Mitsuki's P.O.V
Naglalakad ako papuntang school ngayon, half day lang mapapasukan kong klase ngayon dahil hindi talaga maganda pakiramdam ko kaninang umaga. Maaga akong nakauwi kahapon pero naiwan ko yung spare key ko ng bahay at ginabi na ng uwi si Mommy kaya sobrang tagal kong naghintay kahapon. Ang lamig pa naman kagabi!
Malapit na ako sa gate ng school ng may makabangga ako, parehas kaming napa-upo dahil doon. Kaagad naman akong tumayo, "Geez! I really need to buy new specs" saad ko at pinagpag ang damit ko. Tinignan ko naman ang babaeng nakabangga ko at nakaupo pa rin ito. "Miss, ok ka lang? May masa-" nagulat ako dahil bigla nitong niyakap ang binti ko at humagulgol.
"Please, help me. Someone's following me. Help me please" agad na naghuramentado ang puso ko sa narinig ko. Anong sumusunod? Sino?
Lumingon lingon ako sa paligid, iilan lang ang tao rito pero agad kong natanaw ang isang lalaking papalabas ng school. Nakasuot ito ng itim na jacket at cap. Kita kong lumingon lingon ito na tila ba may hinahanap. Lalo akong kinabahan dahil doon.
Ano bang gagawin ko? I've never been in this situation before, hindi ko alam ang gagawin ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko, at babaeng ito naman ay umiiyak pa rin.
Agad kong hinubad ang suot kong jacket at ipinasuot iyon sa babae. "Wear this. Faster" tarantang saad ko habang nakatingin pa rin sa lalaking sigurado akong humahabol sa babaeng ito. Mabuti na lang at nakaupo itong si ate kaya naman hindi siya ganoong kita sa bandang iyon.
Matapos itong isuot ng babae ay agad ko siya tinulungang tumayo at hinila siya. Dahil na rin talaga sa taranta ay nagmistulang kinakaladlad ko na siya. Is this what they call Adrenaline rush?
Mabuti na lang talaga ay hindi ganoong kalayo ang shop ni Mommy.
Lingon pa rin ako ng lingon sa likuran namin, I was checking if he's chasing us. Nang maaninag ko ang tumatakbong lalaki ay lalo ko pang binilisanang takbo ko. What the hell was his problem!
Ramdam ko ang pagpapawis ng kamay ko, kahit nakakadiri man at nakakahiya sa kasama kong babae dahil sobrang kinis nito ay wala akong pakialam! Ang mahalaga ay matakasan namin kung sino man ang lalaking iyon! Ni hindi ko nga rin alam kung bakit ko tinutulungan 'tong babaeng to eh hindi ko naman siya kilala. Nagkusa na talaga ang utak at katawan ko.
Lumiko kami sa ibang daan, at nagpaikot ikot ng kaunti kaya naman naiwala ko ang lalaking humahabol saamin.
Kahit walang imik ang kasama ko ay halata kong pagod na rin ito.
"Miss, hang in there ok? Malapit na tayo" saad ko. At ilang saglit pa nga ay nakarating na kami ng market area kung nasaan ang shop ni Mommy. Mabuti na lang at may Security sa entrance nito kaya naman ligtas kami, at the big thing is hindi nagpapasok sa market area na ito kung wala nang card tanda na may business ka rito o regular costumer at visitor.
Hingal na hingal kaming pumasok sa shop. "Mommy!" bungad ko at halatang nagulat si mommy.
"What? Mitsuki! What happened?!" Gulat na saad nito.
"S-some..one's foll-owing us. Ca-call the Po-lice. Ugh!" utal ba saad ko dahil sa pilit na paghabol ng hininga ko.
"Wait, calm down. Calm down" tugon ni mommy at lumapit saamin. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa bilis ng tibok nito. Hindi ko alam kung dahil sa pagtakbo o dahil sa kaba.

BINABASA MO ANG
Her Liberator
FanfictionI'm not just her friend and not just a Libero of a Volleyball team, I can be also Her Liberator. [Haikyuu Fan fiction] Disclaimer: I do not own any of the Haikyuu characters, it all belongs to Haruichi Furudate. I only own the story plot and others...