Chapter Thirty Six

59 3 2
                                    

Mitsuki's P.O.V

Napabalikwas ako mula sa kama ng biglang tumunog ng malakas ang cellphone ko. Sino ba 'to? Ang aga aga.

Inis kong sinagot ang tawag kahit na hindi ko pa alam kung sino ito. "Hello!" Bati ko.

Ilang segundong nanahimik ang nasa kabilang linya bago ito sumagot. "Sorry, naistorbo ba kita?" Tanong nito.

Napamulat ako ng mata. "Ay hala, sorry kuya. Akala ko kasi kung sino."

Napatawa lang siya. "Nakarating na kayo?" Paglilihis niya ng usapan.

"Oo kakarating lang namin actually, mga isang oras na ang nakakalipas. Nadelay kasi 'yung flight namin kahapon kaya naman nailipat ng alas dos ng madaling araw." Tugon ko at humikab pa. Inaantok pa ako.

"Teka nga, paano nakuha 'tong number kong 'to? Kabibili ko lang ng sim kanina ah." Usisa ko kay kuya.

"Ah binigay ni Tita. I mean ng Mommy mo" tugon niya. Habang hawak hawak ang phone ko ay humiga ulit ako sa kama.

"Bakit naman kasi biglaan 'to? Nagpa-excuse pa tuloy ako ng wala sa oras. May quizzes pa ako ngayon week eh." Saad ko habang kinukusot ang mata ko.

"Sorry, sabi kasi ni mama matagal daw processing ng pagpalit ng pangalan lalo na kapag nanggaling ka sa ibang bansa. Tsaka kailangan mo rin kasi mag-apply kaagad sa transfer student entrance ng school next month kaya naman biglaan talaga." Tugon niya.

"Well, wala naman na akong magagwa eh. Pero atleast may nalaman ako dahil dito" saad ko at niyakap ang unan na katabi ko.

"Ano 'yun?" Tanong niya. Rinig kong sumigaw siya mula sa kabilang linya, nagpaalam kay mama at mukhang papasok na siya ng school.

"Yung birthday ko." Tugon ko at pilit na ginigising ang diwa ko.

"Oh, bakit? Anong meron sa birthday mo?" Tanong niya.

"Ang totoong birthday ko ay February 29 hindi April 12" sagot ko.

Nanahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita ulit. "Wait? Walang February 29 sa Calendar. Wag mo'kong jinojoke time kapatid"

"Puyat ako kuya, sa tingin mo ba may gana pa akong lokohin ka? Atsaka merong February 29 noh!" Inis na saad ko.

Tumawa siya. "Alam ko, jinojoke lang kita eh. So, ibig sabihin ay Leap year baby ka?"

Bumuntong hininga ako. "Ano pa nga ba, edi oo"  saad ko.

Natawa siya ulit. "So, ilang taon ka na kung bibilangin natin?" Narinig kong kinausap niya si Kenma at tinanong yung tungkol sa edad ko. Pero habang hinihintay ko siyang magsalita ulit ay hindi ko namalayang nakatulog ako.

NAALIMPUNGATAN ako ng tumunog ang cellphone ko, kinapa ko ang cellphone ko at agad na sinagot ang tawag. "Hello babe?" Nagising ang diwa ko dahil sa narinig ko. Tinignan ko ang caller ID pero unregistered ito at hindi ito yung numerong ginamit ni kuya para tawagan ako.

"Babe ka jan? Sino ka? Sagutin mo ako ng maayos kung ayaw mong huntingin kita." Inis na saad ko.

Biglang tumawa ang nasa kabilang linya. "Hello, Mitsuki. Joke lang 'yon, ako 'to si Nishinoya." Napabuntong hininga ako, bwisit na siraulong 'to. "Nakakatakot ka naman, ba't badtrip ka? Masama ba biyahe mo?" Tanong niya habang nagpipigil ng tawa.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon