Mitsuki's P.O.V
Pagkalabas ko ng tren ay agad akong nagtanong sa isa mga security guard dito sa istasyon.
"Excuse me po, saan ko po kaya makikita itong address na ito?" sabi ko dun sa isang guard at ipinakita ang isang maliit na papel na may nakasulat na address.
"Hindi ko sigurado Miss, malaki laki ang Tokyo at hindi ko ganoong kabisado ang lugar na ito." sabi nito.
Nagpasalamat nalang ako bago umalis, lumabas ako ng istasyon atsaka naglakad lakad. Sinubukan kong magtanong tanong at sinundan ang mga direksyong ibinibigay nila.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang kabahan, totoo na ba 'to? Sa halos tatlong buwan namin dito sa Japan ito na ang pangalawang beses na nakatanggap ako ng impormasyon tungkol sa kanila.
Nagtanong tanong ulit ako at sa huling pagtatanong ko ay sinabi nitong kailangan ko pa daw sumakay ng tren para makapunta roon.
Mabuti nalang mabait itong lalaking ito at sinamahan ako papunta dito sa istasyon.
"Sakay ka lang jan, the last stop would be the nearest to your destination." sabi nito at ngumiti.
"Thank you, uhmm..."
"It's Tooru" saad nito ng mahalatang hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya.
"Thank you, Toruu!" pagpapasalamat ko at sumakay ng tren.
Umupo ako sa bakanteng upuan, bumuntong hininga ako dahil sa pagod. Tinignan ko kung anong oras na at medyo nagulat ako dahil pasado alas singko na.
Nawala ako kanina kaya kung saan saan na ako napadpad. Umidlip ako saglit dahil isang oras din ang biyaheng ito.
Naalimpungatan na lamang ako ng may tumapik sa balikat ko
"Miss, last stop na" sabi nung babae.
Nagitla ako at agad na tumayo at nagpasalamat sa gumising saakin atsaka lumabas ng tren.
Nagtanong agad ako sa mga tao doon at noon nga'y sinundan ko yung mga itinuturo nilang direksiyon.
After 15 minutes of walking, I've finally found the address that Im looking for. Tinignan ko ang bahay na nasa harap ko.
Tinignan ko ang kabuohan ng bahay, "This is it" bulong ko sa aking sarili.
Huminga ako ng malalim, kung hindi man sila ang hinahanap ko paniguradong madidismaya ulit ako. Sa layo ng pinanggalingan ko, sino ba naman ang hindi?
Pipindutin ko na sana ang doorbell ng biglang may magsalita, "Anong ginagawa mo sa harap ng bahay namin?" lumingon ako sa gawi niya.
Bumungad sa akin ang isang matangkad na lalaki, at kagaya ko ay itim ang buhok nito. At kahit na medyo singkit ang mga mata nito ay mistula itong mata ng isang pusa.
"Miss?" tanong nito ng hindi ako sumagot agad sa tanong niya.
"Uhm, bahay mo 'to?" paninigurado ko.
"Oo, anong kailangan mo?" tanong niya.
"K-kuroo family, tama?" tanong ko, napa-pahid ako ng kamay sa palda ko. Pinagpapawisan ang mga ito dahil sa kaba, alam kong sila na nga ang hinahap ko. Ramdam ko iyon.
"Uh, bakit? Nawawala ka ba? May gusto ka bang sabihin sa mga magulang ko? Anong kailangan mo sa pamilya namin?" takang tanong nito.
"Kung gusto mo pumasok ka muna, gabi na rin kasi. Sa loob mo na lang hintayin sila mama" dagdag nito.
Tama ako, sila na nga. Hindi ko napigila ang sarili ko, napaupo na lang ako at umiyak.
"Finally, nahanap ko din kayo. Kuya" tanging sambit ko habang patuloy sa pag-iyak.
"H-ha? Ano bang sinasabi mo miss? Pwede ba tumayo ka jan?" gulat na saad nito.
Tumayo ako at pinunasan ang luha mula sa mga mata ko, "S-sorry, nakalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Kenta Mitsuki" pakilala ko. Inilahad ko ang kamay ko para maki-pagkamay sa kanya.
Nagtataka man siya ay tinanggap niya ito "K-kuroo Tetsuroo" saad niya.
"Pwede ko ba malaman kung bakit mo ako tinawag na kuya?" tanong nito.
"Kapatid mo'ko" diretsong sagot ko, nabilaukan ito dahil sa sinabi ko.
"Ano bang sinasabi mo jan?" natatawang sagot nito, nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi ba niya alam na may kapatid siya? Hindi ba sinabi ng totoo kong magulang na may nawawala siyang kapatid?
Magsasalita pa sana ako ng mayroon ulit mag-salita, "Ano bang ginagawa niyo dito sa labas? Tetsuroo, papasukin mo na 'yang girlfriend mo" saad ng isang hindi katandaang babae.
"Ha? Ano bang sinasabi mo jan Mama? Hindi ko siya girlfriend! Nadatnan ko lang siya dito sa labas ng bahay tapos bigla na lang sasabihin na kapatid ko daw siya. Siraulo ata 'to eh" sagot ni Tetsuroo, nabitawan ng babae ang hawak niyang paperbag.
"Mitsuki? Totoo ba 'to?" sambit nito na akala mo'y nakakita ng multo.
"Kilala mo 'to ma?!" gulat na tanong ni Tetsuroo, napakamot na lang ito ng ulo. "Siraulo na rin yata nanay ko" bulong nito, hindi iyon pinansin ng babae at lumapit sa akin para yakapin ako.
"I'm glad you're safe! I'm glad you're alive!" saad nito.
"Ma! pansinin mo naman ako!" reklamo ni Tetsuroo.
Napahagulgol lang ako dahil sa nangyayari, sila na nga 'to. Ang tunay kong pamilya.
"Pasok ka muna ng makapag-usap tayo. Tetsuroo, paki kuha naman yung paperbag at ipasok mo sa bahay" utos niya kay Tetsuroo. Nakita kong bumuntong hininga si Kuya at sinunod ang sinabi ng babae.
"Anak mo ba talaga ako?" bulong nito habang sumusunod sa amin, napatawa na lang ako dahil doon.
It must be my lucky day today, I think I can die now.
BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...
