Chapter Twenty-five

66 8 0
                                        

Mitsuki's P.O.V

Late na kami nagising ni Kuya Tetsuroo, napahaba ang kwentuhan namin kagabi at inabot kami ng madaling araw.


"Diba sabi mo kailangan ka sa school niyo ngayon? Ano bang gagawin mo dapat?" tanong ni kuya, naglalakad kami ngayon papuntang istasyon ng tren.

"School Festival kasi namin ngayon, isa ako sa mga may importanteng gagawin sa booth namin" sagot ko at tumigil sa paghakbang. Naghintay kami ni kuya ng tren habang nagkukwentuhan.

"School Festival? Oo nga pala saan ka ba sa Miyagi nag-aaral?"tanong nito.

Agad ko naman sinagot iyon "Karasuno High School" napalingon siya bigla sa akin na tila ba gulat ito. "Bakit?" tanong ko at umiling lang ito.

"Gaya nga ng sabi mo kagabi transfer student ka 'diba? Hindi ka naman ba nahirapn mag-adjust o makipagkaibigan?" tanong nito. Sakto naman na dumating ang tren kaya naman pumasok kami roon, nang maka-upo ay saka ko lang sinagot ang tanong niya.

"Hindi naman, sanay rin naman ako kahit walang kumausap sa akin. Akala ko nga hindi ako magkakaroon ng kaibigan sa school eh"

"Ha?" takang tanong niya,tumango ako at sumagot "Di ko alam kung matatawag ko ba silang kaibigan o hindi, halos isang buwan ko naman na silang nakakasama at nakaka-usap. I guess, matatawag ko naman silang kaibigan"

"Sila, ibig mong sabihin madami sila?" usisa niya.

Umiling ako, "Madami ba 'yung lima? O kung isasama mo 'yung buong team nila siguro mahigit sampu?"

"Team? Sampu? Anong team ba tinutukoy mo?" pag-uusisa pa niya, mukhang interesado siya, nagkibit balikat lang ako. "Boys Volleyball team" sagot ko.

I fished out my phone to check the time, naka-receive din pala ako ng text mula kay Noya at Ennoshita. Masyado ata akong focused sa pakikipag usap kay kuya kaya hindi ko naramdaman yung pag-vibrate ng phone ko.

I opened their messages, both of them are asking where am I. Ni-replyan ko sila na on the way na ako.


"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay kuya at sabi niya ay malapit na, mabilis lang ang biyaheng ito kaysa sa binyahe ko kahapon. I didn't ride bullet train yesterday kaya inabot ako ng halos anim na oras. Dahil mas mabilis daw ang bullet train ay aabutin lang ng isang oras ang biyahe papuntang Miyagi.

"Paano mo nga pala nakilala ang Volleyball team ng school niyo?" biglang tanong ni kuya, nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba iyon o hindi.

Baka pagtawanan niya lang ako dahil sa nangyari sa akin nung first day ko sa Karasuno. But in the end sinagot ko pa rin ang tanong niya, "Wag kang tatawa ha?" saad ko.

Napatingin ito sa akin, "Ha? Bakit naman ako tatawa?" tanong nito.

"Basta wag kang tatawa!" singhal ko,  nagtataka man ay ipinangako pa rin nitong hindi siya tatawa.

At noon nga'y ikinuwento ko sakanya yung nangyari nung unang araw ko sa Karasuno.

"Tapos noong pumunta kami ng gym para manood ng--- hey kuya! Nakikinig ka ba?" sita ko sakanya ng namataan kong wala sa akin ang atensyon niya. Huminga ito ng malalim bago nagsalita, "Ituloy mo na lang sa labas yung kuwento mo. Nandito na tayo" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya agad at lumabas sa tren.

Agad ko naman siyang hinabol, "Teka lang kuya, ang bilis mo maglakad" pagpipigil ko sa kanya. Nang mapantayan ko na siya sa paglalakad ay itinuloy ko yung kuwento. Pero dahil mukhang nagpipigil siya ng tawa ay hinampas ko siya sa balikat.

"Sabi ko wag kang tatawa!" sigaw ko at noon nga ay tumawa na siya ng walang tigil.

"S-sorry, nakakatawa talaga yung kwento mo eh. Hindi na ako magugulat, napaghahalataan kang lampa eh. HAHAHAHA!" saad nito habang wala pa ring tigil sa pagtawa. Nainis ako kaya hinampas ko ulit siya, "Wala namang nakakatawa doon eh! Ewan ko sayo bahala ka nga jan!" sigaw ko at iniwan siya.

Bahala siyang tumawa jan, siraulo! Hinabol pa nga niya ako pero hindi ko siya pinansin. Tawa tawa pa rin siya habang naglalakad kami at pati hanggang makapunta kami ng school.

"Welcome sa school namin, kung gusto mo maglibot libot ka muna. Pupunta lang ako sa classroom, kailangan ko pa magtrabaho sa booth. Kung nababagot ka na text mo lang ako pupuntahan kita" inis na saad ko sa kanya bago siya iniwan.

Nakakainis, bakit ko ba kasi sinabing wag siyang tatawa? Mabigat ang mga hakbang kong umakyat ng hagdan, pinagtitinginan nga ako ng ibang tao rito dahil sa bigat ng hakbang ko. Dala ata 'to ng inis ko kay kuya.

"Mitsuki!" sigaw ng isang taong nagngangalang Noya.

"Ah! Na-miss kita, bakit sobrang late ka? San ka ba galing? Hinahanap ka na nila sa booth" salubong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nawala yung inis na nararamdaman ko nung makita ko si Noya.

"Bilis! May costumer ka, pagkatapos mo doon libot ulit tayo sa school mamaya. Kasama natin sila Daichi-san, manglilibre daw sila" saad nito habang hila hila ako papasok ng room.

Napabuntong hinga ako, at napatitig sa kamay kong hawak ni Noya. Gusto kong magprotesta ng bitawan niya ang kamay ko pero nanatili akong tahimik.

Her LiberatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon