Mitsuki's P.O.V
Malamya kong hinalo halo ang pagkain ko. Mukhang napansin iyon ni kuya kaya naman tinawag niya ang atensyon ko. "Hoy, ubusin mo 'yan." Saad niya.
Tinignan ko lang siya, "Parang kanina lang tuwang tuwa ka kasi nanalo kami sa laro. Anong nangyari?" Tanong niya at isinubo ang isang hand size na boneless fish.
Gaano ba kalaki ang bibig niya? That fish is bigger than my palm tapos isang subo lang sa kanya?
"Mabilaukan ka sana" bulong ko, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari.
Nabilaukan nga siya! At dahil sa taranta ko ay agad kong inabot ang maliit na pitsel at isinalin ang laman noon sa baso niya, agad naman niyang ininom iyon pero ibinuga rin kaagad.
"Siraulo ka, suka to eh. *cough* Atsaka, 'wag mo nga ugaliing nagbubulong ng kung ano-anong sumpa. Hindi nakakatuwa 'yang bibig mo." Inis na saad niya habang umuubo ubo.
Nagulat na lang ako nung biglang nagsalita si Kenma "Okay ka lang ba? Kaninang umaga ka pa 'di matino eh."
Itinuon ko ang tingin ko sa pagkain ko, "Ewan ko rin eh." Tugon ko pero ang totoo niyan ay nag-aalala lang ako.
Damn that peep squeak, ano nanaman bang drama niya at di niya ako kinakausap?
Napalingon kami sa gawi ni Lev, bigla kasi siyang nagsalita. "Baka may problema sa boyfriend? Ganyan din si ate kapag nag-aaway sila nung boyfrien--- aray ko po. Ang sakit n'on Yaku-san" hinimas niya ang ulo niyang sinapak ni Kuya Mori.
Lumingon ako kay kuya at ngumisi naman ito, "Ikaw ha! Hindi mo sinasabi may boyfriend ka na pala. Sino? Sigurado akong member 'yan ng Karasuno Volleyball team. Sino sa kanila?"
Agad na nag-init ang mukha ko. "Hindi ko siya boyfriend, okay? 'Wag kang nag-eexaggerate!" Singhal ko at sumubo ng pagkain ko.
Nakita ko sa peripheral view ng mata ko ang lalong pag ngisi ni kuya. "Ah, ibig sabihin nasa Karasuno Volleyball team nga. Hindi mo naman kailangang i-deny, masyado ka naman napaghahalataan eh." Pang-aasar niya.
Tinignan ko siya ng masama. "Ang kulit! Hindi ko nga boyfriend siya boyfriend." Sigaw ko. Napatingin ang iba pang kasama namin sa mesa na kanina ay may kanya kanyang mundo.
Humingi na lang ako ng tawad at sinabing ipagpatuloy na lamang nila ang kwentuhan nila.
"Sino ba sa kanila? Ano ba pinag-awayan niyan niyo? Baka makatulong ako." Saad ni kuya dahilan para mapahampas ako ng lamesa at tumayo.
"Hindi kami nag-away ni Nishinoya! At higit sa lahat hindi ko siya boyfriend!" Sigaw ko.
Nagulat ako sa ginawa ko. "S-sorry. Sige, kain na lang kayo." Saad ko at umupo ng tahimik."Hindi mo naman kailangan sumigaw eh, chill ka lang kapatid." Pang-aasar ni kuya dahilan para makatanggap ito ng masamang tingin mula sa akin. "So, tama nga ang iniisip ko. 'Yong libero nila. Bakit? Ano ba kasing nangyari?"
Bumuntong hininga ako, wala na talagang pag-asa 'to. Ang kulit nila, paano ba nila nasabing boyfriend ko siya? Gayunpaman ay sinagot ko pa rin ang tanong niya. "Hindi kasi niya ako kinakausap magmula noong bumalik ako dito, siguro dahil sa inuna kong bigyan ng pasalubong si Tsukishima kaysa sa kanya."
"Oh. Ganoon ba? Siguro hindi naman siya ganoon kababaw para 'di ka kausapin at pansinin. 'Di ba magsisimula pa lang ang Inter High Prelims ng Provincial Division? Baka naman busy lang sila sa training." Tugon ni kuya at isinubo nito ang huling kutsara ng pagkain niya.
Bumuntong hininga lang ako. "Sana nga" saad ko lang at sinimulang muli ang pagkain ko.
PAGKATAPOS namin kumain ay agad na kaming lumabas ng restaurant. Nagkanya-kanya na kami at naghiwa-hiwalay na para umuwi. Maliban kay Kenma ay kasabay din namin si Lev sa pag-uwi dahil madadaanan namin ang bahay nila.
"Gusto niyo ba ng libreng gupit?" Biglang saad ni Lev.
"Nevermind" kuya
"No" KenmaNgumiti naman si Lev at ibinaling ang tingin niya saakin habang nakangiti. "Ikaw Mitsuki-san?" Saad niya habang kumukurap kurap.
Nag-aalangan ako. Manlilibre ba siya ng gupit o siya ang gugupit?
"Stop that, Lev. Kung gusto mo magpractice maging barbero 'wag ang kapatid ko." Saad niya kuya.
Napasimangot naman si Lev. "Hindi naman ako ang mag-gugupit eh. Atsaka, wala akong balak maging barbero! Balak ko maging Ace ng volleyball team!"
"Wala ka pa nga sa kalingkingan ni Shoyo eh, shut up Lev." Kumento ni Kenma.
Napa-ismid ako sa sinabi niyang iyon. "Grabe Kenma. Tagos to the bones iyon ah. Pero sa bagay, I think Hinata can do better plays than him lalo na at nasa tabi niya ang magaling na setter na si Kageyama"
"Ma-manahimik nga kayo! Usapang barbero 'to eh, ba't naman napunta sa usapang laro?" Angil ni Lev dahilan para mapatawa si Kuya.
"Sino ba kasi 'yang barberong 'yan Lev?" Tanong ni kuya.
"Kaibigan ni ate, may bagong bukas na Parlor shop malapit sa amin. Sabi ng kaibigan ni ate, kung madadalhan ko daw siya ng isang costumer para sa libreng gupit niya ay sasabihin niya sa kapatid niyang tulungan ako sa pagtraining ko ng volleyball." Tugon ni Lev.
"Oh, ganoon ba? Sige." Ani kuya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Akala ko ba ayaw niya?
"Payag ka na magpagupit, Kuroo-san?" Masayang tanong ni Lev, kumikinang kinang pa ang mga mata nito.
"Hindi, ang ibig kong sabihin. Para kay Mitsuki, payag na akong gupitan niyo siya. Mukha rin naman siyang bruha dahil sobrang haba ng buhok niya." Tinignan ko ng masama si kuya.
Lumapit ako sa kanya at sinuntok ang tiyan niya. "Tangina mo, anong bruha? Ikaw nga para kang manok jan sa hairstyle mo!" Saad ko.
"Ha? Ang gwapo ko namang manok niyan! Atsaka, 'wag mo akong tawaging manok! Bruha!" Sigaw niya pabalik.
Nagbangayan pa kami hanggang sa marinig naming tumawa si Kenma. Napatingin kami pareho ni kuya sa kanya.
"Tangina mo? Ngayon ko lang narinig 'yan sa 'yo Mitsuki." Saad niya.
Tinignan ko siya ng may pagtataka. "Wala pang nakakapagmura sa kanya ng ganyan. Keep it up, Mitsuki." Dagdag niya.
"So, ano? Sasama ka pa ba, Mitsuki-san?" Tanong ni Lev.
Parang ewan din itong si Lev eh.
Huminga na lang ako ng malalim. "What ever, saan ba bahay niyo?" Saad ko na lang.
Natuwa ito na parang bata, sa sobrang excitement ay hinila na lang niya ako bigla at dinala papunta sa kung saan man.
I hope, I won't regret agreeing to this.
----------
Message:
Hello! It has been a while, sorry for not updating for 3 weeks. Medyo busy din kadi ako lately and nakakalimutan ko i-edit yung mga drafts kooo.
Anyways, have you been well? Please stay safe!

BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...