Mitsuki's P.O.V
Mabuti na lang talaga ay walang nagpa-portrait ngayong araw, nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ang mga naging costumer ko lang ngayon ay iyong mga nag-claim ng portraits nila. Dalawang araw na magka-sunod na puro drawing ang ginawa ko at sa tingin ko ay magiging pahinga ko na ito mula sa sunod sunod na pag-guhit.
Huling araw na rin ito ng school festival, nakakalungkot nga dahil tatlong araw lang ang School Festival namin ngayon. Nung mga nakaraang taon daw ay isang linggo, base sa kwento ni Noya.
Tinanong ko naman siya kung bakit naging tatlong araw ang Festival, "Ah,sa tingin ko dahil iyon sa Inter-High pre-lims. Magiging busy kasi lahat ng athlete dito sa school kaya siguro ginawang tatlong araw lang"
Inter-High? Parang narinig ko iyon sa kung saan.
"Nasaan nga pala sila Tanaka?" tanong ko ng mapansin kong hindi ko pa nakikita ang iba pa naming kaibigan simula noong dumating ako dito sa school.
"May practice kami kanina, nagpa-iwan lang ako sa booth kasi hinihintay kita." sagot nito, napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo naman kailangan hintayin ako noh? Pwede mo naman akong i-text." saad ko.
"Eh nae-excite akong makita ka eh" bulong niya. Hindi ko iyon narinig kaya pinaulit ko sakanya "Ano yon?"
"Ha? Ah wala, wala. Sabi ko ayon sila Suga-san. Bilisan na natin, kanina pa ata tayo hinihintay" sagot nito at itinuro nga ang pwesto nila Suga-san.
Kumaway si Noya para mapansin nila kami, nung makita nila kami ay agad silang lumapit.
"Ang tagal niyo naman" reklamo ni Tanaka.
"Sorry, may kinausap pa kasi ako. Medyo natagalan." saad ko at umiling naman si Daichi-san.
"A-ah, wala 'yon. Wag mo na isipin 'yon"
"Ah! Diba si Kuroo 'yon?" sigaw ni Hinata, halos lahat kami ay napatingin si itinuro ni Hinata.
"Eh 'diba sa Tokyo siya nakatira? Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Kageyama.
"Diba may training camp tayo bukas sa Tokyo? Ang layo ng Miyagi sa Tokyo, paano yan nakarating dito?" mahina ngunit rinig kong bulong ni Tsukishima.
"Malamang sumakay siya ng tren" sagot ko sa tanong ni Tsukishima, napatingin ito sa akin. Hinintay ko kung may sasabihin pa siya o wala na. Nung wala na akong marinig na sagot at muli kong ibinaling ang tingin ko sa taong tinitigan nila. Ngunit wala na ito.
"Tara na nga, saan niyo ba gustong pumunta?" pagtawag ni Daichi-san sa atensyon ng iba.
"Dun tayo sa may football field! May palaro ang Badminton Club doon, nakita namin ni Mitsuki nung isang araw!" suhestiyon ni Noya, napa-ubo ako dahil sa sinabi niya.
"Magkasama kayo ni Mitsuki nung opening ceremony?" gulat na tanong ni Ennoshita.
"Hindi, parehas kaming late nung opening" sagot nito.
"Oo, magkasama kami pero hindi kami naka-attend ng opening ceremony" dagdag ko sa sagot ni Noya.
Napatingin sa akin si Suga-san at Daichi-san, "Pansin ko, mas madalas kayong magkasama ni Noya. Simula nung dumating ka dito sa school" saad ni Suga-san na ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
