Nishinoya's P.O.V
Kadarating lang namin ng Shinzen High School, dito gaganapin 'yung One week na training camp namin. Agad naman kaming sinalubong ng captain ng Nekoma, agad itong umakbay kay Mitsuki ng makita niya ito. "Hindi na pala kita kailangang tawagan eh" nakangising saad nito.
Humikab si Mitsuki at kumalas sa pagkaka-akbay ng kuya. "Pupunta muna ako sa bahay niyo kuya, matutulog lang ako saglit. Balik din ako bukas." Saad nito at tumalikod na.
Lumingon si Kuroo saamin at tinignan kami ng may pagtataka. Nagkibit balikat lang si Suga-san. "Hindi ko rin alam, hindi nga 'yan pumasok kahapon eh. Pero dumating siya sa school pagkatapos ng practice match namin at kinaladkad na lang yung Captain at Ace ng Seijoh" paliwanag nito.
Natigilan ako roon, oo nga pala. Ano naman kaya kinalaman ni Mitsuki sa mga 'yon? Paano niya nakilala ang babaerong lalaki na 'yon.
"Kakausapin ko na lang siya bukas, tara na sa loob."
Mitsuki's P.O.V
Hihikab hikab ako habang naglalakad pababa ng hagdan. Mataas ang sikat ng araw pero pakiramdam ko ay taglamig na. Napabahing ako at dahil doon ay napayakap ako sa sarili ko.
Nilalamig ako sobra! Summer naman ngayon pero bakit ganto?
Habang naghihintay ako ng tren ay biglang may tumabi saakin at nagsalita, "It's you again. We must be destined to meet again." Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya.
"Ah! Tooru!" sambit ko.
Ngumiti ito, "Are you lost again?"
Umiling ako, "Nope naghihintay ako ng tren pauwi" tugon ko.
"Ah, I see." Tanging saad nito, "by the way, Thank you for yesterday." Dagdag pa niya. Napalingon ulit ako sa kanya. At tumingin rin ito sa akin. "I mean you know? About Yuumei"
"Ah, wala 'yon. Nagkataon lang talaga na papunta ako ng school namin, I was hesitant on helping her at first pero nataranta din ako nung makita kong may humahabol sa kanya."
He chuckled with my statement dahilan para mapakunot ang noo ko, "And because of that you just dragged her anywhere kahit hindi mo pa siya kilala" natatawang saad nito.
"I mean, it's because of my Adrenaline! Atsaka, kilala ko siya noh! She's a magazine model, my mom is a fan of her" tugon ko.
"How come? She told us that you barely recognize her" natatawang saad niya.
Wait what?
"Because I wasn't wearing my glasses!" inis na tugon ko, and again he laughed.
"Ah yeah, I remember. When we first met here in Tokyo, you were wearing glasses. And now that you're not wearing them, you didn't even recognize me yesterday as well"
Bigla akong nahiya sa sinabi niyang iyon and what happened yesterday flashed back in my mind.
FLASHBACK:
"Ouch! That hurts" saad ng lalaking katabi ko.
Tinignan ko siya at bakas sa mga mata nito na nasasaktan siya. Saglit pa akong napatitig sa kanya at noon nga ay napasigaw ako. "Ikaw!"
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanficI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
