Chapter Thirty-one

49 5 3
                                        

Nishinoya's P.O.V

Sabay kaming umakyat ni Mitsuki sa bus, halata mong inaantok ito dahil para siyang zombie maglakad.

"Bilis!" itinulak ko siya at pinaupo sa isa sa mga upuan, uupo na rin sana ako sa tabi ni Ryuu pero nauna na si Chikara doon. Hinila ko siya pero ayaw niyang umalis, sinigawan pa ako ni Daichi-san kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumabi kay Mitsuki dahil iyon na lang ang available seat.

Hindi dapat kasama si Mitsuki ngayon pero pinilit ko siyang isama kahit ayaw niya. Mabuti na lang talaga ay napilit ko siya.

"Noya-san, chance mo na yan" saad ni Ryuu na nakasilip mula sa kaharap naming upuan.

Bigla akong namula dahil sa sinabi niya at hindi ako naka-imik. Tinignan ko lang si Mitsuki na natutulog.

Ang bilis naman ata nitong matulog.

Papunta kami ng Tokyo ngayon, it's a long week Summer Training Camp kaya naman pinilit kong isama si Mitsuki para manood. Kahit alam kong pupunta pa rin siya bukas o sa susunod na mga araw kasi tatawagin ito ng kuya niya.

"Noya-san! Noya-san, pa sandalin mo sa balikat mo. Hihi" saad ni Ryuu, siniringan ko siya.

"Manahimik ka nga Ryuu! Ang ingay mo, kita mong may natutulog eh!" Singhal ko sa kanya.

Humagikgik ito. "Aba, himala. Marunong ka pala magpatahimik ng tao. Dati, ikaw pa mismo mambubulabog sa taong natutulog." Kumento naman ni Chikara. Nagtawanan sila pareho ni Ryuu, kahit na gusto ko silang sungalngalin pareho ay hindi ko magawa dahil sa dalawang rason.

Una, dahil malapit lang si Daichi-san saamin ay nakatingin ito ng masama at tila ba sinasabing wag ko na patulan ang mga ito. Pangalawa, tulog si Mitsuki at mukhang wala itong tulog! Mukhang pagod na pagod rin ito.

Hindi siya pumasok kahapon, hindi ko alam kung may sakit ba siya o may pinuntahan. Hindi naman siya nagre-reply kahit anong text ko sa kanya. Kinulit ko pa si Shoyo kahapon na i-text 'yung setter ng Nekoma at tanungin kung kasama ba ng captain nila si Mitsuki pero hindi daw.

Saan naman nagpunta ang babaeng 'to kahapon?

Siniringan ko ulit si Ryuu na kanina pa humahagikgik sa harap ko at nakasilip. Gustong gusto ko na talaga mag-ingay pero nakakahiya sa katabi ko.

Teka nga, kailan pa ako natutong mahiya? Jusko lord, mahabaging langit, bilog na earth! Hindi ko alam kung bakit, pero noong nakilala ko si Mitsuki di na ako gaanong makapag-ingay, pakiramdam ko nahawaan niya ako ng maturity vibes niya. Pero napapansin ko habang tumatagal, dumadaldal na rin si Mitsuki.

Bigla kong napa-iwas mula sa pagkakatitig sa kanya noong magising siya. Uminit bigla 'yung mukha ko.

"Malapit na ba tayo?" Mahinang tanong nito.

Umiling-iling ako. "Malayo pa, wala pang isang oras simula nung umalis tayo. Matulog ka muna"

Napatingin kami pareho ni Mitsuki sa harap noong biglang magsalita si Sir Takeda, "Mag-shoshort cut tayo. Pero medyo malubak sa daraanan natin, brace yourselves." Anunsyo nito.

Nagulat ako ng biglang kumapit si Mitsuki sa braso dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ang lamig ng kamay niya at namumutla siya! "H-hoy, ayos ka lang?"

"Tu-" usal niya.

"TU? ANONG TU? TUYO? TULO? TUBIG?!" sigaw ko noong lalo siya mapakapit sa braso ko.

"Nishinoya! Anong nangyayari jan?" Tanong ni Daichi-san. Napatingin ang lahat sa kinaroroonan namin.

"Ang lamig ni Mitsuki! Mamamatay na siya!" Sagot ko.

"Mimi-san! Wag kang mamatay!" Gatong naman ni Shoyo.

Agad na itinigil ni Sir Takeda ang sasakyan, at inalalayan ko si Mitsuki pababa ng bus. Sakto naman na may Highway Comfort Room na palapit, doon agad dumiretso si Mitsuki. Sinundan pa ito ni Kiyoko-san at Yachi.

"Mukhang hindi sanay sa biyahe 'yung girlfriend mo Nishinoya" nasamid ako sa sinabing iyon ni Coach Ukai.

"H-hindi ko siya girlfriend!" Singhal ko kay Coach.

"Hindi ba? Eh 'yun ang sabi ni Tanaka" tugon nito at itinuro ang pwesto ni Tanaka kasama si Narita at Kinnoshita. Naghahagikhikan pa ang mga ito.

"Ryuu!" Sigaw ko at nagsitakbuhan sila pabalik ng bus.

Nakita kong lumabas sila Mitsuki sa CR, kumpara kanina ay mas maayos na siyang tignan.

Humingi siya ng tawad dahil napabagal daw niya ang biyahe, nakiki-sabay na nga lang daw siya ay nagiging problema pa siya. Agad namang tumugon si Sir Takeda at sinabing ayos lang iyon.

Bago kami bumiyahe ulit at sinabi ni Sir Takeda na buksan ang bintana sa tabi Mitsuki para hindi ulit ito mahilo at masuka. Tama rin yung sinabi ni Coach kanina, nabanggit ni Mitsuki na hindi siya sanay sa mga biyahe dahil madalas siya magkaroon ng motion sickness. Minsan daw ay kaya niya iyong labanan sa pamamagitan ng pagtulog sa biyahe o pagkapit o paghawak sa mga bagay na malapit siya kanya.

Hindi ko alam na ganto pala siya kahina, I didn't mean to be rude. It's just that, matagal ko nang napapansin ang pagkalampa niya pero akala ko hanggang doob lang iyon. Pakiramdam ko tuloy may mas nagtutulak sakin na wag siyang iwanan at dumito sa lang sa tabi niya para bantayan at iligtas siya. In that way, I'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator.

Nasampal ko ang sarili ko, ano ba yan Yuu! Kung ano-anong sinasabi mo! Iba na talaga yata epekto ni Mitsuki sa'yo!

Kahit alam kong kanina pa nakatingin si Yachi sa akin dahil para akong sira dito na sinasampal ang sarili at bumubulong ay hinayaan ko na lang siya. Mas maganda kung iintindihin ko muna 'yung training camp namin kaysa sa nararamdaman ko kay Mitsuki.

Napalingon ako sa natutulog na Mitsuki, bigla kasi niyang hinawakan ang kamay ko.

Ahhhh! Masisiraan na yata ako ng bait, ni hindi nga ako kinakamayan nj Kiyoko-san tapos si Mitsuki? Ah! Ayoko na, pakiramdam ko sasabog na 'yung puso ko!

----------

A/N:

Gomen for this lame chapter, pero kahit sabihin kong lame ito ay kinilig ako ng slight asdfghjkl. So anyways, I'm extending the qna part. You can drop your questions until October 5. Since may 5 days maintenance ang PLDT kaya hindi ko ma-checheck 'yung questions niyo. So just keep them coming ok.

Stay Safe! ❤

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon