Chapter Ten

84 5 1
                                        

Mitsuki's P.O.V

"Hey? You're acting strange" pagtatawag ni Mommy sa atensyon ko.

"H-huh? Hindi ah." sagot ko at sumubo ng pagkain.

"O siya, bilisan mo na at may pasok ka pa" sabi nito at tumayo para hugasan yung pinagkainan niya. Tinapos ko na 'yong pagkain ko at hinugasan na rin ang pinagkainan ko.

Nagpaalam na ako kay Mommy at pumunta ng school. Habang naglalakad ay iniisip ko lahat ng nangyari kahapon.

How is it even possible that I can't remember? Pagpasok ko sa entrance ng school ay may tumawag ng pangalan ko.

"Mitsuki!" tinignan ko kung sino iyon. "Good morning! Nishinoya, Tanaka" bati ko sa kanila.

"Kumusta ka? Hindi ka na namin nakita kahapon." tanong ni Tanaka

"Umuwi agad ako, may kinailangan lang akong gawin sa bahay" pagdadahilan ko.

"Eh 'yong special project mo?" tanong ni Nishinoya, napabuntong hininga ako dahil naalala ko 'yong nangyari kahapon.

"Matagal pa bago ko matapos 'yon" tugon ko sa tanong niya, sinimulan ko nang maglakad at sumunod lang sila.

"Ha? Eh pano 'yong sa classroom?" tanong ni Tanaka.

"Gusto mo tulungan ka namin?" ani Nishinoya, umiling ako ng marahas. "Wag! wag! Kaya ko naman na 'yon, madali lang 'yon" sagot ko.

"Sigurado ka ba? Baka sigawan ka nanaman ni President" tanong ni Nishinoya, tumango ako bilang sagot.

"Oo nga pala, pwede ba namin makita 'yong ginagawa mo?" masayang tanong ni Nishinoya. Iniisip ko kung ipapakita ko ba o hindi, matagal bago ako nakasagot.

"Pwede" sagot ko na ikinatuwa nilang dalawa. Nagtatatalon sa tuwa si Nishinoya at habang naglalakad kami papuntang Auditorium ay walang humpay ito sa pagkukuwento na hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Binuksan ko ang pinto at agad namang pumasok si Nishinoya at Tanaka. Sinaway ko pa nga sila na wag silang maingay dahil nag-echo ang boses nila sa buong Audi.

Nishinoya's P.O.V

Mabuti na lang at isinama kami ni Mitsuki dito, nagulat lang ako dahil amoy gas dito. "Kung nagtataka kayo kung bakit ganto ang amoy dito, kinailangan ko kasi tanggalin yung mga natapong pintura sa sahig" pagkukuwento ni Mitsuki.

Mukha ngang may natapong pintura dahil may mga kakaunting pintura pa sa sahig.

"Para saan 'tong mga plywood?" tanong ni Tanaka habang itinuturo ang mga kahoy na nakasandal sa pader.

"Ito 'yong pipinturahan ko, para 'to sa stage ng Festival Opening" sagot ni Mitsuki at hinawakan ang isang plywood at pilit na binuhat ito. Tinulungan namin siya ni Tanaka at noong makita ko ang harapan ng plywood ay namangha ako.

"Ikaw gumawa nito?!" bulalas ko habang tinignan iyon. Hindi ito sumagot na para bang nahihiya siya. "A-ang ganda" papuri ni Tanaka.

"Talaga?" nahihiyang tanong ni Mitsuki. "Oo! Sobra!" sagot namin pareho ni Tanaka. Namula ang pisngi nito at tumalikod "H-hindi pa naman tapos 'yan eh. Pakilapag na lang 'yan. Tapos pati na rin 'tong iba" mahinang sabi nito at pinilit na binuhat ang isang plywood.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon