Chapter Thirty Eight

39 5 6
                                    

Mitsuki's P.O.V

Nang matanaw ko si Tanaka ay agad akong tumakbo papalapit sa kanya at hinarang siya. Bahagya itong nagulat. "U-uy, Mitsuki. Good morning. Nakabalik ka na pala." bati niya.

Imbis na batiin ito pabalik tinanong ko siya, "Nakita mo ba si Noya?"

Kumunot ang noo nito. "Hindi eh, kararating ko lang kasi. Bakit?" Saad nito. Humikab pa ito at mukhang kagigising niya lang. Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon. "Yie, miss mo noh! Ikaw ha." Panunukso ni Tanaka.

Agad namang nag init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. "H-hindi ah, may itatanong lang kasi ako sa kanya" pagtatanggi ko.

Ngumisi ito. "Weh? 'Di nga? Pwede mo naman itanong mamaya, papasok naman 'yon eh"

"Ah, ganon ba? Sige, see you sa room!" Paalam ko at tumakbo palayo sa kanya.

"Saan na ba kasi siya?" Saad ko. Kanina ko pa siya hinahanap pagkarating ko ng school, inagahan ko pa nga pumasok para lang maibigay sa kanya 'yung pasalubong ko.

Napatingin ako sa hawak kong paperbag.

Hindi ko nga rin alam kung bakit siya lang ang bibigyan ko ng ganto. Pero nung nakita ko ito, siya ang naalala ko.

"Oh! MIMI-SAN!" nagulat ako sa pagsigaw ni Hinata, agad akong lumingon sa gawi niya at agad naghuramentado ang puso ko ng makita ko siya.

"Mitsuki! Welcome back" nakangiting bati ni Noya. Isang linggo ko lang siyang hindi nakita pero pakiramdam ko isang taon kaming hindi nagkita.

Hindi ko rin alam kung kailan ko pa naramdaman 'to pero hindi ako mapakali kapag hindi ko siya nakikita. Sa isang linggo ko sa Pilipinas, pakiramdam ko narealize ko na kung anong ibig sabihin nitong nararamdaman ko. I was just too dumb and keep on avoiding it. Or should I say, I was just too afraid to admit it to myself.

"Hoy Mitsuki! Kanina ka pa di nagsasalita, puyat ka ba? O may jetlag? 'Di ka pa pala dapat sana pumasok." Nagitla ako.

Jeez, I'm spacing out.

Umiling-iling ako at pilit na pinakalma ang sarili. Inabot ko kay Noya 'yung paperbag na kanina ko pa hawak hawak. "P-pasalubong ko" nahihiyang sambit ko.

Masaya niya itong tinanggap at agad na binuksan iyon. "Wah! Mimi-san, ako? May pasalubong ako? Meron? Saan?" Pasigaw na saad ni Hinata.

Napasimangot ako dahil doon, "Sorry, hindi ko nadala 'yung sainyo eh. Mamayang hapon, dadaan ako sa gym para ibigay 'yon sainyo." Lumungkot ang ekspresyon niya, naguilty tuloy ako bigla. Ewan ko din ba, kaya ko naman dalhin lahat 'yon pero hindi ko alam kung bakit 'yong kay Noya lang ang dinala ko.

"Wah! Thank you Mitsuki!" Sigaw ni Noya at inamoy ang hawak niya. "The smell of overseas" saad pa niya.

Bahagya akong nagulat ng akbayan niya ako. "Ikaw ha, ako talaga favorite mo sa buong team at ako pa talaga inuna mong bigyan ng pasalubong. Crush mo'ko noh?" Nang aasar na saad niya.

The hell? Kailan pa siya natutong magpabango? Ang bango niya. Please help.

"H-hindi ah, nauna kong bigyan si Tsukishima kanina. K-kapitbahay namin eh" nauutal na saad ko.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. "Ah ganon ba? Thank you pala ulit." Pagkasabi niya noon ay umalis na siya at naiwan kami ni Hinata.

"Anong nangyare doon?" Tanong ko at tumingin kay Hinata.

Nagkibit balikat ito. "Ewan ko po, baka nagseselos. Crush ka kasi niy---" napatakip siya sa bibig niya. "Ay hindi, joke lang po 'yun. Waaaahh! Lagot ako kay Nishinoya-senpai. Huhu" tumalikod ito at nagsimulang maglakad paalis, ni hindi niya ako nilingon pero bago pa man siya makalayo ng tuluyan ay nagsalita ulit siya. "'Wag niyo po ako isusumbong kay Nishinoya-senpai. Baka sapakin ako nun." Pagkatapos noon ay tumakbo na siya paalis.

Naiwan ako doon na nakatayo. After few moments, ngayon ko lang naintindihan 'yung sinabi ni Hinata. "Waahh!" Sigaw ko at tinakpan ang mukha kong namumula. Please tell me nanaginip lang ako.

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Ilang minuto na lang ang natitira bago magsimula ang klase kaya naman sinimulan ko na ang paglalakad pabalik ng room.

----------

Author's Note:

I'm sorry for this short chapter. (TдT)
My brain is not functioning well kaya naman ganto kinalabasan. Tapos ang lame pa. Sumimasen Reader-san. Babawi ako sa next chapter.

By the way, if you have encountered some typographical errors. I'm really really sorry for that, na-proofread ko na 'to so I hope less typos lang. Hehe. Love you all!

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon