Mitsuki's P.O.V
"Ah, kaya pala hindi boyfriend kasi magiging boyfriend mo pa lang." Agad kong itinago ang cellphone ko ng makita kong nakadungaw si kuya rito.
"Shut up kuya, baka troll niya lang 'to. Hindi naman niya ako nililigawan eh" tugon ko. "Atsaka 'wag ka nga basta basta tumitingin sa cellphone ng iba! That's my privacy!" singhal ko kay kuya.
Ngumisi ito. "Privacy? para saan pa, eh magkapatid naman tayo. 'Wag mo ibahin ang usapan. Gaano ka na katagal nililigawan ng libero ng Karasuno? Ikaw ha, 'di mo man lang naikukuwento sa 'kin" saad niya at umaktong nagtatampo.
"Yuck! Stop that act kuya, walang kami at wala ring ligawang nangyayari. Okay? At kung p'wede umuwi na tayo, inaantok na ako." saad ko, ngunit sa paghakbang ko ay natalisod ako dahilan para mawalan ako ng balanse at mapakapit kay Kenma pero natumba pa rin ako kasama siya.
"Napaghahalataan kang guilty, 'wag mo na kasi i-deny. Ayos lang ba kayo?" tanong niya.
Agad kong tinigna si Kenma at mukhang ayos naman siya. "Ayos lang naman ako, hindi naman ganoon kalakas ang impact pero si Mitsuki mukhang tumama 'yong siko niya sa sahig." at pagkasabi nga niya noon ay kumirot ang siko ko.
Agad ko naman tinignan ang kanang braso ko at nakitang dumudugo ito.
"Ayan, deny pa kasi" saad ni kuya at tinulungan kaming tumayo. "Lampa ka na nga 'di ka pa tumitingin sa dinaraanan mo, wala dito si Mister Libero para saluhin ka okay?" dagdag niya pa.
"Shut up kuya, bilisan niyo na lang maglakad para maka-uwi na tayo" saad ko at muling ipinagpatuloy ang paglalakad.
Tama rin naman si kuya, kailangan ko pa rin mag-ingat lalo na kapag dito na ako sa Tokyo titira. Walang Nishinoya dito.
Nishinoya's P.O.V
Kakatapos lang ng practice namin, habang naglilinis ng gym ay napansin kong panay ang hagikgik ni Chikara at Ryu sa gilid.
Linapitan ko sila. "Oi, 'di pa tayo tapos maglinis. Anong ginagawa niyo d'yan?" tanong ko.
Mukhang nagitla sila pareho at humarap sa 'kin. Itatago pa sana ni Ryu 'yong hawak niya pero agad ko namang nakita iyon. "Hoy, Ryu! Bakit na sa 'yo 'yan?" singhal ko at inagaw ang cellphone ko.
"W-wala, nakita ko lang d'yan sa tabi tabi. He he" pagsisinungaling niya.
"Liar! naalala kong iniwan ko 'to sa clubroom eh. Ba't mo naman kinuha? Anong ginawa mo rito?" saad ko habang nagpipindot sa cellphone ko. Baka kung anong kalokohan nanaman ang ginawa ng mga 'to, lalo na si Ryu. Mas gago pa 'to kaysa sa 'kin.
Dali-dali akong pumunta sa messages at tama nga ang hinala ko. "GAGO KA RYU!" sigaw ko.
Agad siyang tumakbo, agad ko naman siyang hinabol. "Letse ka, ano 'tong sinend mo kay Mitsuki! Alam mo namang hindi ko siya nililigawan 'di ba? Baka mamaya kuya niya makabasa noon, baka kung anong isipin noon" saad ko.
"Hoy! Kayong dalawa, ang ingay niyo! Anong ginagawa niyo? Tara na, ila-lock ko na 'tong gym!" sigaw ni Daichi-san. Agad na tumakbo si Ryu palabas ng gym, hahabulin ko pa sana siya pero pinigilan ako ni Daichi-san. "Subukan mo pa siyang habulin at makikita mo" dahil sa takot ko kay Daichi-san ay awtomatikong napatigil ako at sumaludo sa kanya.
"Ano ba kasi 'yon?" tanong ni Suga-san.
Bumuntong hininga na lang ako bago sumagot "Paano ba naman kasi." saad ko, kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanila 'yong message na ini-send niya kay Mitsuki.
"Ayaw mo niyan? Para motivated ka." ani Azumane-san habang nakadungaw sa cellphone ko.
"Hindi ko naman siya nililigawan eh" tugon ko at tumingin sa ibang direksyon.
"Hmm, that's so unusual of you." saad ni Daichi-san.
Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Mm! Alam mo, hindi pa naman kayo ganoong katagal na magkakilala ni Mitsuki pero ang laki na ng ipinagbago mo dahil sa kanya." ani Suga-san.
"Siya lang ata nakakapag patahimik sa 'yo" Sabi naman ni Azumane-san.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang nag-init ang mukha ko. "A-ano bang pinagsasabi niyo, madaldal pa rin naman ako kahit nandito siya ah."
"Hmm? Aaminin mo sa 'min na gusto mo siya pero minsan ide-deny mo? Aminin mo na kasi, si Mitsuki ang nagpatino sa 'yo." saad ni Daichi-san na hindi ko na natugunan.
Totoo naman eh, ba't ko pa nga ba ide-deny sa sarili ko 'di ba?
Nagulantang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong tinignan ang message na kararating lang at nagulat ako dahil sa nabasa ko.
From: Mi Moon
Make sure to win the pre-lims, okay?
Received: 9:11 pm
"Yes! Way to go, Mimi-chan!" biglang saad ni Suga-san habang nakadungaw sa cellphone ko.
"Kupad kasi eh, ayan si Mitsuki na nag-adjust" saad naman ni Daichi-san.
"Nakakapanibago pa rin talaga na nato-torpe si Nishinoya. Nung si Shimizu naman hindi siya ganyan eh, iba rin talaga tama sa 'yo ni Mimi-chan" kumento naman ni Azumane-san.
Nagtawanan na lang silang tatlo at ako naman ay nanahimik na lang habang hawak hawak ang dibdib ko. Sobrang lakas ng tibok nito, parang sasabog.
Hindi ko na alam kung makakapaglaro pa ako ng maayos dahil sa text ni Mitsuki!
![](https://img.wattpad.com/cover/219227443-288-k768776.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...