Chapter Twenty-two

58 8 1
                                    

Mitsuki's P.O.V

I stretched out my arm as I finish the last portrait for today. I handed it to him and he gladly accepted it before leaving.

Tumingin ako sa buong paligid at halos wala na ring tao, pangalawang araw na ng school festival namin ngayon pero pakiramdam ko isang linggo na. Inayos ko ang mga gamit ko at tumayo "I need a break" bulong ko sa sarili.

"Oo nga, hindi ka pa nga nagtanghalian eh" medyo nagulat ako dahil sa sinabing iyon ni Ennoshita.

"A-ah? I think that's fine, I'm kinda used to it. Hehe" sagot ko at hinilot ang leeg ko.

He seems so tired too, "Uhm, if you don't mind... Pwede samahan mo'ko sa Cafeteria?" tanong ko.

"I mean, sabay tayong kumain? Mukhang hindi ka rin nag-lunch eh" dagdag ko pa, halata mo ang pagtataka sa mukha nito pero sinubukan niya rin itago iyon.

"Ah, dapat ako nag-aaya kumain eh pero sige. Kaso, kung ayos lang din isama sila Nishinoya at Tanaka. Hindi pa kasi sila nagla-lunch eh." saad nito habang itinuturo si Noya at Tanaka na may kinakausap na costumer.

Napabuntong hininga na lang si Ennoshita ng makita ang sitwasyon nila Noya, mukhang nahihirapan silang sagutin ang mga tanong nito.

Akmang lalapit si Ennoshita sakanila pero pinigilan ko ito "Ako na" saad ko at ngumiti sa kanya.

Lumapit ako sa pwesto nila Noya habang nakangiti, "Excuse me sir?" tawag ko sa atensyon ng costumer at tumingin ito sa akin.

"May I ask, is there any problem?" dagdag ko pa at lumiwanag ang mukha nito "Are you perhaps, 'Black Moon'?" tanong nito at ikinagulat ko iyon.

"Yes, what can I do for you?" nagtatakang tanong ko.

Kinamayan ako nito "I'm Atsuka Hiromi, I'm a fan of you. I never ever thought that I would meet you here!" masayang saad nito habang walang tigil ang pagkakamay nito saakin.

Fan?

"How do you know my pen name?" tanong ko sakanya at tumingin sa buong room para masigurado na wala nang ibang tao.

"I knew it, by just looking at your works! Did you perhaps changed you signature?" saad nito at tinignan ang isang artwork ko.

Perhaps?

Napansin ko ang titig ng mga kaklase ko sa amin "Uhm, I'm sorry sir. But our booths' business hours is already done. Please come back tomorrow, or if you have something to discuss personally please call me." saad ko at kinalkal ko ang bag ko searching for my wallet.

If I'm not mistaken, I have my business card from past few years. Natuwa ako ng makita ko iyon at agad na ibinigay ko sa kanya.

Nagpaumanhin ito at nagpasalamat bago lumabas ng booth, agad namang binaliktad ng kaklase ko ang placard na nasa labas ng room.

Huminga ako ng malalim at agad na inalis ang ngiti sa mukha ko, nakakapagod ang araw na 'to.

"Black Moon, huh?" napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Sakura.

Tinignan ko siya ng may pagtataka, halata sa ekspresiyon ng mukha nito na galit siya. Lalapit sana ito ng bigla nagsalita si Ennoshita.

"Mitsuki! Tara na! Gutom na kami" saad nito at hinila ako kasama sila Noya at Tanaka.

Pagkalabas namin ng room ay binitawan niya na ako "Wag ka ng lalapit kay Sakura" saad nito at sumang-ayon naman ang dalawa pa naming kasama.

"Never ko naman nilapitan at kinausap 'yon" sagot ko at sinimulan maglakad.

"Ah, basta! Promise mo 'yan" sigaw ni Noya.

"Yeah, whatever. Bilisan niyo na nga nagugutom na ako eh" hindi na ako nakipag-argumento pa dahil pagod na ako.


Habang kumakain ay masaya silang nagkukwentuhan, pilit naman nila akong isinasama sa usapan pero mas gusto ko muna kumain. Kahit papaano naman ay nakikinig ako sa mga usapan nila na tungkol doon sa booth, maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko dahilan para mapatingin ang mga kasama ko saakin. Humingi ako ng tawad bago binuksan ang mensaheng kararating lang. Bigla akong napatayo ng mabasa ang nilalaman nito at sa pangalawang pagkakataon ay napatingin sila saakin ng may pagtataka.

"Okay ka lang?" tanong ni Tanaka si Noya naman ay ngumunguya pa rin.

"May gagawin pa ba tayo mamaya?" tanong ko, avoiding Tanaka's question.

"Ah, yes but it's not that important. Maglilinis lang naman tayo." sagot ni Ennoshita.

"Bakit?" tanong ni Noya pagkatapos nitong uminom ng tubig.

"Pwede na ba umuwi?" tanong ko pa.

"Ha? Tapusin mo muna 'yang kinakain mo" gulat na sambit ni Nishinoya.

"Emergency ba 'yan? Oo pwede na" dagdag ni Ennoshita.

Uminom ako ng tubig at kinuha ang bag ko sa lapag "Salamat sa pagsama saakin kumain, kailangan ko na umuwi. Pakilagay nalang pangalan ko sa attendance" saad ko at dali-daling umalis.

"Teka lang, Mitsuki!" sabay nilang sigaw pero binalewala ko na iyon at tuluyan nang lumabas ng Cafeteria.

Nakasalubong ko pa nga sila Suga-san at Daichi-san, pero dahil nagmamadali ako binati ko lang sila.

Dali-dali akong pumunta ng shop ni Mommy.

"Mom!" sigaw ko pagkapasok ko ng shop, mabuti na lang at wala siyang costumer ngayon.

"What?" gulat na tugon nito "Don't you have school? I mean festival?" dagdag pa nito.

Umiling ako "I'm done with my part, look at this" sagot ko at iniharap sa kanya ang scr screen ng cellphone ko.

"Are you sure? Pupuntahan mo 'yan? Baka mamaya kagaya nanaman iyan nung nakaraan? Tsaka, malayo 'yan." nag-aalalang sambit nito.

"Hindi ko malalaman kung hindi ko pupuntahan, I'll be safe mom." saad ko at bumuntong hininga si Mommy.

"Ok, fine. May pupuntahan din ako mamaya, just take care of yourself. Mag-iingat ka sa pagpunta doon" pagkasabi niya noon ay agad akong nagpaalam sa kanya.

Sana sa pagkakataong ito ay mahanap ko na sila.

-----

A/N:

Heya! Malapit ko na makumpleto yung drafts nito. Again, I'm sorry for typographical and grammatical errors! And also, I've decided to translate this into English but I'll publish it as a different book.
Waah! Sobrang saya ko dahil nakaabot ako ng ganitong chapter!

God bless everyone!

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon