Mitsuki's P.O.V
"So, paano na ngayon yan? Edi wala ka nanaman maitutulong? Anong gagawin mo bukas? Tutunganga?" Inis na tanong ng Classroom President namin.
"Uhm--"
"Wag ka na magdahilan, sinadya mo siguro yan noh? Para di ka papasukin sa School Festival at gumala na lang" pagpuputol nito sa sasabihin ko.
Pinagtitinginan kami ng mga dumadaang estudyante habang pinapagalitan ako ng Class President dito sa labas ng room.
"Ano? Di ka makasagot kasi totoo? Alam mo dapat magkaroon ka ng paki sa paligid mo, alam mo yun? Dinadamay mo pa yung kikitain ng section natin eh. Sino nagdesign ng classroom? Sila Nishinoya? Inutusan mo sila? Aba, diyos diyosan ka pal---"
"What's going on here?" tanong ni SC President na kadarating lang.
"Itong babaeng 'to kasi Pres, tamad. Nagawa pang saktan ang sarili para lang ma-excuse sa Festival. Look!" sabi nito at marahas na kinuha at ipinakita ang kamay ko kay Pres.
Napangiwi ako dahil mismong sugat ko ang hinawakan niya.
"How did you get this?" tanong ni President sa akin.
Hindi ako sumagot dahil kumikirot ang kamay ko.
"B-bitawan mo'ko" saad ko.
"Masakit ba? Wala ka namang pakialam diba? Wala ka rin pakiramd-"
"Would you stop, kita mong nasasaktan siya diba? At siya pa talaga ang tamad ngayon? Saan ka nung nakaraang dalawang araw? Kinausap ko 'yung Secretary niyo and she said your out of help last week. You told everyone not to dare to help her in fixing up your booth? She's the only one who put this up. Siya pa ba 'tong tamad?" depensa ni Pres para sa akin.
Hindi makasagot si Nikki pero pinilit nitong magsalita "N-no, you're wrong. I-it's her fault n--"
"No, wala siyang kasalanan. I'll tell your adviser about this." saad ni Pres dahilan para tumakbo paalis si Akane.
"You didn't tell me na ganto pala nangyayari sa section niyo." saad nito
"You didn't asked, I'm actually fine with it. Kaya ko naman gawin mag-isa 'to" sagot ko at pumasok sa loob.
I need to clean up this one for checking.
"You're quiet weird you know? But still, your section lost some points for Team work" kumento nito.
Tch, sino ba kasi nagsabi sa kanya? "Who told you?" I asked
"Yung secretary niyo, what was her name again? Rika? Reika?" sagot nito.
Humarap ako sa kanya ng nakapamewang "It's Reiki" pagtatama ko "Bakit ba siya nakikialam? ayaw niya ba ng walang ginagawa?" bulong ko at nagsimula ulit maglagay ng mga display.
"Pinilit ko siya, and she told me na kapag nag-initiate siya na tulungan ka ibubunyag daw ng Presidente niyo ang sikreto niya" napatigil ako sa sinabi niya.
"Blackmail, huh? I need to talk to the guidance committee about this" dagdag pa niya.
Hinayaan ko lang siyang dumada ng dumada. Tsk, may nadamay nanaman dahil sa akin. I really hate myself, di na ba ako magbabago? Siguro kung nakipagparticipate ako ng maayos sa meeting hindi na ganto.
"Hey! Are you even listening to me?" pagtatawag ni Pres sa atensyon ko.
"Ah sorry, what was that again?" paumanhin ko. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Ang sabi ko, kailangan niyo na mamigay ng flyers. Ang dami nito ah" saad nito.
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang isang rim na dami ng flyers, I sighed. "I'll take care of it" sagot ko at inilapag ang hawak kong wooden figurine sa tabi ng isang frame.
"Wala kayong drop box?" tanong nito out of the blue
Nagtaka naman ako at napalingon sa kanya "Drop box? Bakit may pa-raffle ba?" tanong ko
"No, it's not for raffle. Para sa feedbacks ng mga magiging costumer niyo, wala bang nagsabi sayo?" sagot nito.
Umiling ako bilang sagot dahilan para bumuntong hininga siya, "I should've see this coming. Wala talaga akong tiwala sa presidente niyo, pabibo lang siya pero wala naman kayang gawin" kumento nito.
"Don't say that, baka nakalimutan lang niya" pagtatanggol ko sa kaklase.
"Nope, I had enough of her. Sasabihin ko sa adviser niyo na kailangan na siya mapalitan" saad niya.
"Just give her a chance to prove herself" sagot ko at pinulot ang mga kalat.
"You know what, you're weird. Pati kaaway mo ipinagtatanggol mo, you're quite interesting. Kaya nakuha mi agad atensyon nila, sige na nga. I need to check other booths, see you around." paalam nito at lumabas na ng room.
Atensyon nila? Nino?
Ako pa tinawag na weird? Yeah, speak for herself. Mas weird siya, atsaka hindi ko naman kaaway si Akane. I don't see her like that. I used to get fight and to compete with everyone but, people change.
I tried to wash off those thoughts out of my brain and continued my job here.
-----
A/N:Good day! This one is short, di ko din alam kung bakit. Anyway, Haikyuu manga has ended. And medyo naiiyak ako kasi nga tapos na yung fave manga ko.
'Tong story na 'to ay mahaba haba pa, but I'll try to cut it short dahil masyadong mabagal ang daloy ng story. And also, sorry for grammatical and typographical erry. Please vote this chapter kung nagustuhan niyo. Arigatou!
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...