Bonus Chapter: City Boy Setters

54 3 0
                                        

Mitsuki's P.O.V

"Wag niyo nga siya pagkaguluhan! Kita niyo na ngang kagagaling lang niya sa sakit e!" Sigaw ni kuya sa mga ka-team niya. Kararating ko lang pero dinumog kaagad ako ng team ni kuya lalo na itong matangkad na lalaki na kasing daldal ni Hinata. Lev yata 'yung pangalan.

"Ok lang kuya" sambit ko.

"Buti pa yung kapatid mabait, samantalang yung kuya..." Tumigil si kuya Mori at tumingin kay kuya.

"Anong tinitingin tingin mo jan Yaku!" Singhal ni Kuya. Nagkibit balikat lang si kuya Mori. Sakanilang lahat ay si kuya Mori at Kenma lang talaga ang naging ka-close ko. Si Mohawk guy naman hindi na ako kinausap simula nung malaman niyang kapatid ako ng captain nila. Yung iba naman kinakausap ako pero hindi ganoon kadalas. Nangangamusta lang sila kapag nakikita ako dito at nanonood.

"Oo nga pala, Mimi-chan. Hindi mo ba pupuntahan ang Karasuno team?" Tanong ni Kuya Mori.

Napatingin naman ako sa gawi nila Nishinoya, mukhang seryoso silang nag-uusap. "Hindi na muna" saad ko. Nagulat na lang ako ng biglang magsalita yung isang kaibigan ni kuya mula sa isa pang team.

"Hey! Hey! Hey! Anong meron dito? Nagkumpulan kayo?" Tanong ni kuya Koutaro. Kasunod nito ang kaibigang si Keiji.

"Morning" matipid na bati ng huli, binati ko rin ito pabalik. "Musta ka na pala? Sabi ng kuya mo nilagnat ka daw" tanong nito.

"Well, ok naman na ako. Hindi pa ba magsisimula ang pa ba magsisimula ang training?" Tanong ko.

"Sa totoo lang nagsimula na kami kanina pa, nagbreak lang kami bago mag-switch ng opponents pero mukhang may problema ang Karasuno" tugon nito. Hindi kami gaanong nagka-usap ni Keiji simula noong makilala ko siya, so I thought that he's kinda standoffish like Tsukishima. But this is really surprising, he answer questions immediately.

"Bakit daw? Anong nangyare?" Tanong ko at muling tumingin sa gawi nila Nishinoya.

"Hindi ko alam eh. Naglalaro kasi kami kanina habang kakatapos ng training nila, nag-away yata si Hinata at Kagayema? I'm not so sure"

"Akaashi" tawag ni Kuya Koutaro.

"Bokuto-san" tugon ng katabi ko.

"Ikaw ha! Umiiskor ka sa kapatid ni Kuroo" pang-aasar ni kuya Koutaro.

Binatukan ni kuya si kuya Koutaro. "Siraulo! Kinakausap lang umiiskor na agad" singhal ni kuya. At simula noon ay nagbangayan ang dalawa.

"Don't mind them" saad ni Keiji, inaya ako nito na maglakad lakad muna. Sumama na rin si Kenma dahil naiingayan daw siya sa mga kasama.

"Sumasakit ulo ko" saad ko, napatingin naman ang dalawang kasama ko sa akin.

"May sakit ka pa rin ba?" Tanong ni Kenma bago ibalik ang tingin sa PSP niya.

"Sinat na lang" tipid na tugon ko.

"Edi hindi ka pa dapat pumunta dito. Wala ka rin naman gagawin dito eh" ani Keiji.

Nagkibit balikat lang ako, "Pakiramdam ko lang kailangan ni Kuya ng support? Tsaka nakakahiya na rin kasi kay kuya na lagi siyang umuuwi ng bahay para lang i-check ako."

"Wag ka na mahiya doon, walang hiya din naman 'yon" saad ni Kenma na hindi pa rin inaalis ang tingin sa nilalaro.

"Walang hiya rin naman si Bokuto-san eh, no wonder magkaibigan sila" kumento ni Keiji. Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

"Kayo ha! Binabackstab niyo sila" natatawang saad ko.

"Nagsasabi lang kami ng katotohanan" sabay nilang saad dahilan para matawa ako lalo.

"Oo nga pala, Mitsuki-san" saad ni Keiji.

"Mitsuki is fine, ang formal mo naman masyado" sabi ko sa kanya.

"Ah Mitsuki, paano mo nga pala nalamang kapatid mo pala si Ku-- I mean Tetsuro-san?" Bahagya akong natawa, I bet he felt awkward calling kuya by his name.

Napatingin lang ako sa maaliwalas na kalangitan. "Hindi ko rin alam, basta pumunta lang ako ng bahay nila tapos nung makita ako ni Mama bigla na lang itong umiyak. Ibig sabihin kilala ako ni mama kahit matagal na panahon na kaming hindi nagkita. Medyo hysterical pa nga si kuya noong malaman niyang magkapatid kami eh. Nagpa DNA test na din kami para sigurado." Tugon ko at muling tumingin kay Keiji.

"Naalala ko nga kinabukasan late pa siyang dumating ng practice tapos nakasigaw pa siyang papalapit sa akin. Sinasabing may kapatid daw siya" kwento ni Kenma. Itinigil niya saglit ang paglalaro at tumingin sa amin na parang bang naiinis ito sa nangyari noong araw na 'yon. "Pinipilit pa niya akong sumama sakanya papunta sa Miyagi para bisitahin ka daw. Naalala kong sinabi niyang naaksidente ka daw or something?" Dagdag niya pa.

Nasamid ako sa sinabi niya, "What?"

Nagkibit balikat ito "Hindi ko maalala, basta dahil daw naglaro ka ng badminton yata? O volleyball" Nagulat si Kenma ng bigla ko siyang iharap sa akin.

"Hindi nga seryoso!" Sigaw ko sa kanya, noong mapansin kong gulat siyang nakatingin sa akin ay agad ko siyang binitwan. "S-sorry" saad ko. Wala naman daw sa kanya iyon kaya hindi ko na daw kailangan mag-sorry.

"Kaya pala sobrang kulit niya sakin noong isang gabi, tinadtad ako ng text. Tinatanong kung ano daw sports ko" hindi makapaniwalang saad ko.

"Maybe he's planning to train you? I guess" singit ni Keiji.

"Strikto pa naman 'yon, bawal ang pahinga sa kanya." Dagdag naman ni Kenma.

"Hoy, wag niyo nga ako tinatakot" saad ko.

"No, we're not." Sabay nilang saad.

"Balik na nga tayo! Kung ano-anong sinasabi niyo jan. Baka nag-start na ulit yung training niyo" sabi ko sa kanila. Agad akong naglakad papalayo sa kanila dahil baka kung ano pang sabihin nila tungkol kay kuya, tamad pa naman akong tao. Atsaka, anong pake niya sa sports ko? Walang pakealaman kuya!

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon