Chapter Thirteen

74 4 0
                                    

Mitsuki's P.O.V

Humihikab hikab pa ako habang naglalakad papuntang school, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay inaantok ako kahit maaga naman akong nakatulog kagabi. Ramdam ko rin ang sakit ng balikat ko kaya naman sinubukan kong masahiin ito.

Kailangan ko ulit magpagawa ng specs dahil nabasag ko iyong salamin ko kanina. Hays.

Muli akong napahikab at kinusot ang mata ko, habang kinukusot ang mata ko ay bumangga ako sa pader dahilan para mapaupo ako.

"Aray" usal ko ng maramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig. "Ah, sorry. Masyado ata akong malaking harang sa daanan mo." Sarkastikong saad nito.

Tumingala ako para tignan kung bakit nagsasalita iyong pader. Naaninag ko ang pigura ng isang tao at hindi ng isang pader o poste. Dahil wala akong salamin ngayon ay hindi ko makita ang mukha nitong taong nasa harap ko. It's a blurred figure, seems like my contacts didn't work. Malamang kasi wala namang grado ang suot kong contacts.

"Di mo'ko makita? Saan ba kasi 'yong salamin mo para makita mo ng malinaw ang daan" saad nito na mayroong pang-iinis sa tono nito.

Tumayo ako "Ay sorry, akala ko nagsasalita yung poste. Tao pala talaga" saad ko at pinagpag ang suot kong jogging pants.

Tinignan kong muli iyong kausap ko at sinubukang alalahanin kung kilala ko ba siya o hindi.

I tried to squint and there I can recognize him a little bit. "Tsukishima ikaw pala 'yan" saad ko. Tumingin lang ito saakin ng ilang segundo bago tumalikod at naglakad papasok ng campus.

Hmp! Suplado as always.

Itinuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa makapasok na ako ng school.

Medyo mahihirapan akong tapusin 'yong ginagawa ko ngayon dahil wala iyong salamin ko.

Agad akong nagtungo sa Auditorium ngunit naka-lock pa rin ito, agad kong kinapa ang bulsa ko ngunit naalala kong isinurrender ko na pala ang spare key ko sa Faculty dahil iba raw ang magbubukas nito ngayon.

Bumuntong hininga ako at tumalikod upang maglakad patungo ng classroom, siguro sisimulan ko na ang pag-aayos sa booth namin.

Walang gaanong tao dito sa school ngayon dahil karamihan sa mga booth ay tapos na, huling araw na ito para tapusin ang mga booth.

Sinubukan kong buksan ang pinto ng room ngunit naka-lock pa rin ito, naalala kong ni-lock ko papa ito kagabi. Tinungo ko ang faculty para kunin ang susi ng classroom.

Kumatok muna ako bago pumasok "Good morning po" bati ko sa mga tao doon ngunit mukhang walang tao. Pero bakit bukas ang faculty?

Nagkibit balikat lang ako at tinungo ang sabitan ng mga susi ng may magsalita. "Oh, Miss Kenta. Ang aga mo ata dito?" lumingon ako sa pinang-galingan ng boses at nakita ko si Sir Takeda.

Agad akong tumungo sinyales ng pag-bati ko sa kanya. "Ah sir, ako po kasi ang naka-toka sa background ng stage. Kailangan ko pa po kasi tapusin iyon ngayong araw dahil kailangan na sa lunes iyon" sagot ko sa tanong niya.

Tumango tango lang ito bago muling magsalita "Ganoon ba? Sige, mauna na ako. May aasikasuhin lang ako" saad nito habang nakatingin sa relos nito at umalis.

Ako naman ay kinuha ang spare key at agad na bumalik ng classroom. Pagdating ko sa room ay nakita kong naka-upo si Tanaka sa labas ng room.

"Uy" saad ko ng makalapit sa kanya. "Morning" dagdag ko pa habang binubuksan ang room.

"Good morning!" masiglang bati nito "Nakita mo ba si Nishinoya?" tanong nito.

"Ha? Hindi eh, wala pa ata siya" sagot ko bago pumasok ng Classroom.

"Ha! Eh kasabay ko siyang pumunta rito eh" gulat na saad nito.

"Ewan ko, di ko siya nakita. Ang liit niya kasi" sagot ko at tinungo ang mga kahon.

"Ah, oo nga pala. Tanaka, alam mo ba kung sino gumawa nitong mga 'to?" tanong ko at itinuro ang mga picture frame.

"Ha! Sino pa ba? Edi kami nila Nishinoya at Ennoshita!" proud na saad nito. "Ah, ganoon. Thank you! Nakatulong ito ng malaki" sagot ko, bigla nalang itong tumalikod.

"W-wala 'yon noh! Tsaka, ideya talaga ni Nishinoya yan" sagot nito at naglakad papalabas ng room.

Ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang paglabas ng mga gamit mula sa kahon. Matapos kong ilabas lahat ng mga gamit ay inilibot ko ang pangingin ko.

Ngayon paano ko ba aayusin 'to?

I wonder why would they help me with this? Pwede naman nila akong pabayaan na lang.

Ipinilig ko ang ulo ko at sinubukang ibaling ang atensyon ko sa kung paano ko aayusin ang mga ito.

Lumapit ako sa isa sa mga desk at hinawakan iyon.

Saan ko ba sila ilalagay?

Ilang segundo pa ng pag-iisip at naka-isip na ako kung saan ko sila pwedeng gamitin.
Kinolekta ko isa-isa ang mga upuan at inilagay iyon sa likurang bahagi ng silid.

Matapos iyon ay hinila ko ang isang desk at ipinagdikit iyon sa pinakamalapit na desk. Kumuha pa ako ng dalawa at ipinagdikit iyon sa dalawa pa, making a rectangular shaped tables. Ginawa ko iyon sa apat na sulok ng silid.

Sunod ko namang ipinagdikit ang anim pang lamesa sa gitnang bahagi ng classroom, making it looks like a long table.

Lumapit ako mga kahon at kinuha ang mga tela mula roon, mabuti na lamang talaga at idinagdag ko iyon sa listahan ng mga binili nila Nishinoya.

Kinuha ko ang isang metro ng tela at sinubukang ilatag iyon sa isa sa mga lamesa ngunit medyo maliit iyon. Mabuti nalang at itong tela lang na ito ang nag-iisang isang metro lang ang haba.

Kinuha ko ang meter stick na nakatago sa ilalim ng Teacher's desk at kumuha ng chalk mula sa chalkboard.

Kinuha ko ang nakarolyong tela na kulay kahel. Matapos kong sukatin at gupitin ang mga ito ay kinuha ko naman ang puting tela at sinukat ito base sa kung gaano kahaba ang pang-gitnang lamesa.

Agad ko namang iniligay ang mga ginupit kong tela sa mga lamesa at siniguradong secured ang mga iyon gamit ang safety pin.

Nagulat lang ako ng may kumatok sa pinto ng classroom dahilan para matusok ako.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Nichida. "D-dumating na iyong plywood" naiilang na saad nito.

"Ah, sige. Ayusin ko lang 'tong kalat" saad ko

"S-sige, ma-una na ako. M-may gagawin pa kasi ako eh" tugon nito at nagmamadaling naglakad palayo.

Nagkibit balikat lang ako at inayos ang mga kalat ko. Ramdam ko ang sakit ng pagkakatusok ng pin ko, hindi ko nga lang napansin na dumudugo na pala ito.

Agad kong kinalkal ang bag ko pero naalala ko nga pa lang tinanggal ko lahat ng laman ng bag ko maliban sa sketchpad at pouch ko na puno ng lapis at mga pen.

Napasapo na lang ako ng noo dahil doon. Nakita ko ang piraso ng tela sa sahig at kinuha ko iyon para ibalot sa sugat ko.

Bibili na lang siguro ako ng band-aid mamaya. Pagkatapos kong itali iyon ay lumabas na ako ng room at agad na dumiretso sa Auditorium.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon