Chapter Twenty-four

50 8 0
                                    

Tetsuroo's P.O.V

Hindi ako makapaniwalang may kapatid ako, tapos babae pa?

Sumubo ako ng pagkain habang pinapanuod si mama at Mitsuki na nagkukwentuhan, ngayon ko lang ulit nakita si mama na ganito kasaya. Tinignan ko si Mitsuki at hindi ko maiwasang mapa-iling, kamukhang kamukha niya si Mama. Para nga silang pinagbiyak na bunga, talaga bang kapatid ko 'yan?

"Bakit hindi mo sinabi sa akin mama?" inis na singit ko sa usapan nila.

Tumingin si mama sa akin, "Nakakalimutan ko kasi eh. Tsaka lagi kang busy kaya wala tayong oras magkwentuhan" sagot nito habang nakangiti.

Napasapo ako sa noo ko, "Ma! Wala akong ginagawa ng linggo, pwede mo naman ako kausapin sa araw na 'yon" singhal ko.

"Hindi kaya, diba may training camp kayo tuwing sabado at linggo?" pagdadahilan nito, napabuntong hininga ako.

This is unbelievable.

"Ah, oo nga pala. Ma'am, bakit nga pala hindi alam ni Tetsuroo ang tungkol sakin?" singit ni Mitsuki sa usapan namin.

"I told you, call me Mama!" sita nito sa sinabi ni Mitsuki.

"M-mama, hehe" saad ni Mitsuki at napakamot ito sa ulo. Hindi talaga kapani-paniwala ang mga nangyayari.

"Nabagok kasi ulo niya kaya nakalimutan ka niya" sagot ni mama sa tanong ni Mitsuki, sumubo pa ito ng pagkain na akala mo'y walang nakakainis sa sinabi niya.

"Anong nabagok?" singhal ko, tumingin ako kay Mitsuki at sinagot ng maayos ang tanong niya "Nagka-amnesia ako, hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at nangyari sa akin 'yon. Ito namang si mama, di manalang sinubukang ipaalala sa akin na may kapatid pala ako"

"Paano ko ipapaalala sayo 'yun eh 3 years old ka pa lang noong ipanganak si Mitsuki. Wala pa kayong alaala bilang magkapatid, apat na buwan pa lang siya nung mawala siya sa pamilya natin" sagot ni mama.

"Eh bakit ba kasi siya nawala?" tanong ko at napansin ko ang pag-iiba ng ekspresiyon ng mukha ni mama. Naging malungkot ang mga mata nito.

"Pwede bang wag na natin pag-usapan 'yan? Siya nga pala Mimi anak, gusto mo dito ka muna matulog?" pag-iiba niya ng usapan.

"Naku, hindi po pwede eh. May kailangan pa po akong gawin, tsaka kailangan po ako sa school bukas" nahihiyang tanggi niya sa alok ni mama.

"Ihahatid kita bukas, agahan lang natin konti" pagpipilit ni mama.

"O-ok lang po talaga ako, kaya ko rin naman po umuwi mag-isa" sagot naman ni Mitsuki.

"Ako na maghahatid sayo bukas, tsaka wala ka nang masasakyan ng ganitong oras. 7pm ang huling bullet train eh anong oras na" singit ko sa usapan nila. Mukhang sumuko na rin si Mitsuki at tumango na lang ito bilang sagot.

"Ha? Eh diba may training pa kayo bukas? Paano 'yan?" tanong ni mama.

"Magpa-paalam ako mamaya, tatawagan ko na lang si coach. Atsaka isa pa-" tumigil muna ako sa pagsasalita at tumingin kay Mitsuki, "Gusto kong makilala ang kapatid ko" nahihiyang saad ko. Napatingin si Mitsuki sa akin dahilan para lalo akong mahiya sa kanya.

"Yes! Salamat anak, tapos ka na ba Mitsuki? tara muna sa taas, magkwentuhan tayo. Tetsuroo, ikaw na magligpit ng pinagkainan" utos ni mama na ikinagulat ko.

Sasagot pa sana ako ng biglang nagsalita si Mitsuki, "Hindi pa po ako tapos, hintayin niyo na lang po ako sa taas. Tutulungan ko na lang din po si Tetsuroo magligpit ng pingkainan" saad nito at tumingin sa akin.

"Ganoon ba, sige sa salas na lang kita hintayin. Manonood muna ako saglit" sagot ni mama, tumayo ito at lumabas ng kusina.

Nakaramdam ako ng kaunting awkwardness nang umalis si mama.

"U-uhm Tets-"

"Kuya" pagtatama ko.

"K-kuya" pag-uulit niya, hindi ko alam pero masarap sa pakiramdam na may tumawag sa aking ng kuya. Well, meron naman pero yung mga bata lang 'yon sa team. Hindi nila ako tinatawag na kuya bilang kapatid, tinatawag nila akong kuya bilang isang senpai.

"Bakit?" tugon ko sa pagtatawag niya sa akin.

"Wala lang..." tumigil ito sa pagkain bago muling nagsalita "Natutuwa lang ako kasi nahanap ko na kayo" dugtong nito at tumayo siya dala dala ang pinagkainan nito.

"Kung tapos ka na kumain kuya, iligpit mo na yung pinagkainan. Ako nalang maghuhugas ng mga pinggan"

Napangiti ako. Kapatid...

Inubos ko na ang pagkain ko at iniligpit ang pinagkainan.

I guess, it's fun to meet my sister.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon