Nishinoya's P.O.V
Agh! Nasisiraan na ata ako ng bait. Ginulo ko ang buhok ko at dire diretsong naglakad palabas ng school.
"Hoy, ano ba? Tama bang iwan mo'ko dun? Di pa ako tapos kumain eh" Habol saakin ni Ennoshita.
"Sorry, ililibre na lang kita ng ice cream mamaya." sagot ko at inayos ang buhok ko.
"Hay, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mag-aalala para sayo eh. Bilisan na natin para hindi tayo abutin ng hapon" sabi ni Ennoshita at hinila ako.
---
Isang oras na kami dito sa bookstore pero hindi namin mahanap yung mga inilista ni Mitsuki sa papel.
"Ayos din pala 'yong babaeng yon eh, dami pa lang alam sa ganto" bulong ni Ennoshita habang nakatingin sa papel.
Hay, nakakapagod din pala itong ginagawa namin.
"Tawagan mo nga siya" sabi ni Ennoshita na agad ko namang tinanggihan.
"I-ikaw na lang!" sigaw kong sabi.
"Wala akong number niya" pagdadahilan nito.
Sira, meron kaya. Ganun pa man ay kinuha ko 'yong cellphone ko at idinial ang number ni Mitsuki at ibinigay ito kay Ennoshita.
"Hello?... Ah, si Ennoshita 'to... Hindi kasi namin mahanap iyong ibang nakalista dito... Ah ganoon ba? Sige sige.. Ok.. Sige salamat... Bye" ibinaba ni Ennoshita ang tawag at ibinalik sakin ang cellphone ko.
"Anong sabi?" tanong ko sa kanya.
"Ibigay lang daw natin sa counter 'yung listahan. Sila na daw bahala magcheck kung ano 'yong kulang at kung tama ba 'yong mga kinuha natin. Nakasulat naman na lahat ng detalye sa papel kaya bahala na daw ang staff sa listahan" mahabang sagot nito at sinimulang maglakad papunta sa counter.
"Mukhang may problema si Mitsuki" biglang sabi nito.
Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.
"Iba kasi ang tono ng boses nito kumpara sa normal, tsaka nagmamadali itong magsalita" paliwanag naman niya.
Huh? Ano naman kaya magiging problema noon? Sa dalawang lingong nakilala ko siya, bihira lang ito magalit. Isang beses ko pa lang siyang nakitang galit, hindi man siya gaanong nagsalita noon dahil medyo kumalma na siya noon. Pero alam kong mas nakakatakot pa siya magalit kapag nasagad ang pasensiya niya.
Pinanood lang namin ni Ennoshita yung mga staffs na lagyan ng kung ano ano yung basket namin.
Nagulat ako dahil may ibinalot silang bagay na gawa sa kahoy. Hindi ko alam ang tawag don pero ang alam ko ay parang nakita ko na 'yon sa Room ng Arts Club.
Matapos nilang balutin lahat ay binayaran na namin iyon. Akala ko kukulangin kami dahil parang ang dami nung mga pinamili namin pero may sukli pa pala kami.
"Thank you sir, come again" paalam nung kahera.
Tatlong box at dalawang paperbags lang naman ang dala namin. Mabuti tinulungan kami nung isang staff para madala sa Taxi Station 'yong mga pinamili namin. Nagpasalamat kami doon at sumakay na ng taxi.
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
