Chapter Thirty Nine

56 5 5
                                    

Mitsuki's P.O.V

Napabuntong hininga ako ng hindi ako pansinin ni Noya pagkatapos ko siyang alukin na sumabay sakin maglunch. Nagkibit balikat na lang si Ennoshita habang nakatingin sa'kin. "Sorry Mitsuki, sinumpong nanaman siya. Next time na lang." Paumanhin niya.

"Ah, don't worry. Ok lang, may pupuntahan din naman ako." Saad ko at isinilid ang hawak kong sketchbad sa bag ko.

"Pupuntahan? Ngayong lunch time? Baka ma-late ka." Saad niya.

Umiling ako, "Sa Faculty lang naman ako. Sige na baka nagugutom ka na. Bye" paalam ko at namadaling lumabas ng room.

Minasahe ko 'yung sentido ko. Nahihilo ako, pakiramdam ko masusuka ako, mukhang tama nga si Noya. Dapat hindi muna ako pumasok.
Kadarating lang kasi namin ni Mommy kaninang umaga bago ako pumasok ng school.
Isa pa 'tong problema kong 'to, kailangan ko pa pumunta ng faculty para lang kunin yung notes at lessons na na-miss ko sa loob ng isang linggo.

Agad akong napaupo ng may mabangga akong tao. "Sorry, miss. Ok ka lang?" Saad niya, inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Noong tatanggapin ko na ito ay nagsalita muli siya. "Mitsuki?" Iniangat ko ang ulo ko para tignan siya.

"Nichida!" Bulalas ko at agad na tinanggap ang kamay niya.

"It's been a while, I haven't seen you around." Bati niya.

"Same to you." Matipid kong saad.

"Uhm, where are you heading? Naglunch ka na ba? Gusto mo sabay tayo?" Alok niya ngunit agad ko rin namang tinanggihan.

"Sorry, kailangan ko pa kasi pumunta sa faculty. I have some important matters to do" saad ko. Napasimangot siya ng bahagya.

"Oh, is that so? Samahan na kita" nag-aalangang saad niya. I don't know why but I feel awkward around him, but turning him down twice will make the atmosphere worse than it was.

"I don't mind" sagot ko, nagsimula na akong maglakad at ganoon din siya.

"By the way, lunch time ngayon ah. Ano namang gagawin mo sa faculty?" Tanong niya.

"Ah, I was absent for a week. I missed a lot of lessons kaya naman kailangan kong bumawi." Tugon ko at bahagyang lumayo sa kanya.

"Is that so? Why? Anong nangyari kaya ka absent ng isang linggo?" Usisa niya. Napatingin ako sa kanya kaya naman napaatras siya. "If it's okay to ask" saad niya pa.

Hindi naman iyon ang punto ko. It's just that.. The way he talks was a little bit different from before, it's like he's been watching his words.

I mentally slapped my self, kakasabi ko lang kanina na ang awkward ng atmosphere namin yet here I am allowing him to ask me anything. I don't understand myself sometimes. "Bumalik ako sa Philippines to get some of my important documents."

Nagitla siya sa sinabi ko. "For what?" Tanong niya. Tumigil ako sa paglalakad ng matunton namin ang pintuan ng faculty.

Tumingin ako sa kanya. "Uhm, well. I'm going to change my surname." Pagkasabi ko noon ay pumasok na ako ng faculty.




HIRAP na hirap akong ibinagsak ang mga bitbit ko ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. I fished out for my phone expecting that it was a call from my brother. Sinagot ko ang tawag ng makita kong si Kuya nga ang tumawag. "Nakabalik na kayo?" Bungad niya.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon