Chapter Twenty-nine

63 6 2
                                        

Mitsuki's P.O.V

"Ah! Mitsuki!" bulalas ni Nishinoya nang makita ako. Agad kong ipinihit ang paa ko sa ibang direksyon. "Mitsuki! Wait" habol nito kaya naman lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

Mag-iisang linggo na rin simula noong sinubukan kong iwasan sila Nishinoya, pero dahil makulit siya ay hindi ko magawa iyon.
Hinawakan nito ang kamay ko kaya naman napatigil ako at muntik na matumba, mabuti na lang hawak hawak ako ni Nishinoya kaya naman hindi ako nahulog.

*Sigh*

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko at sinusubukang itago ang mukha kong namumula.

Why am I even blushing? Habang tumatagal na nakakasama ko itong si Nishinoya hindi ko maintindihan ang sarili ko. Something keeps on stirring up inside me.


"Nakikinig ka ba?" I was taken aback when Nishinoya waved his hand infront of my face.

"Ha? Ano nga ulit 'yon?" tanong ko, nakita kong bumuntong hininga siya bago muli magsalita. "May practice match kami bukas, sama ka ha!" saad nito bago bitawan ang kamay ko.

Bakit naman ako sasama? Ano naman gagawin ko doon?

"Ha? Anong gagawin ko doon?" takang saad ko.

Bumuka ang bibig nito na tila ba hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Sinapo nito ang noo ko at agad ko namang tinabig ang kamay nito, "Wala ka namang lagnat, ayos ka lang ba?" tanong niya.

What? Mukha ba akong may sakit? Ano bang pinagsasabi nito?

Tinignan ko lang siya ng may pagtataka sa mukha.

"Kaya kita inaaya na sumama ay para manood ka ng practice match, malamang ano pa ba gagawin mo doon? Sasayaw? Kakanta?" saad nito.

I mentally slapped myself, oo nga naman! Why would I askel him if the answer is obvious? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, I've been out of myself.

Sasagot pa sana ako ng biglang sumulpot si Tsukishima, bago ito magsalita ay tumingin muna itobsa akin. It's like he's saying that what-are-you-doing-here look.

"Nishinoya-san, may meeting daw tayo ngayon sa gym" walang ganang saad nito, agad namang tumango si Nishinoya at sinabing susunod na lang ito. Bago pa man tumalikod si Tsukishima ay hinablot ko ang kamay nito. I remembered something, matagal ko na sana dapat itong ibinigay sa kanya pero dahil iniiwasan ko ang team ay hindi ko agad naibigay.

"A-ah may ibibigay pala ako sayo" agad kong sambit ng tumingin ito. Agad kong binuksan ang bag ko at kinuha ang kahon mula roon at kaagad na ibinigay kay Tsukishima. Nagtataka man ay kinuha niya pa rin ito at tuluyan ng umalis.

"Ano 'yon?" napapitlag ako ng biglang magsalita si Nishinoya.

"Ha? Wala" saad ko


Biglang sumeryoso ang mukha nito, "Hindi nga, seryoso. Ano 'yon?" saad nito.

I was a little bit shocked by his sudden change of mood.

"Wala nga!" sumbat ko at dahil sa sinabi kong 'yon ay lalo sumama ang mukha nito.

Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating si Tanaka, akala ko ay sasabihin sa kanya ni Nishinoya na mayroon silang meeting pero umalis lang ito at naiwan kami ni Tanaka.

"Anong nangyari doon?" takang tanong ni Tanaka habang tinitignan ang dinaanan ni Nishinoya.

"Ewan ko d'yan, bigla nag-iba ng mood." sagot ko at isinukbit ng maayos ang bag ko. "Oo nga pala, sabi ni Tsukishima may meeting daw kayo ngayon sa gym" dagdag ko pa.

Nagulat ito ng malaman na nandito si Tsukishima kanina, which is I found weird. Ano naman kung nandito siya?

"Yup, bakit? Wala naman masama kung nandito siya diba?" sagot ko sa tanong niya.

Umiling ito. "Hindi 'yon ang punto ko" he paused, "Hindi mo pala alam, ilang araw ka na din kasing hindi dumadaan ng gym" saad nito.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "Bakit? May nangyari ba? May nag-away ba?" tanong ko.

"Wala naman, pero.. nung dumating ang Nekoma dito para sa practice match ay bigla na lang nagkatensyon sila Tsukishima at Nishinoya. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Kuroo kay Tsukishima pero alam kong hindi nagustuhan ni Noya-san iyon" mahabang saad nito.

Nagulat na lang ako sa sinabi niya, sila kuya nandito? Ano naman kaya sasabihin niya kay Tsukishima? Close ba sila?

Nagpaalam na si Tanaka saakin dahil pupunta na ito sa gym, tinanong pa ako nito kung sasama ba ako sa kanya pero umiling lang ako at sinabing kailangan kong bumisita sa Shop ni Mommy.

Pagka-alis niya ay agad na rin akong lumabas ng campus, iniisip ko pa rin talaga kung anong sinabi ni kuya sa batang iyon. Tatawagan ko na lang siguro siya pagkatapos kong bisitahin si Mommy.

----------

A/N:

Hello! I'm really really sorry for this short update. Nasira kasi 'yung phone ko and some of the drafts was not saved online kaya kailangan kong i-type ulit 'tong chapter na 'to. And I can't remember some of the scenes sa chapter na 'to kaya umikli siya ng sobra. Huhu.

As what I've said, nasira 'yung phone ko kaya matatagalan pa before ako magkakaroon ng bago. Kaya naman matatagalan din 'yung mga susunod na updates. Naki-log in lang din ako sa kapatid ko para ma-update 'to.

Anyway, thank you for your support! Thank you for reading Her Liberator, I promise to do my best on writing. I'm still lacking and still bad at writing but, Thank you sa pagbabasa nito! Love you all readers! Stay Healthy!

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon