Chapter Nine

99 6 0
                                        

Nishinoya's P.O.V

Nakarating na kami ni Ennoshita sa School. Hirap pa kaming ibaba yung isang box kasi mabigat. Nasa school grounds kami ngayon at iniisip kung pano namin iaakyat sa 3rd floor itong mga 'to ng minsanan.

"Tsukishima!" sigaw ni Ennoshita. Lumingon ako sa gawi ng sinisigawan ni Ennoshita at nakita ko si Tsukishima.

Lumapit ito sa amin at nagbow. "Pwede ba magpatulong? Dalhin lang 'to sa classroom namin." tanong ko kay Tsukishima. Mukhang nag-aalangan pa ito pero pumayag din.

Si Ennoshita ang nagbuhat ng pinakamabigat na box at tag isa kami ni Tsukishima ng Box pati nung plastic bag.

Tahimik kaming umakyat ng building dahil na rin siguro sa mabibigat ang mga dala namin. Sinipa ko 'yung pinto para marinig nila pero dahil sobrang ingay nila ay hindi nila kami narinig. Sinipa sipa ko ulit yung pinto pero mukhang wala pa rin. "Kailangan mong ibaba 'yang buhat mo para buksan 'yong pinto Nishinoya-san" mahinang sabi ni Tsukishima.

Bumuntong hininga ako pero narinig kong may sumisigaw sa loob ng room kaya napatigil ako.

"Mga bingi ba kayo? May kumakatok sa pinto oh! Puro kayo ingay imbis na simulan niyo na 'yung mga dapat niyong gawin para sa booth!" Teka si Mitsuki 'yon ah. Mukhang badtrip nga siya.

Natahimik ang lahat at maya maya pa ay bumukas ang pinto ng room, sorry to keep you waiting" bungad nito.

Halata mo ang inis sa mukha nito habang nakatingin sa mga kaklase namin, hindi pa siya tumingin sa amin kaya hindi niya alam kung sino ang nasa pintuan ngayon.

"Kalma ka lang" malumanay na sabi ko. Natigilan siya at lumingon sa akin. "K-kayo pala" nauutal na sabi nito at tumabi para papasukin kami.

"Ikaw pala Tsukishima, salamat sa pagtulong mo sa kanila." rinig kong sabi ni Mitsuki.

"Walang anuman po" tugon ni Tsukishima bago inilapag ang box na bitbit nito at lumabas ng classroom.

Halata mong pagod na si Mitsuki dahil hindi maayos ang tayo niya. Puro pintura ang damit at kamay nito. Wait!
Hinawakan ko ang kamay ni Mitsuki na ikinagulat niya.

Hinila ko siya papunta sa upuan ko at pinaupo siya roon. "Saan mo nakuha 'to?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang first aid kit sa bag ko. "Alin?" tanong niya at kinuha ko 'yung kamay niya para ipakita sa kanya namay sugat siya.

"Manhid ka ba? Kanina pa ata tumutulo yung dugo mo oh" tanong ko sa kanya at binasa ng tubig yung panyo ko at punasan ang mga pintura sa daliri niya. Pagkatapos noon ay kumuha ako ng bulak at nilagyan iyon ng alcohol at dahan dahang idinampi iyon sa daliri niya.

Alam kong nasasaktan siya dahil hinihila niya yung kamay niya pero kailangan malinisan 'yong sugat niya.

"O-ok lang ako Nishinoya. Aww!" bulalas niya ng bigla kong idampi yung bulak sa sugat niya. "Ok?" tanong ko at kumuha ng band aid at inilagay iyon sa sugat niya.

"Ngayon lang kita nakitang ganto kaseryoso maliban na lang kung may laro tayo Noya" biglang sabi ni Tanaka na ikinagulat ko.

Napabitaw ako sa pagkakahawak ko sa kamay ni Mitsuki at tumayo. "H-ha? Ano bang pinagsasabi mo diyan?" tanong ko sa kanya habang kinakamot ang batok ko.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon