Chapter Twenty-one

59 7 0
                                        

Nishinoya's P.O.V

Napatingin ako sa gawi ni Mitsuki, nakita kong ibinigay na niya ang papel sa huling costumer niya. Pagka-alis nung lalaki ay bumuntong hininga ito ng malakas at nag-unat ng kamay.

Nagulat ako ng biglang ilapat ni Ryu ang isang bottled chocolate drink sa balikat ko "Ibigay mo sa kanya" saad nito.

Nagtataka man ay kinuha ko pa rin iyon at lumapit kay Mitsuki, nagulat pa nga ito kasi bigla ko na lang inilapag mesa ang bote.

Tuningin ito ng may pagtataka, "Baka nauuhaw ka na" sagot ko. Ngumiti ito at kinuha ang inilapag kong bote.

"Kailan mo pa nalaman na paborito ko 'to?" tanong nito at binuksan ang inumin.

"P-paborito mo 'yan?" tanong ko. Mukhang lalo lang siya nagtaka sa tanong ko.

"Oo!" sagot nito at ininom ang laman ng bote.

Pagkatapos niyang uminom ay inilalag niya ang bote "Ah~ That was refreshing! Thank you Noya" saad nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis kasing tamis ng ininom niya.

Bumilis bigla 'yung tibok ng puso ko kaya naman bigla ko na lang iwinagayway ang kamay ko.

"W-wala yon! Wala yon" sabi ko sa kanya.

"tsh" tanging sambit nito at tumayo.

"Una na muna ako, may pupuntahan lang ako saglit. Bye, thanks ulit" paalam niya at lumabas ng room.

Tinitigan ko lang 'yung pinto kung saan siya lumabas.

"Ano? Kayo na ba?" panggugulat ni Ryu dahilan para masapak ko ito.

"Wag ka nga nanggugulat!" singhal ko.

Bakas man sa mukha niya na nasaktan siya sa pagkakasapak ko pero napatawa pa rin ito.

"Sus! Wag ka na kasi mag-deny Noya-san, gusto mo siya noh?" tanong nito.

"Wag mo na nga siya asarin" singit naman ni Ennoshita.

"Puso ko" hindi ko alam kung bakit biglang lumabas sa bibig ko 'yon. Naalala ko nanaman yung mukha niya kapag naka-ngiti.

Nagtatakang tinitigan ako ng dalawa, "Yung pag ngiti niya, hindi maganda para sa puso ko. Ah!" dagdag ko pa habang  ginugulo gulo ang buhok ko.

Napatawa naman si Ryu at si Chikara naman ay bumuntong hininga, "Malala ka na Nishinoya" saad nito at umalis sa harap namin.

"Bwahaha!" tawa ni Ryu, mabuti na lang at wala kaming costumer ngayon dahil afternoon break ng booth.

Nasuntok ko nga si Ryu "Anong nakakatawa?" tanong ko kay Ryu.

Pinigilan naman nito ang pagtawa at sinubukang sumagot "Nga-ngayon lang, k-ita nakitang ganto Noya-san"

"Ha?! Ano ba pinagsasabi mo? Tara na nga, kain na tayo nagugutom na ako" saad ko at lumabas ng room.

Nasisiraan na ata ng bait 'tong si Ryu..

Hinabol niya ako palabas ng room kasama si Chikara at mukhang nagpipigil pa rin ng tawa si Ryu. Sa inis ko ay inunahan ko silang maglakad. Ewan ko sainyo.

Mitsuki's P.O.V

Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ako sa room, hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin ngayong araw.

Pakiramdam ko napaka-weird ko na.

Presensiya lang ni Noya hindi ko matagalan, paano pa kaya kapag kinakausap pa niya ako.

Sinampal ko ang sarili ko "Focus ka muna sa booth, focus. Focus. Focus" bulong ko sa sarili.

"A-ah, Mimi-san!" nagulat ako ng may magsalita.

"Kyah!" bulalas ko at dahil sa biglang pag-angat ng kamay ko ay nauntog ang kamay ko sa pader.

"Aray! Aww!"

"Mimi-san! Ok ka lang po?" nag-aalalang tanong ni Hinata.

Ramdam kong kumirot ang kamay ko at maya-maya pa ay unti-unting naging pula ang puting benda nito.

"Ah! Mimi-san, wag kang mamamatay!" ngawa nito at bigla siyang binatukan ni Kageyama.

"Siraulo hindi siya mamamatay!" singhal nito kay Hinata bago humarap sa akin.

"Ayos lang po kayo? Dalhin ka na po namin sa clinic" alok nito.

Tatanggi pa sana ako ng bigla akong hilahin ni Hinata "Wag na po kayong tumanggi, baka mamatay kayo" ngawa ulit nito.

Dinig ko ang paghabol ni Kageyama "Boke! wag mo akong unahan, siraulo. Baka mapatid si Mimi-san!" sigaw nito ngunit hindi iyon pinansin ni Hinata.

Hingal na hingal akong nakarating sa Clinic, "A-ang bilis mo, t-tu-makbo" saad ko habang pilit na hinahabol ang hininga.

Agad akong inasikaso ng nurse ng makita niya ang kalagayan ng kamay ko. "Ilang araw na 'to ah, dumudugo pa rin. Pinilit mo bang gamitin 'tong kamay mo?" tanong ng nurse.

"Ah, hindi. Nauntog kasi ginulat ako ni Hinata" sagot ko at tumingin kila Hinata at Kageyama.

Tumingin ang nurse sa kanila at mukhang nagulat ito ng bahagya. "Ah! Kayo 'yung noong nakaraang linggo!" bulalas nito.

Nagtaka naman ang dalawa, hindi na ako magugulat na magiging suki sila ng clinic dahil nga kasali sila sa Volleyball team.

"Kilala mo sila? Alam mo ba, nagsuntukan 'yang dalawang yan sa gym kaya napadpad dito" kwento ng nurse habang pinapalitan ang benda ng kamay ko.

"Nurse-san, hindi nga kami nagsuntukan. Si Tanaka-san ang sumuntok sa amin" pagtatama ni Hinata.

"Kahit ano pa yan, hindi dapat kayo nag-aaway. Remember, your teammates. Kailangan intindihin niyo ang isa't-isa" pangaral ng nurse sa dalawa.

"Hai!" sabay nilang sagot at ngumiti naman ang nurse.

"Oo nga pala Mimi-san, ano pala nangyari sa kamay mo?" tanong ni Hinata.

"Ito ba? Uhm, natusok ng pako. Na-out of balance kasi ako sa upuan kaya nung nahulog ako bumaon yung pako" sagot ko.

"Ha! Bakit? Karpintero ka ba Mimi-san? Sugoi-- Aray!"

"Tanga, porket ba may hawak na pako karpintero agad?" batok ni Kageyama kay Hinata.

"Nangyari 'yon nung inaayos ko 'yung booth namin. Tsaka Kageyama, tigilan mo na 'yang kakasapak kay Hinata. Baka magkabukol yan" saad ko at mukhang natauhan naman si Kageyama.

"Sumimasen" sagot nito.

"Oh siya, sige labas na at i-enjoy ang Festival" pagtataboy ng nurse sa amin.

Mukhang pagod na rin ito kaya humingi lang ako ng paumanhin bago kami tuluyang lamabas ng clinic.

——————————

A/N: Sorry, this is kinda lame. Please bare with this.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon