Mitsuki's P.O.V
"Tara na, pagod na ako" saad ko at hinila hila ang laylayan ng damit ni Marcus. Pareho naming hinihintay si Mia dito sa labas ng female botique na 'to.
"Dapat kasi 'di ka na sumama eh" tugon nito at inabutan ako ng panyo. Agad ko namang kinuha iyon at pinunasan ang namuong pawis sa noo ko.
"I told you, kakatapos lang namin i-process ni Mommy 'yong papers ko. I have no time to rest either since babalik na kami ni Mommy mamaya ng Japan. So, why not? Just a small hang out diba?" Tugon ko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.
God! I can't stand the heat!
Nagitla ako ng tumunog ang cellphone ko. It was Nishinoya. Agad ko naman siyang sinagot. "Hello, Nishinoya?" nakangiting bati ko. God! I'm so thankful na tumawag siya.
"Akala ko 'di mo sasagutin. Kailan ba kayo babalik?" Saad niya, lalo akong napangiti.
"Wow, ilang beses mo na bang natanong 'yan? Miss mo'ko noh" pang-aasar ko sa kanya. Narinig ko mula sa kabilang linya na nabilaukan siya, kumakain yata sila ng pananghalian. "Joke lang, kumusta naman 'yong quiz niyo kanina?" Pag-iiba ko ng usapan.
Lumabas na si Mia mula sa botique, magsasalita sana siya pero sinenyasan ko siyang manahimik at itinuro ko ang cellphone ko sinyales na may kausap ako.
'Who's that?' She mouthed.
Ngumiti lang ako at pinakinggan ang mga reklamo ni Nishinoya tungkol sa kung gaano kahirap ang quiz namin sa Math. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa Food Court para kumain.
"Pag bumalik ka dito, sigurado akong mahihirapan ka sa quiz." Saad ni Nishinoya mula sa kabilang linya.
"Ah, talaga?" Saad ko.
"Hoy, Nishinoya! Mamaya na ang bebe. Practice muna!" Dinig kong sigaw mula sa kabilang linya, kung tama ako ay si Daichi-san iyon.
"Sige mamaya na lang baka pagalitan ka pa eh" saad ko at agad na pinatay ang tawag.
"Sigurado ka bang hindi mo 'yan boyfriend?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Mia.
"Yes, I'm sure." Tugon ko at uminom mula sa drinks na inorder namin.
"Kung makatawag akala mo naman jowa" kumento ni Marcus, natawa na lang ako.
"You know what, feeling ko in no time magigjng kayo ng lalaking 'yan." Nasamid ako sa sinabing iyon ni Mia. Agad na nag-init ang mukha ko.
"Ano bang sinasabi mo jan?" Saad ko habang pinupunasan ang mesa na nabasa dala ng pagkasamid ko.
"Namumula ka oh, yie. Ikaw ha? Since when pa?" Nakangising saad niya.
"When ang alin?" Nagtatakang saad ko.
"Sus, pakunwari ka pa. Yung feelings mo sa kanya girl, wag ka na magdeny! Sige mamaya na lang baka pagalitan ka eh." She said while mimicking what I've said earlier.
"Mia!" Sita ni Marcus sa kanya.
"What? I'm just asking!" Ani Mia kay Marcus.
"Tch" ipinagpatuloy na lang ni Marcus ang pagkain niya at nanahimik. He's really unusually quiet. Madaldal talaga siya and very jolly, I don't know what happened.
"So, ano na nga? Since when pa?" Tanong muli ni Mia.
Bumuntong hininga ako, hindi rin naman malalaman ni Noya kapag sinabi ko eh. "Sa tingin ko nung una pa lang kaming nagkita, I was just afraid to admit it until now. Miss ko na nga siya eh"
Nagulat ako ng biglang sumigaw si Mia. "Yah! You're not even denying it. Ang cute naman! So it was a love at first sight. Kyah, nakakainggit ka girl!"
"What? You're the who told me not to deny!" Sigaw ko pabalik, abd it hit me hard when I realized that people are looking at us. Pilit kaming pinatahimik ni Marcus pero hindi talaga matigil si Mia sa pagtili kaya naman no choice kami ni Marcus kundi ang hilahin siya paalis sa food court.
"That's embarrassing Mia!" Singhal ni Marcus sa kapatid.
"Sorry, na-excite lang ako sa love story nila." Tugon niya at inayos ang sarili. "Anyway, wala ka bang balak bilhin? Souvenir? Or What?" Pag-iiba ni Mia ng usapan.
At doon ko lang naalalang bumili ng regalo for Mommy. Her birthday is near.
Agad ko naman silang inaya para maglibot saglit para maghanap ng pwedeng iregalo. Pero habang naglilibot ay may napansin ako sa display ng isang shop. Linapitan ko ito at tinitigan, tumabi naman sila Mia sa akin. "Wow, that's cute. I think magugustuhan ni Tita iyan." Kumento niya ng titigan niya rin ang bagay na iyon.
Umiling ako. "No, It wasn't for Mom."
Nagulat si Mia sa sinabi ko. "I thought we're looking a gift for her?" Imbis na sagutin siya ay pumasok ako sa shop at kinausap ang isa sa mga staff.
DAHAN dahan kong isinara ang zipper ng maleta ko, saktong natapos ako sa pagliligpit ay pumasok si Mommy sa kwarto.
"Ready ka na? Mag dinner muna tayo bago umalis. I invited Mia and Marcus para naman maka-usap mo sila for the last time." Saad niya.
Ngumiti lang ako. "Yes, bababa na ako in a bit." Pagkasabi ko noon ay umalis na si Mommy. Habang ako naman ay binuhat ang maleta ko pababa sa sala at dumiretso na ng kusina.
This was the shortest dinner I have, 'cause it was happy. I was just happy talking to Mia and Marcus, though Marcus didn't talk that much maliban na lang kung tatanungin ko siya tungkol sa shop.
Mia was a bit teary noong matapos kaming magdinner. "I'm gonna miss you beshie! Visit ka ulit ha!" Napangiti lang ako. Parang bata talaga.
"Take care on your flight" those are Marcus' words. Nginitian ko lang siya, I kinda get it now why he's so distant with me.
"Thank you, anyway we need to go." Saad ko at hinila palabas ng bahay ang maleta ko. Hindi nila kami pwedeng ihatid dahil may pasok sila pareho kinabukasan. Mia was at her 11th grade in highschool while Marcus is a College graduating student, so magiguilty lang ako kapag napuyat sila pareho.
Matapos ang mahaba habang pagpapaalam ni Mia ay bumiyahe na kami. Mahigit dalawang oras ang biyahe papuntang airport mula sa bahay kaya naman medyo nakatulog ako.
Pagkarating namin ng airport ay sakto ang pag-anunsyo nila ng delayed flights dahil medyo masama ang panahon, naghintay kami ng apat na oras bago kami nakasakay ng eroplano.
Habang nasa himpapawid ay sumilip ako sa labas ng bintana. It was a good view, those City Lights. Kahit naka-abala sa akin ang pagpunta namin ng Pilipinas ay nagustuhan ko pa rin ito. Atleast, I have the time to say goodbye to everyone here. Sa tingin ko kasi ay hindi na ako babalik pa ulit dito.
----------
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
