Chapter Six

100 7 0
                                    

Mitsuki's P.O.V

"Ms. Kenta" tawag ng guro sa akin.

Ok, here we go.

"You're excused" dagdag nito.

Tumayo naman ako at kinuha ang gamit ko at lumabas ng classroom, ramdam ko ang titig ng mga kaklase ko sa akin.

Tanging yabag ang maririnig mo, at pagka sara ko ng pinto ng classroom ay huminga ako ng malalim.

"So? Let's go?" alok ni Nichida. Student Council Vice President.

"Ano pa nga ba?" tanging sagot ko at sinundan siya sa paglalakad.

Dinala niya ako sa school grounds dahil nandoon ang mga plywood na gagamitin ko. Medyo maaraw ngayon, sisilong na lang siguro ako dito sa Sakura tree na 'to kapag mainit.

Binigyan lang ako ni Nichida ng instructions at kung anong theme ng dapat kong ipinta at iniwan na niya akong mag-isa doon.

I-text ko na lang daw siya kung may kailangan ako.

*Sigh*

"Let's go to work!" kinuha ko ang lapis at sinimulang guhitan ang isa sa mga plywood.

--

Halos dalawang oras na ako dito ngunit isang plywood pa lang ang natatapos kong guhitan. Masakit sa balat ang sikat ng araw kaya naman sumilong muna ako sa may lilim ng puno.

Tumingala ako at mula sa kinaroroonan ko ay kita mo ang bintana ng classroom namin.

Nakita ko si Nishinoya na nakatingin sa akin. Siraulo ba 'to?

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext ko siya.

To: Noya

Hoy! Anong ginagawa mo diyan sa desk ko? Makinig ka nga sa teacher!
✓Sent

Ibinulsa ko ang phone ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Bakit ba kasi mag-isa ko lang 'tong ginagawa? Hays.

Pagkatapos ng isang oras ay hindi ko pa rin natatapos ang pangalawang plywood.

Nauuhaw ako kaya naman tumayo muna ako para bumili ng maiinom sa vending machine. Pagkatapos kong uminom ay bumalik ako sa pwesto ko at ipinagpatuloy yung ginagawa ko.

Lunchtime na ngayon kaya medyo maingay sa paligid, may mga estudyanteng nanonood sakin at dahil doon ay hindi ko maituloy itong ginagawa ko.

Tumigil muna ako at tinext ko si Nichida.

To: Nichida

Pwede bang harangan muna itong mga bintana sa hallway? Students are watching, I can't work because of them.
✓Sent

Ilang minuto pa ay nagreply si Nichida.

From: Nichida

We can't do that one, I'll try finding some ways. Just continue what you're doing. Patapos naman na ang lunch kaya don't worry.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon