang kwarto.

Bakit ba 'di na lang niya sabihin na kasalanan ko?

Inilibot ko ang paningin ko sa, hindi naman gaanong malaki o maliit itong bahay nila. Kung titignan mo mula sa labas ay sakto lang ito para sa isang pamilya.

Puting puti ang loob nito, at makikita mo ang mga display na iba't ibang uri ng halaman. Pero ang mas kumuha pa ng atensyon ko ay ang mga iginuhit na litrato at ang iba ay ipininta.

"Oh, those things are made by Se-- I mean Mitsuki. By the way, while waiting for the dinner here are some cookies" saad ng nanay ni Mitsuki at inilapag plato ng mga biskwit.

"Woah! Kayo po nag-bake nito?" excited na tanong ko.

"No, it's Se-- err Mitsuki. Ginawa niya kaninang umaga, sige maiwan muna kita. Pababa na si Mitsuki" paalam nito at ako naman ay agad na nilantakan ang biskwit.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon