Mitsuki's P.O.V
Flashback
"Uy Kenma, napabisita ka" saad ko ng pumasok ito sa bahay.
"Mm, may mga kasama rin ako" tugon nito kasunod noon ay ang malakas na sigaw mula sa labas ng bahay.
"Mimi-san!"
"Mitsuki!"
Sa boses pa lamang ay kilala ko na kung sino ang mga iyon.
"Sorry kung sinama ko sila, ok lang ba?" Tanong ni Kenma.
Agad akong umiling. "Don't worry, ok lang. Wala rin naman akong kasama dito. Umalis si Mama e."
Agad naman akong sinunggaban ng yakap ni Nishinoya nung makapasok na siya ng bahay, bahagya akong nagulat. Kasunod naman nilang pumasok si kuya na agad na sinapak si Noya.
"Siraulo ka ba! Kita mong may sakit eh!" Singhal nito kay Noya.
Agad ko namang siniringan si Kuya. "Kuya! Bisita sila ok, pwede bang kumalma ka!"
"Oo nga naman Kuroo, baka tumanda ka kaagad niyan." Agad akong napatingin sa nagsalita at bagong pasok na tao.
"Suga-san!" Bulalas ko.
"Yo, Mitsuki!" Bati niya.
"Wait, anong meron at ang daming tao dito ngayon? May handaan ba?" Takang saad ko dahilan para matawa si Kuya at Suga-san.
"Bibisitahin ka daw nila, pero hindi na sumama 'yung iba kasi masyado na kaming marami. Baka lalo lang umingay dito kapag sinama ang buong Karasuno team." Tugon ni kuya.
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
